Chapter Ten
Meet her again
Five hours ang capacity para sagutan lahat ng test paper at dahil pabida bida ako four hours mahigit pa lang natapos ko na at nag lakad na ako papunta sa harap para e pasa ang aking test paper at napatingin sa akin lahat ng nandito sa examination room, kasama na doon si Malanding impakta.
Oh? Napatingin ka? Matalino to teh!!
Inirapan ko siya at nilingunan si Fid na nagpatuloy lang sa pagsagot at di man lang ako tinignan. Ayy seryoso si Boyfriend ko haha.
"Okay, puwede ka ng lumabas and yung result ng test niyo ngayon sa pasukan niyo na makukuha." Sabi nung guro na nagabantay sa amin.
Nag thank you lang ako at tumalikod para kukunin ang bag ko sa upuan ko ng makita ko si fid na nakatayo sa likuran ko at halos mapasubsob ako sa dibdib niya, tinignan niya naman ako kaya tinignan ko rin siya. Ayun may pagtingin na kami sa isa't isa.
Akala ko paalisin niya ako pero I am wrong lumapit pa siya sa akin hanggang sa naramdaman ko na ang mesa ni Ma'am sa may puwetan ko. Ohh ang bango naman ahihi!!
"Ma'am?" Narinig kung sabi niya bago siya tumingin sa akin at napapikit nalang ako nung mas inilapit niya pa ang mukha niya. Ano to? hahalikan niya ako? My ghad di pa ako ready!!
"Akala ko ba umiiwas ka?" Bulong niya bago ako tinalikuran.
Ohhhh isang nakakahiyang pangyayari... Nag expect na ako eh!!
Pero waaaah atleast hahha kilig ako ampotek bumulong siya eh? Hmmm I love it!! Tapos nag kalapit pa katawan namin. The heck of this? Yung puso ko ? My ghad tumatalon ahihi!!
Eherm eherm kalma self!! Kalma ka lang ah? Wag masyadong malandi.
Naglalakad na ako sa corridor habang tinatahak ang daanan palabas ng gate. Yeah ganyan ako kabait na bata, uuwi kaagad.
"Fid? Please mahal kita eh!! Please ako nalang? Diba ako ang mahal mo?" Rinig kung pagmamakaawa ng isang boses babae sa may bandang gilid ng culinary building.
Dahil sa curiosity ko ayun naki chismis ate niyo.
Fid? Tresy?
Maghihiwalay na ba sila? May pag-asa na ako? Ayieeee yiekyouk.
"Ilang ulit ko ba ulit-ulitin na hindi kita Mahal, Tresy hindi ikaw ang laman ng puso ko!" Mahinhin na sabi ni fid.
Biglang nangasim ang mukha ni Tresy dahil sa sinabi ni My bebe.
Breaking live to bwahaha!! Masaksihan ko na ang pagkawasak ni Malanding impakta.
"Di mo ako mahal? Pero kaya kung gawin ang lahat mapasa akin ka lang! Akala ko ba nandidiri ka sa kanya? Kasi mahirap lang siya? Tapos ano to ngayon? Ikaw na mismo ang naghahanap ng paraan mapalapit lang sa hampas lupa na babaeng iyon?!" Sabay turo niya sa may tinataguan ko!! Ohhh shoot nakita niya ba ako? O my ghad.
Tumakbo ako paalis dun na parang may humahabol sa akin. Jusko nakakatakot naman yun.
So may bagong mahal si fid? Sino naman? Ang dami ko namang ka agaw sa future husband ko.
Or baka ako?
"Di mo ako mahal? Pero kaya kung gawin ang lahat mapasa akin ka lang! Akala ko ba nandidiri ka sa kanya? Kasi mahirap lang siya? Tapos ano to ngayon? Ikaw na mismo ang naghahanap ng paraan mapalapit lang sa hampas lupa na babaeng iyon?!"
Hindi siya mahal ni fid? Gagawin niya ang lahat? Sino yung mahirap na hampas lupa na pinagsasabi nung Malanding impakta na iyon? Ako? Palagi niya akong tinatawag na hampas lupa!! Lumalapit ba si fid sa akin? Uhmm.. lumalapit lang naman siya pag may kailangan eh!! Ahhh bahala na nga yan, masisira lang beauty ko.

BINABASA MO ANG
Pledge Of Heart
Teen FictionMahirap magmahal ng isang tao na hindi ikaw ang tinitibok ng puso nito. Masakit magparaya lalo na pag alam mo na ang puso mo ang mawawasak. Pero mas mahirap at masakit pag naghahabol ka na at nagpapansin pero di ka parin niya kayang mahalin. Hanggan...