Final Chapter

422 9 0
                                    


Lalong dumagdag sa pagiging romantic ng lugar ang pagkanta ng banda sa restaurant na 'yon. At grabe ang ginastos ng tatlong babae ah, exclusive lang para sa kanilang anim ang restaurant na 'yon at walang ibang pwedeng pumasok. Imaginin niyo kung gaano kamahal ang binayad para don. ;-) 

Maya-maya pa ay unti-unting nahulog ang mga malilit na pulang lobo kaya napatingala silang anim. 

Parang in slow motion ang mga lobo habang bumabagsak ito at habang patuloy pa rin sa pagtugtog ang banda ng kantang 'Grow Old With You'. 

"Pumili ka ng isang lobo Drake," nakangiting sabi ni Chichay at medyo naguluhan si Drake don pero kahit medyo nalalabuan siya ay kinuha niya na lang yung lobong nasa may paanan niya.

"So, anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ni Drake sa asawa habang hawak niya na ang isang lobo. 

"Putukin mo, may surprise sa loob niyan at lahat ng lobong nakikita mo, may surprise!" nakangiting sabi ni Chichay at mabilis namang pintok ni Drake ang lobo sa pamamagitan ng dalawang palad niya. 

Nagulat siya nung may nakalagay na maliit na papel sa loob non at may nakasulat na....

--HAPPY VALENTINES! I HEART YOU!--- PRIZE: KISS SA CHICKS!

Kumunot ang noo ni Drake,
"No! Hindi pwedeng sa chicks lang! Kukuha pa ko ng iba!" angal ni Drake kaya natawa si Chichay. Agad kinuha ng lalaki ang isa pang lobo na nasa ilalim ng table at mabilis na pinaputok 'yon. 

--HAPPY VALENTINES! I HEART YOU! PRIZE: Flying Kiss!

"No! Isa pa!" at natatawa nalang si Chichay dahil tumayo na si Drake at panay ang kuha at putok ng mga lobo! Naghahanap ng jackpot prize! Natatawa si Chichay kase nakakarami ng lobo ang asawa niya pero mukhang wala pang nakukuhang prize na gusto niya. 

+**+

Si Bench naman ay kinuha din ang isang lobong nasa table nila at agad pinaputok 'yon. Ang nakalagay na message sa loob ay...

--HAPPY VALENTINES! I HEART YOU! Prize: Hug! 

"Okay, i-hu-hug kita! Pero pipili pa ko ng iba ah." angal ni Bench at agad tumayo para yakapin si Agnes. "Magpapaputok pa ko ng mga lobo.. Ah---ano ba yung jackpot prize?" na-eexcite na tanong ni Bench. 

"Basta! Sige na, pumili ka na lang ng lobo!" natatawang sabi ni Agnes.

Si Bench naman ay panay ang kuha at putok ng lobo kaya natatawa talaga si Agnes. Talagang gustong mahanap ni Bench ang jackpot prize! 

Agad itong kumuha ng isa pang lobo at sabik na pinaputok 'yon ni Bench. 

---HAPPY VALENTINES! I HEART YOU! Prize: Nose to nose! 

"Nose to nose!" natatawang sabi ni Bench at mabilis na lumapit kay Agnes. 

Dinikit niya agad ang matangos niyang ilong sa matangos ding ilong ni Agnes. They were looking at each others eyes. Mahinang ikiniskis ni Bench ang ilong sa ilong ng asawa at amoy na amoy ni Agnes ang amoy mint na hininga ng asawa.

"I love you.." halos pabulong na sabi ni Bench at halos magdikit na rin ang mga labi nila. 

"Mahal din kita." sagot ni Agnes. 

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon