9th Chapter

252 5 0
                                    


Drake?!" gulat na nilingon ni Chichay ang asawa niya na nakatayo pala sa bandang likuran niya. 

"Sino si Wong?" tanong ulit ni Drake na agad umupo sa tabi ni Chichay. 

Napalunok nalang ng sabay sina Yuan at Eya. 

"Ah---alis muna ko, maliligo na ko." sabi nalang ni Yuan na agad tumayo at hinawakan ang kamay ni Eya. "Tara na Kisses, sabay tayong maligo." 

"Ah---oo nga! Gusto ko na ring maligo." napapangiwing sabi ni Eya na agad ng tumayo at hawak kamay na silang umalis ng asawa. 

Naiwan nalang don si Chichay na namumutla pa rin. 

"Sino nga si Wong?!" tanong ni Drake na pinipilit kumalma. 

"Ah-- yung-- vocalist ng banda kagabi! Ah..ano-- wala naman! Kinantahan niya lang ako." paliwanag ni Chichay sa asawa. 

"San ko makikita ang Wong na 'yon?" seryosong tanong ni Drake. "Where the hell i can see him?!" 

"Drake! Para saan? Bakit pa?" 

"Sagutin mo ko, saang restaurant siya kumakanta?" 

"Drake! Tumigil ka nga! Maliit na bagay pinapalaki mo." 

"Sagutin mo sabi ako! Saan ko makikita yung Wong na 'yon?!" 

"Bakit nga kase?? Ano lang naman eh-- kinantahan niya lang ako! Ganun lang! Nangyayari naman talaga 'yon diba? Yung mapipili ka ng singer tapos kakantahan ka. Ganun lang. No big deal! Drake please, stop it!" pakiusap ni Chichay. 

"Hindi ako titigil hanggat hindi mo sa'ken pinapakita yung Wong na 'yon!" mukhang walang balak sumuko si Drake! Ramdam ni Chichay 'yon. Pero for Pete's sake! Hindi niya pwedeng iharap si Wong kay Drake! Hinding hindi!

Trouble 'yon malamang! 

Tumayo si Drake at hinawakan ang kamay ni Chichay.

"Tara! Gusto ko siyang makita."

"Drake! Alas dos palang ng hapon! Malamang na wala yun don o baka nga hindi na yun bumalik. Tama na Drake okay? Pinapakaba mo ko eh!" napaluhang sabi ni Chichay. Kailangan niya ng gamitin ang pinaka malupit niyang weapon laban kay Drake! Ang luha!! "Please? It's non sense Drake. Wag mo namang palakihin yung napakaliit na bagay oh." sabay punas ng luha. 

"Fine!" sabi nalang ni Drake. "Basta ayoko ng maulit 'yon." 

Tumango nalang si Chichay at niyakap niya si Drake. Nagpapasalamat siya at huminto na ito sa pangungulit tungkol kay Wong! Kawawang Wong! Wala namang ginagawang masama! 

"Mamaya nga pala Chichay, may pupuntahan ako. Hintayin mo lang ako sa room natin." 

"Huh? San ka naman pupunta?" tanong ni Chichay at naka-akbay na sa kanya ang asawa habang naglalakad sila pabalik sa Oceania Lounge. 

"Dyan lang, magti-tingin-tingin lang ako sa mga souvenir stores." 

"Hindi mo 'ko isasama?" may tono ng pagtatampo ang boses ni Chichay. 

"Wag na, ako nalang." seryosong sabi ni Drake. 

"Huh? Bakit ayaw mo kong isama?" malungkot na tanong ni Chichay sabay pout ng lips. 

"Masyado ka kasing cute!" nakangiting sabi ni Drake sabay kiss sa naka-pout na lips ng babae. 

"Isama mo na 'ko please? Wala naman akong gagawin eh. Ma-bo-boring lang ako sa kwarto natin." 

"No Chichay, hindi nga pwede. Ayokong may kasama papunta don. Pano ko makakapang-babae kung sasama ka?" natatawang sabi ni Drake at napataas ang kilay ni Chichay.

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon