Chapter two
Kilig
Excited ako na naglalakad papunta sa second subject kasi nga MAGKAKLASE KAMI NI BOYFRIEND KO AT MAGKATABI PA.
Kaya ito nga at ngayon ko na iibigay yung lunch niya na may love letter pa.
Kasi nga kahapon di ko siya nabigyan kasi nga may inutos sa akin yung teacher namin sa history kaya ayun nagtampo tuloy sa akin kaya ganon ang tungo nun sa akin kanina, kahit dati pa ganon naman talaga.
Nagkakaregla siguro yun pag ako Ang kaharap. Matanong nga mamaya?
Maraming babae sa harap ng room namin at pag ganyan ka dami mga malalanding ingratang mga babae, isa lang ang ibig sabihin niyan NANDIYAN NA ANG BOYFRIEND KO ahihihi.
Nagmadali ako sa paglakad at pinagtutulakan yung mga babae na nakaharang sa pintuan at nakasilip sa loob.
Nang makapasok ay hinanap ko kaagad si my bebe dun sa upuan namin pero wala naman siya dun.
Nilibot ko ang tingin ko at nakita siyang katabi na yung babae kanina na tinulak at muntik ko nang masampal.
Wait bakit sila magkatabi ng malanding babae na Yan?
Pupuntahan ko sana siya pero pumasok na yung guro namin at nakita niya akong nakatayo pa kaya pina upo niya na ako at dahil dun di ko na nabawi ang boyfriend ko.
AHAS.
MANGAAGAW.Hindi ako maka concentrate dahil sa wala na nga sa tabi ko si my bebe masaya pa siya dun sa tabi ng babaeng iyon.
At wala pa akong katabi, Ang lungkot ng buhay ko, walang nagmamahal sa akin, walang may pakialam sa akin, ayaw na nilang lahat sa akin, ayaw ko gusto ko ng MABAWI ANG BOYFRIEND KO AT ITABI DITO NGAYON DIN.
At syempre di naman ako baliw at baka bigla akong dalhin ni Sir sa decipline office at ng dahil dun mawala sa akin ang scholar ko at hindi ko na matutupad ang pangarap ko sa future ko at sa future namin ng boyfriend ko.
Habang nag le-lecture si Sir sa harap patago naman akong sumusulyap kay fid baka mamaya tuluyan na pala siyang naagaw sa akin, hindi pa nga ako sinasagot naagaw na kaagad. My ghad nakakabaliw yun, jusme.
Nang nagpa oral na si Sir ay natutok na ang atensyon ko sa harap baka mamaya matawag ako tapos pa tanga tanga ako nanjan pa naman ang my bebe baka ma fall out of love siya sa akin dahil sa katangahan ko.
Kaya dapat bantay bantay tayo hahha may naka abang na eh.
Baka nadulas lang ako ng kunti may pumalit na kaagad sa akin.
Nang natapos na ang oral recitation at hindi ako natawag.
"Iyah, punta ka mamaya sa office may sasabihin ako sayo!"si Sir, habang nag liligpit ng mga gamit niya.
Tumayo ako.
"Yes Sir."
"Okay, dismiss!" Sabay tango at labas ng room.
Ang sabi ni Sir 'mamaya' diba? Kaya ngayon ibigay ko muna sa boyfriend ko ang lunch niya at love letter.
Nag aayos palang ako palabas na Ng room si my bebe at KASAMA NIYA PA TALAGA YUNG MALANDI NA YUN AH.
Nagmamadali ako sa pagpasok ng notebook at libro ko sa bag at binitbit na yung baon na para kay fid at hinanap sila.
Shit asan na sila?
Hinanap ko sila sa may corridor pero wala parin tumakbo ako papunta sa canteen at hinanap ko sila.
Nakita ko siya ayy este sila, at hindi dalawa, marami na sila, kasama na nila yung mga kaibigan nila na mga pelingero't pelingera.
BINABASA MO ANG
Pledge Of Heart
Teen FictionMahirap magmahal ng isang tao na hindi ikaw ang tinitibok ng puso nito. Masakit magparaya lalo na pag alam mo na ang puso mo ang mawawasak. Pero mas mahirap at masakit pag naghahabol ka na at nagpapansin pero di ka parin niya kayang mahalin. Hanggan...