5th Chapter

225 6 2
                                    


"Pasok ka muna sa loob." sabi ni Howard sabay turo sa isang malaking bahay na may kulay pulang gate. "Kukunin ko yung gamot." 

"Ah, maghihintay nalang ako dito sa labas." naiilang na sabi ni Agnes sabay ngiti ng pilit kay Howard. Ayaw niyang pumasok sa loob dahil naiilang talaga siya. Tsaka hindi magandang tingnan kung papasok siya sa loob ng malaking bahay na 'yon ni Howard lalo na at may asawa na siyang tao. 

"Are you sure? Baka mainip ka dito. Pwede ka namang umupo sa sofa habang naghihintay ka sa'kin." offer nito at ngumiti nalang si Agnes. 

"No, okay lang talaga 'ko dito." nakangiting sabi ni Agnes at nagkibit balikat nalang si Howard. 

"Okay sige, mabilis lang ako." sabi nalang ni Howard at pumasok na sa loob ng bahay para kumuha ng gamot. 

+**+

"Nakita niyo ba si Agnes?" naka-jacket pa non si Bench nung pumunta sa kwarto nina Eya at Yuan. Giniginaw pa rin kase siya dahil masama ang pakiramdam niya. 

Napalunok naman si Eya at napanganga lang si Yuan, gusto sana niyang sabihin na kasama ni Agnes si Howard pero masama ang tingin sa kanya ng asawa na parang nagsasabing WAG KANG MADALDAL!! 

"Ah, nakita ko siya kanina." bumuntong hininga muna si Yuan bago nagsalita. "Bibili ata ng gamot mo." 

"Ah okay, wala pa kase siya eh. 30 minutes na siyang wala." nag-aalalang sabi ni Bench. "Hindi ko naman siya matawagan dahil iniwan niya ang phone niya." 

"Babalik din agad 'yon, baka naghahanap pa ng drug store." sabi naman ni Eya at napatango nalang si Bench.

"Sige Yuan and Eya, balik na 'ko sa kwarto namin. Hihintayin ko nalang siya don." sabi ni Bench at iniwan na niya ang mag-asawa at agad na siyang nagpunta sa kwarto nila ni Agnes. 

Pagpasok ni Bench sa kwarto nila ay agad nalang siyang humiga sa kama at kahit naka-jacket siya ay giniginaw pa rin siya kaya ikinumot niya pa ang makapal nilang comforter. Ang tagal ni Agnes. 

10 minutes ang nakalipas nung bumukas na ang pinto at iniluwa non ang asawa niyang may dalang gamot.

"May gamot na dito Bench, bumili na rin ako ng soup. Halika na muna, kumain ka na." alok ni Agnes at bumangon naman ang lalaki at agad lumapit sa dining table. 

"Nahirapan ka ba maghanap ng gamot? Pasensya na ah." nag-aalalang sabi ni Bench.

"Bench? Bakit ka naman humihingi ng pasensya? Bilang asawa mo, dapat lang naman talaga na inaalagaan kita. Sige na, kumain ka muna nitong soup para makainom ka na ng gamot mo." at isinalin nga ni Agnes ang soup sa mangkok. 

Magkatapat na sila nong nakaupo habang kumakain ang lalaki. 

"Kumain ka din Agnes." alok ni Bench.

"Mamaya nalang kapag nagutom na ko. Ikaw muna, kailangan mong gumaling." 

Habang kinakain ni Bench ang soup ay biglang tumunog ang phone ni Agnes na nasa ibabaw ng cabinet. 

"May tawag ka." sabi ni Bench at agad namang tumayo si Agnes. 

Anonymous number yon kaya sinagot nalang niya agad.

AGNES: Hello? Who's this? 

HOWARD: Howard! 

Muntik ng mabitawan ni Agnes ang phone niya nung marinig niya ang boses ni Howard! Pano nalaman ng lalaki ang phone number niya?? Paano?? 

Sinulyapan muna niya ang asawa niyang kumakain sa table...

AGNES: Ah, pano mo nalaman ang number ko? 

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon