Chapter Nine
Final Exam
"Bakit ka umiiwas?" Hindi ako makatingin sa mata ni fid.
Naghahanap ako ng libro ng chemistry dito sa library ng hindi ko namalayan na nandito rin pala si fid.
Paliko ako pa kanan ng masalubong ko siya kaya sa kaliwa ako tuluyang lumiko at maglalakad na sana ako palabas ng masalubong ko naman siya.
Hinay hinay akong umikot at tatakbo na sana pero nahawakan niya naman ang back pack ko, te-nry ko ulit pero ang higpit talaga ng hawak niya.
Kung bibitawan ko nalang kaya ang bag ko? Paano yan eh mamaya na yung final exam eh! Bahala na.
Hinubad ko ang back pack ko at tatakbo na ulit sana kaso nahawakan niya naman ang hood ng jacket ko. Wrong timing ata ang pag susuot ko ng jacket ngayon ah?
Pinaharap niya ako sa kanya, nakayuko lang ako ghad kailan ako makakawala sa isang to.
Yung puso ko huhuhu, napapikit ako ng pilit niya akong pinapatingin sa kanya, hindi ko binuksan ang mata ko, kasi alam ko pag nakita ko ang mukha niya ngayon magiging marupok na naman ako at hahabulin ko na naman siya hanggang sa umabot sa punto na pipikutin ko na siya.
"Iyah, open your eyes!"Ang sweet ng boses niya sa pandinig ko.
Haluuu earth iyah wag marupok, hanggat hindi ka pa nakaka graduate at baka sa kalye ka pupulutin.
Di ko parin siya sinunod.
"I said open your eyes!" Mahina niyang sabi pero ramdam na ramdam ko doon ang pang uutos at ang panggigigil.
Ano naman ba ang kailangan niya? Oo, alam ko sa sarili kong Mahal ko siya kaya nga ako nangako diba? Alam ko sa sarili ko na siya lang hanggang sa dulo, na siya na ang eternity love ko, te-nry ko dati na umiwas pero di ako mapakali hanggat hindi ko siya nasisilayan kaya ng mag junior high school ako, gumawa ako ng paraan para makapasok sa special section dahil dun din siya papasok.
Ngayon na time lang ako naglakas loob na tuluyan na siyang iwasan pero hindi ko naman sinabi na hindi ko na siya mamahalin, kasi hindi ko nai- imagine ang sarili ko na ma fall out of love sa kanya, kahit iniiwasan ko siya mas nadagdagan pa ang pagmamahal ko sa kanya.
Ang kaliwang mata ko muna ang binuksan ko at ng makita ko ang mukha niya na sobrang seryoso, kaya binuksan ko na lahat ng mata ko.
"Ahmm, hi *wave* My bebe hehe!" Parang tanga lang teh? "Ikaw My bebe ah *sabay tusok sa tiyan niya* naghahabul ka na sa akin ngayon! Ano sasagutin mo na ba ako? Hiwalay na kayo nung ni malandingimpakta hehe!" Sabay hawak ko sa kamay niya. Free touching to ngayon haha!! Lubus lubusin natin.
Kahit alam ko na yung sagot.
Magmumukha lang akong tanga kung sasabihin kung sobrang saya ko na andito siya sa harap ko kasi ang totoo kung naramdaman ay SAKIT, sobrang sakit na gusto ng tumulo ng luha ko, na gusto kung isigaw sa harap niya na, ako ito oh, si iyah ang nag effort ng tudo-tudo, kahit kahihiyan na ang unang manligaw, ginawa ko parin kasi mahal ko siya, pero bakit kahit fake love lang di niya kayang ipakita sa akin?Sana sa lahat ng ginawa ko ay sinuklian niya man lang diba, Yung tipong sasagutin niya ako kahit fake lang ang lahat, kahit nagpapanggap lang siya, kaysa sa malaman ko nalang bigla bigla na may girlfriend na pala siya, na may mahal na pala siya diba? Mas masakit yun diba?
"What do you mean?" Tanong niya at binitawan na ako at nilagay ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng uniform pants niya.
Napapagitnaan kami ng dalawang book shelf. Yung tipong nasa drama.
BINABASA MO ANG
Pledge Of Heart
Teen FictionMahirap magmahal ng isang tao na hindi ikaw ang tinitibok ng puso nito. Masakit magparaya lalo na pag alam mo na ang puso mo ang mawawasak. Pero mas mahirap at masakit pag naghahabol ka na at nagpapansin pero di ka parin niya kayang mahalin. Hanggan...