Chapter 7

8 4 0
                                    

Chapter Seven

Mother

Sunday morning!! And excited na ako para tommorow kasi may bago na akong schedule at kakausapin ko rin si Sir. Mentorde.

Nandito lang ako sa kwarto, tinamad ako tumayo eh!! Ang dami ko kasing ginawa kahapon, naglaba ako sa damit namin tatlo ni tanda at tinang, naghatid pa ako ng pagkain kay tanda sa bukid, nag igib ako ng tubig, nagluto, naghugas ng pinggan, naglinis ng bahay labas at loob! Ganyan ako kabait hahha!!

At yung buwesit kong kapatid pelingera din! Feeling princesa eh!! Upo upo lang tapos tingin tingin lang sa akin habang naglilinis ako, ang sarap sipain buwesit!!

Akala ko pa dati hindi na magkakaanak si Mama at magiging unika-ija ako pero yun nga nagkaanak pa pala itong buwesit kong kapatid mas tamad pa sa akin!!

My mother is a Head teacher 1 sa junior high at nagtuturo siya dati sa school ko bago niya kami iniwan, not iniwan na namatay na siya? Naaah sumama lang naman siya sa ibang lalaki na mayaman nung 14 years old palang ako at si Tinang naman ay 7 years old, e sa panahon na yun sobrang isip bata pa ako hindi ko nga alam kung anong dahilan kung bakit kami iniwan ni mama at nung nag 16 ako dun ko lang nalaman na malandi pala yung ina ko at ayun nga sumama siya dun sa ka co-teacher niya rin at nasa maynela daw sila nanirahan pero iwan ko lang kung nasa maynela ba talaga sila!

Hindi na ako nagtaka kung bakit always umaalis si mama kahit wala namang pasok dahil pala sa may ka landian na pala siya, at doon ko nalaman ang sakit ni tanda na heats stroke ng tuluyan ng umalis si mama at iniwan niya kami!

Okay lang naman sa akin na iwan niya kami basta wag na siyang magpakita pa baka gawin ko siyang tapa at mailibing ko pa siya ng buhay.

I love my mother more than my life but the day she left her family behind just for the rich man is my super heartbreak, I didn't imagine that she can do that to her family. Ohhh nosebleed ka no? Hahaha!! Scholar ako pero di ako matalino, sadyang sipsip lang talaga ako para maglaki grades ko! Haha!!

Naawa nga ako kay tanda eh, kasi siya itong nagtatrabaho sa bukid para may maipakain sa amin, akala ko nga dati nung umalis si mama ay pabayaan nalang kami ni tanda pero hindi pala inalagaan niya pa kami, tapos pinakain pa. Ganyan siya kabait.

Mabait ang tatay ko, kahit sinisigawan ako nun sinasabi niya naman na 'walangya kang bata ka' hahhaa, di ko pa narinig si tanda na magsabi ng 'anak mahal kita,mag-ingat ka palagi ah?' bwahhaha ang OA ampotek!!

Naligo muna ako bago lumabas ng kwarto at nagluto ng pang agahan namin kasi nga sa sobrang maka diyos ng pamilya ko ayun nagsimba sila at mamaya pa yung mga 10am  mag-uwi baka bigla maging demonyo si tanda at ibaliktad niya itong bahay dahil walang pagkain sa lamesa pag-uwi nila. Malagyan nga ito ng lason bwahahha!!

Nanood lang ako ng movie matapos akong magluto.

Anong akala niyo sa amin mahirap? Hindi no? may TV nga kami eh, kaso yung fourth hand na, may refrigerator din kami pang fourth hand din, hahaha isang tulak mo lang magiging skeletal na yan sila haha!!

Antok na ako ang tagal ng mga yun quarter to 10 na ah? Jusko kailan pa sila uuwi pag na memorize na nila ang bibliya? Nako puputi nalang ang uwak.

"Psst...huy...bangon kana!" Buwesit naman oh! sarap ng tulog ko eh!

"Ehhhhhh!" Hayssst nakatulog pala ako? Anong oras naba?

"Ikaw na bata ka, tutulog-tulog ka tapos yang TV naka bukas pa?! Pag yan talaga sumabog iwan ko na lang talaga sayo!!" Kakagising ko lang eh ang ingay ingay kaagad.

Galing ba talaga to siya ng simbahan? Ang sama parin ng ugali eh, Hindi nakunan mas nadagdagan pa nga!!

"Tay, saan ba kayo galing?"Sakit Ng likod at leeg ko ahh buwesit na upuan to!

Pledge Of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon