11th Chapter

244 6 0
                                    

"Eya! Let me explain!" biglang sabi ni Yuan nung tinawag siya ni Eya.

"No Yuan! Hindi mo kailangang mag-explain." seryosong sabi ni Eya.

"Pano kayo nakarating dito?" biglang tanong naman ni Drake at agad lumapit kay Chichay. "Why you three are here?"

"Bakit? Masama bang nandito kami?" mahinahong tanong ni Chichay na agad napatingin kay Olive.

"No! Kaya lang----" napahawak sa noong sabi ni Drake.

"Ano ba talaga ang sini-sikreto niyo?" tanong naman ni Agnes kay Bench.

"Wala." mahinahong sagot ni Bench.

Napanganga si Agnes nung lumapit kay Bench si Amanda.
"Hey baby Bench!" sabi nito in a flirt way. "Hm, later nalang tayo mag-usap." nakangiting sabi nito at napatiim bagang si Agnes.

Paalis na sana si Amanda pero bigla siyang hinawakan ni Agnes sa braso kaya napahinto ito at ang mga mata ay nagtatanong kay Agnes ng WHY!?

"Nilalandi mo ba ang asawa ko?" matapang na tanong ni Agnes kay Amanda pero natawa lang si Amanda.

"Ofcourse not!" sabay ngisi nito.
"So bakit mo siya tinawag na BABY?? ANAK MO??" nang-gi-gigil na tanong ni Agnes.

"Agnes---" awat ni Bench pero dinuro siya bigla ni Agnes.

"Wag mo kong pigilan Bench! Bumalik ka na sa Oceania Lounge and let me handle this."

"Pero Agnes-------"

"Narinig mo ko Bench! Bumalik ka na sa kwarto natin!!! BUMALIK KA NA DON! AS IN NGAYON!!"

Napahawak nalang sa noo si Bench at agad na umalis...

Napanganga lang si Amanda at nakaramdam talaga siya ng takot! Mukhang kakain siya ng buhay ni Agnes!

"Sorry, hindi ko naman siya nilalandi.." kinakabahang sabi ni Amanda.

Si Eya naman ay tumitig lang din kay Yuan,
"Ikaw din Yuan! Bumalik ka sa kwarto natin!"

"Tara, sabay na tayo." sabi naman ni Yuan at hinawakan na niya ang kamay ni Eya.

"Mauna ka na don Yuan, tatapusin ko lang 'to." sabi ni Eya sabay tingin ng masama kay Kish na mukhang natakot kaya humakbang na palayo pero nahawakan ni Eya ang braso niya. "Mag-uusap pa tayo bitch!"

"Kisses, let's go" pamimilit ni Yuan.

"Relax Yuan! Hindi ko naman papatayin to eh! Pipilayan ko lang! Sige na! Bumalik ka na sa kwarto natin!"

Napabuntong hininga nalang si Yuan at agad nalang na umalis don.

Sina Drake at Chichay naman ay nagkatitigan,
"Paaalisin mo rin ba ko?" tanong ni Drake.

"Hindi!" sagot ni Chichay at agad itong tumingin kay Olive at muling tumingin kay Drake. "Gusto kong makita mo na hindi ako pala-away na tao. Hindi ako warfreak Drake, alam mo yan. Pero kapag nilalandi ka na, ibang usapan na 'yon. Anghel ako, pero pwede akong maging demonyo kapag may nagtatangkang agawin ka sa'kin. Hindi ako papayag na landiin ka ng iba. Handa akong makipagpatayan para lang ipaglaban ka." seryosong sabi ni Chichay at hindi maipaliwanag ni Drake kung bakit parang tumalon yung puso niya sa mga sinabi ni Chichay!

Kinikilig din pala talaga ang mga lalaki.

"Hindi ako maaagaw ng kahit na sino!" seryosong sabi din ni Drake.

Agad lumapit si Chichay kay Olive.
"Dyan ka lang Drake!"

Taas noo pa rin si Olive na nakatingin kay Chichay.
"Hm...alam mo Chichay--- feeling ko, boring ang sex life niyo ni Drake!" sabay tawa nito. "For sure, kapag saken---- mag-eenjoy ng todo ang asawa mo." sabay ngisi ni Olive.

3 HEARTS ( Montejars and Dela Rosa ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon