Prologue
The Promise
"Pag nagbitaw ka ng katagang 'Pangako' dapat gampanan mo to."
Yan ang mga kataga ng Ina ko bago siya kinuha ng panginoon sa akin.
Kaya simula dati, hanggang ngayon pag nangako ako ng isang bagay tinutupad ko.
Pero bakit yung iba hindi nila tinutupad?
Bakit sila nangangako kung di naman nila tutuparin?
Pag maraming pangako , maraming nasasaktan at nasisira.
Maraming pangako na binibitawan sa bawat araw pero sa bawat oras marami sa mga pangako na yun ang napapako.
"Puwede mo ba patayin yang radyo tinang?" Utos ko sa kapatid ko na nakikinig ng drama sa radyo.
"Ate naman ehh..di ka naman pinakakaalaman nitong radyo ah?"sagot niya na nagmamaktol.
"U-ah sasagot ka pa ah? Ikaw kaya mag-aral dito tapos ako ang makinig ng radyo nayan! Tapos tanungin kita kung pinakakaalaman ka ba niyang buwesit na radyong yan huh? Ang ingay-ingay alam mo ba yun?"
Mahina na pasigaw kung sabi sa kanya na parang iiyak na.
Ang sarap ibalibag ng batang to buwesit. Ahggg kainis.
"Ahhh Papaaaaaa!" Sigaw niya at patakbo na palabas ng bahay.
Pinatay ko yung radyo at nagpatuloy sa pagbabasa ng may narinig akong ingay sa labas at nangunguna na doon ang iyak ng OA kung kapatid.
"IYAHHHHH!! ikaw na bata ka Ang tanda tanda mo na pinapatu---"
"patulan mo pa itong kapatid mo?di ka na nahiya! Lumabas ka ditooo!!Blah blah blahh!" Ohh diba memorise ko.
Paulit-ulit kasi eh bawat iyak niyang paborito niyang anak mag aalburuto kaagad.
"Wala na bang ibang line jan?" Bulong ko habang palabas ng bahay.
Ako nga pala si Heliyah Pearl Laguna ang pinakamaganda, pinakasexy, at marami pang pinaka. 17, Senior high from Zamboanga City.
BINABASA MO ANG
Pledge Of Heart
Teen FictionMahirap magmahal ng isang tao na hindi ikaw ang tinitibok ng puso nito. Masakit magparaya lalo na pag alam mo na ang puso mo ang mawawasak. Pero mas mahirap at masakit pag naghahabol ka na at nagpapansin pero di ka parin niya kayang mahalin. Hanggan...