Chapter 6

8 4 0
                                    

Chapter Six

Unang pag-iwas

Kakatapos lang ng first subject namin at hindi na ako pumasok sa second subject ko, kung saan ay kaklase ko si My bebe at yung si Ms. Malandingmakati.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa office ni Sir. Emelio ngayon at salamat kay God dahil, wala masyadong student ang nasa labas.

Kumatok muna ako bago tinulak ang pintuan at sinilip ang sa loob kung may tao ba.

"Meron naman pala eh!!" Bulong ko.

Pumasok na ako ng tuluyan at dahan dahan na sinirado yung pintuan.

Andun naman si Sir nilingon lang ako tapos balik ulit tingin dun sa laptop niya na may apple at may kagat habang naka upo sa may gulong na upuan niya.

"Anong kailangan mo iyah?" Tanong niya sabay hubad ng eyeglasses niya at lapag sa itaas ng kanyang mesa.

Pina-upo niya naman ako dun sa monoblock chair na para sa mga visitor, dapat may gulong din ang upuan ng mga visitor no? Ang unfair eh!

"Ahmm..Sir....ahmm ganito kasi Sir gusto ko magbago ng schedule ko!" Sabi ko.

"bakit?" Confuse niyang tanong.

"ehhh kasi Sir eh , na ano kasi Sir eh ..na alam mo na iniiwasan ko si fid tulad ng napagsunduan natin pero paano ko siya tuluyan na maiwasan kung some of my subject eh magkaklase kami?" Halos manakit ang lalamunan ko sa sobrang pagpipigil ng luha.

Late pa nga ako kanina na nag attend ng first subject ko dahil sa pamumula ng mata at ilong ko, at tinakpan ko naman ng kunting blush on para hindi masyadong kita pero di parin nakawala sa bestfriend ko, ayun nabesto ako na umiyak! Ang sakit kaya ma basted!

"Ohhhkay, so by Monday ibigay ko sayo yung bago mong schedule na wala si fid?! Okay na ba? At sana totoo na itong iwas-iwas na ito iyah!" Si Sir sabay tango kaya nagpaalam lang ako at medyo yumuko bago mahinhin na lumabas ng office.

Sana nga totoo na ito.

Dumeritso na ako sa library para doon na magpalipas ng oras, kasi nga tambayan ko na yun ahihi.

Sa lahat ng babae, bakit yung si Ms. Malandingmakati pa ang napili niya? Ang sama kaya ng ugali nun! Okay lang ba sayo na ibang babae? Aba iwan ko.

Masakit talaga pag ikaw mismo yung nakaalam tapos nag expect ka na hindi totoo tapos yun pala 100% totoo at galing pa sa bibig ng taong mahal mo.

"Iyah andito ka? Wala kayong pasok?" Yung si tagabantay ng library.

"Meron po pero nag summative lang kami at ako po yung una na natapos kaya puwede na daw akong lumabas." Pagsisinungaling ko.

"ahh sige, mabuti at dito ka dumiretso, pumasok kana at ng makapag aral ka!" Si tagabantay ng library.

"Thank you po!" Ang bait ko talaga.

Pumasok ako at naghanap ng ma puwestuhan kung saan hindi masyadong kita ng mga student na magpasok labas sa library.

Ang bigat ng nararamdaman ko, yung tipong parang may dala dala ka sa puso mo na sobrang bigat at gusto mo nalang iiyak para mawala, pero bakit sa akin di ko kayang e-iyak lahat? Parang namanhid nalang ako bigla kanina ng malaman ko yung totoo.

Ganito ba talaga? Ganito ba talaga ang sakit pag first heartbreak mo? Kasi nakakatakot ng umulit eh! Pero nangako ka! Ugghhh di naman talaga ako susuko kaagad no, strong kaya ako. Laban lang magiging eternity love ko rin si My bebe.

Pledge Of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon