2nd Chapter

359 8 0
                                    


"Ayoko! Tinatamad ako!" sabi ni Drake kina Yuan at Bench na nasa labas ng kwarto nila ni Chichay. Inaaya siya ng dalawa na sumama sa party nina Jag.

"Magbibihis ka na ba o kami pa magbibihis sa'yo?!" naiiritang tanong ni Yuan. "Bilisan mo na! Wag ka ng pa-espesyal!"

"Hindi ako pa-espesyal gago! Ayoko lang talaga! Tinatamad ako! Mas gusto ko pang manuod ng movie kasama ng asawa ko. Kaya sige na, kayo nalang!" pagtataboy ni Drake sa mga pinsan. "Mga bad influence kayo!"

"Wow nakakahiya naman sa'yo!" sabay ngiwi ni Bench. "Ano ba Drake?? Tara na kase!"

Pumasok si Yuan sa loob ng kwarto at nakita niyang nakaupo si Chichay sa couch.

"Hi Chichay! Pwede bang mahiram ang asawa mo saglit? May party lang kase sina Jag." pag-papaalam ni Yuan at napakamot nalang sa batok si Drake.

"Hindi ako papayagan niyan!" sabi pa ni Drake.

"Papayag ka diba? Sina Eya at Agnes nga, pumayag eh. Payag ka diba?" pagpapa-cute na sabi naman ni Bench.

Nakangiti lang si Chichay habang nakatingin sa kanila.

"Okay sige, basta umuwi ka agad Drake ah." sabi ni Chichay at kay Drake siya tumingin.

"Actually ayoko naman talagang sumama." sabi pa ni Drake pero hinila na siya nina Yuan at Bench palabas sa kwartong 'yon.

"Bye Chichay!" nakangiting pag-papaalam nina Yuan at Bench habang hila nila si Drake. Natatawa lang ang babae sa trip ng dalawa.

"Lock the door Chichay!!!! Lock the door!!!" narinig niya pa ang malakas na sigaw ni Drake nung nasa hallway na ito.

+**+

Malapit lang sa beach ang set up ng party. Maraming alak at maraming pagkain. Napakarami ring tables at sa center ay may malawak na espasyo para sa mga gustong magsayaw. All boys party nga!

"Na-bo-bored na ko! Uuwi na ko!" masungit na sabi ni Drake kina Yuan at Bench habang nasa isang table sila.

"Uminom ka lang kase ng umimom para hindi ka ma-bored!" sabi ni Bench sabay inom ng beer.

"So ano bang meron sa party na 'to? Pwede naman tayong uminom ng beer sa may cottage kung gusto niyo lang ding uminom." sarkastikong sabi ni Drake.

"Pakikisama lang Drake!" sagot ni Bench. "Para kay Jag!"

Nagkibit-balikat nalang si Drake at kumuha nalang din ng isang boteng beer at agad binuksan at ininom 'yon.

+**+

Nasa may cottage naman sina Eya, Agnes at Chichay. Pare-pareho silang hindi makatulog kaya tumambay nalang sila don.

"Sinilip ko 'yung party kanina, all boys lang talaga!" kampanteng sabi ni Eya.

"Nagpunta ka pa talaga!" napailing na sabi ni Chichay.

"Siyempre naman no! Aba, sa panahon ngayon, hindi ka pwedeng papatay-patay!" sabi naman ni Eya at natawa lang si Agnes.

"Kahit active ka sa pagbabantay, kung mang-ba-babae sila, mang-ba-babae sila" sabi naman ni Agnes.

"Tama!" pagsang-ayon ni Chichay.

"Subukan lang niyang mang-babae! Puputulan ko talaga siya!" gigil na sabi ni Eya at natawa nalang sina Agnes at Chichay.

Naputol ang pag-uusap nila nung may isang lalaking lumapit sa kanila. Natulala ang tatlong babae dahil parang si Superman ang lalaking kaharap nila! Perfect face, perfect height, perfect body built!

Naka sandong itim lang ang lalaki at naka-shorts.

"Mga miss, pwedeng magtanong?" tanong ng lalaki sa kanilang tatlo.

"Sure! Ano yon?" tanong ni Agnes sa gwapong lalaki!

"San ba dito 'yung Tapa Grilled?" tanong nito at nagkatinginan silang tatlo.

"Ah, dun sa bandang kanan." sabay turo naman ni Chichay sa banda ng Pata Grilled.

"Thank you girls!" nakangiting sabi. "By the way, I'm Howard!" pagpapakilala nito.

Mukhang fil-am ang lalaki dahil tisoy talaga ito.

"Hi Howard!" nakangiting kaway nalang ni Eya. "Ako si Eya!"

"Chichay!"

"Agnes!"

Pagpapakilala nila at nakangiti lang si Howard sa kanila.

Nagulat pa silang tatlo nung marinig nila ang boses ni Yuan!

"Kisses!" medyo inis ang tono ni Yuan at ramdam nila 'yon.

"Uy Kisses!" nakangiting bati naman ni Eya. "Bakit nandito ka?"

"No, bakit nandito ka?" balik tanong ni Yuan. "Tara na! Inaantok na ko." iritadong sabi ni Yuan sabay sulyap kay Howard.

"E teka..nandito pa sina Chichay at Agnes oh, iiwanan ko ba sila?" tanong ni Eya sa asawa niya.

"Uuwi na rin sila! For sure na hindi matutuwa sina Bench at Drake kapag nakitang nadito pa sila sa cottage. It's almost 1 in the morning! So tara na Eya." Tumingin din si Yuan kina Agnes at Chichay at nandun pa din ang mala-superman na si Howard! "Chichay and Agnes, sumabay na kayo sa'min. Nag-aantay na sina Drake at Bench sa inyo."

Tumayo naman ang dalawang babae at agad na silang sumabay kina Eya at Yuan. Nginitian nalang nila si Howard bago nila ito iniwang nakatayo sa may cottage.

+**+

"Kumusta 'yung party ni Jag?" tanong ni Chichay kay Drake habang pinupunasan niya ng basang bimpo ang mukha nito na nakahiga na sa kama. Sa hita niya nakaunan ang asawa.

"Ayun! Nakaka-boring!" sarkastikong sagot ni Drake at natawa lang si Chichay. "San nga pala kayo tumambay?"

"Sa may cottage lang."

"Next time ayoko ng lumalabas pa kayo ng ganitong oras ah. Hindi safe para sa inyo. Madami ng loko sa panahon ngayon." sabi ni Drake at tumango nalang si Chichay. "Inaantok na ko baby, tulog ka na rin."

"Okay, goodnight baby!" nakangiting sabi ni Chichay at humiga na siya sa tabi ni Drake. Sa ibabaw lang ng side table niya nilagay ang basang bimpo.

"Goodnight din, i love you!" sabi ni Drake na agad yumakap sa babae. "Ah.. Chichay..gusto mo bang mag-ano muna tayo?" pilyong tanong ni Drake at natawa lang si Chichay. Amoy na amoy niya ang pinaghalong perfume at alak ng asawa. Ang bango non sa ilong niya.

"Alas dos na ng madaling araw Drake! Tulog nalang tayo. Marami pang pagkakataon para don..Tulog muna tayo." at niyakap nalang din niya ang lalaki at pumikit na. Sobrang antok na niya eh.

"Okay," sabi nalang ni Drake na lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa babae. "Last na tanggi mo na 'to ah! Bukas hindi na uubra yan. Starting tomorrow, you can't say NO! Malinaw ba Chichay? "

"Opo Sir!"

+**+

"Sino 'yon?!" kunot noong tanong ni Yuan kay Eya nung makapasok na sila sa loob ng kwarto nila.

"Si Howard! Gwapo no?" pang-aasar na sabi ni Eya sabay higa sa kama. "Tara na Yuan! Matulog na tayo."

"So alam mo talaga ang pangalan? Nice one!" sarkastikong sabi ni Yuan na hindi pa rin humihiga sa kama. Nakatayo lang ito at nakapamulsa habang masama ang timpla ng mukha.

"Malamang! E nagpakilala yung tao eh! Siya daw si Howard!" nagpipigil ng tawang sabi ni Eya.

Gustung-gusto niya yon eh! Yung naiinis si Yuan!
Yung selos na selos! Lakas makahaba ng hair!

"Nagpakilala? And why the hell he did it?!" lalong kumunot ang noo nito.

"Ewan ko! Baka gustong makipag-kaibigan!" sabay kibit balikat si Eya.

"Tsk! Sabagay, mukhang bakla naman 'yon!"

"Oy hindi ah! Lalaking lalaki kaya si Howard!" pagdedepensa ni Eya kaya lalong napikon si Yuan.

"Eya!! I don't want you to mention his name again!! Not ever!! Ilang beses mo ng binanggit ang pangalan niya and it sounds like a thunder in my ear!" pikong sabi ni Yuan.

"Oh ano, Galit ka na niyan?" natatawang tanong ni Eya. "Halika na nga dito! Matulog na tayo! Ang init ng ulo mo eh!"

"Ang galing mo kase mang-asar!" inis pa ring sabi ni Yuan at agad umupo sa couch.

"Bat nandyan ka pa? Dito ka na sa kama!" sabi ni Eya at nakita niyang nakasimangot pa rin si Yuan. "Uyyyy!!! Gusto pang magpalambing!!" pang-aasar niya at agad niyang nilapitan si Yuan sa couch at umupo siya sa kandungan nito. "Sus! Walang wala naman sa'yo yung Howard na 'yon! Tsaka, baka nga bakla yon! Tingin mo?" malambing niyang tanong at tahimik pa rin si Yuan.

+**+

"Mag-shower ka muna bago ka humiga sa kama! Ayokong amoy alak kang tatabi sa'kin!" mataray na sabi ni Agnes kay Bench.

"Opo mam! Alam ko po!" natatawang sabi ni Bench na agad kinuha ang towel sa ibabaw ng drawer at humakbang na papunta sa cr. "Coffee nga pala Agnes, please? Magkakape ako after kong maligo."

"Okay sige! Bibili ako ng kape sa labas." at agad tumayo si Agnes para kunin ang sweat shirt niya.

"No!" sabi ni Bench. "Wag na lang, ayoko namang lumabas ka mag-isa sa ganitong oras. After kong mag-shower, samahan mo nalang akong magkape."

"Ikaw ang bahala." sabi nalang ni Agnes at agad ng pumasok sa loob ng cr si Bench.

+**+

Nasa coffee shop na sina Agnes at Bench at duon sila nagkakape. Alas dos na ng madaling araw non pero parang hindi gumagabi sa Delucas. Ang dami pa ring gising.

"May gusto ka bang kainin?" tanong pa ni Bench.

"Wala, hindi naman ako gutom. Ikaw nalang ang kumain."

"Mamaya na ko kakain! Sa kwarto!" pilyong sabi ni Bench at natawa lang si Agnes at napailing.

"Wait lang Bench, cr muna ko." pagpapaalam ni Agnes at agad tumayo. Tumango lang si Bench sa kanya.

Papunta palang si Agnes sa cr nung makasalubong niya si Howard!

"Agnes right?" nakangiting tanong ni Howard.

"Yeah! Howard!"

"Hm, sinong kasama mo?" nakangiting tanong ni Howard at ngumiti din si Agnes.

"Yung asawa ko." proud niyang sagot at halatang nagulat si Howard!

"You're married?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Yeah! At may anak na kami. 1 year old."

"Oh, i see! Hindi halata ah. Parang ang bata mo pa kase." nakangiting sabi pa ni Howard.

Napalunok naman si Agnes nung makita niyang nakatingin sa banda nila si Bench!

Hindi maganda yung aura ng mukha nito at mukang naiirita!

"Ah, sige Howard, punta na ko sa restroom." sabi nalang niya at tumalikod na siya kay Howard. At dahil nagmamadali siya ay nahulog niya ang hawak niyang panyo at mabilis na pinulot 'yon ng lalaki at inabot sa kanya.

"Thanks!" nakangiting sabi nalang ni Agnes at tuluyan na siyang pumasok sa cr.

+**+

"Hoy! Bakit ang bilis mo maglakad?!" tanong ni Agnes habang naglalakad na sila pabalik sa kwarto nila. Nauuna kase ang lalaki sa kanya. "Bench!!!" tawag niya at nagmadali siya para maabutan niya ang asawa. "Bench ano ba?! May lakad?? Kailangan talagang magmadali??"

"Sino 'yon?!" tiim bagang na tanong ni Bench at humarap bigla kay Agnes.

"Sino?" tanong naman niya kahit may duda siyang si Howard ang tinutukoy nito.

"Yung lalaki sa coffee shop? Do you know him? Anong sinasabi niya sa'yo?!" mahinahon pero madiin ang bawat salita ni Bench.

Natawa lang si Agnes,
"Nagseselos ka ba?"

"Obvious ba?!"

"Look Bench, siya si Howard! Wala lang, nakilala lang namin siya kanina nung nasa cottage kami."

"Kanina?! Panong kanina? San ka galing?!"

"Kaninang nasa party kayo, nasa cottage kami nina Chichay. Umuwi din kami agad. Nauna pa nga akong dumating kesa sa'yo diba?" paliwanag ni Agnes.

"Haist! Ewan! Wala ako sa mood! Matulog na nga lang tayo!" inis na sabi ni Bench at hinawakan nalang niya ang kamay ng asawa at naglakad papunta sa Oceania Lounge. "Ayoko ng maulit 'to."

+**+

Pag-gising ni Drake ay nasilaw siya sa sinag ng araw na tumatama sa salamin ng bintana ng kwartong 'yon. Tumingin agad siya sa kanan niya at hindi niya na katabi si Chichay. Mas maaga kase itong nagigising kesa sa kanya.

Nagmu-mog lang siya sa lababo at naghilamos at nagsuot ng short dahil naka-boxer lang siya non.

Agad na siyang lumabas sa kwarto at malamang na nasa may dalampasigan na si Chichay.

At hindi nga siya nagkamali!

Natanaw niya na agad si Chichay na nasa may dagat. Pero napalunok siya nung makita niyang naka-swim suit ito!! May mga lalaki ring naliligo at hindi siya kumportable sa nakikita niya.

May isa lang talagang lumapit sa asawa niya ay magkakagulo na.

+**+

Huminto ang isang itim na ferrari sa parking lot ng Ocenia Lounge at isa-isang bumaba don ang tatlong nag-ga-gandahang babae.

They are glamorous and gorgeous. Naka-sun glass silang tatlo at tumingin pa sila sa kumikinang na dagat ng Delucas.

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon