Chapter 1

24 6 0
                                    

Chapter One

Manliligaw

Kaya ayun nga pinagalitan ako ng magaling kung ama.

Winarakan niya ang pagkatao ko, pinahiya niya ako, HINDI KO NA SIYA ITUTURING NA AMA!!

Cheerrret lang hahaha.. kahit naman palagi ako pinapagalitan ng matandang gurang nayon dahil sa pang-aaway ko kay tinang di naman umabot sa punto sa pinahiya niya ako, sinisigawan lang.

Sabi pa naman ng iba..

Mas masakit daw yung salita kaysa sasaktan ka physically.

Totoo ba yun?

Ay iwan!

Basta ako hindi naman ako nasasaktan sa mga sinasabi ni gurang sa akin kasi nga matanda na nga siya gurang pa kaya di ko na pinapatulan.

Kasi isang tulak ko lang dun di na yun makakatayo bwahaha. Try ko kaya?

Ay wag nalang baka mataga ako nung  pinagmamalaki niyang itak na galing pa daw iyon sa kaninununuan niya.

Hinatid ko muna si Tinang sa building  niya at tumuloy na sa building ng mga Senior high.

Habang naglalakad sa corridor nakita ko ang grupo ng Boyfriend ko ahihihi. Kinikilig ako mga teh hihihi.

Kinikilig ako na naglakad papunta sa grupo ng Boyfriend ko at biglang nangasim ang mukha ko ng makita ko kung sino yung katabi niya. Ang landi talaga nitong babaeng to eh no?!

Napatingin yung iba niyang kaibigan sa akin at nagbulung bulungan. Wala akong paki sa inyo mga palaka kayo, boyfriend ko lang ang pinunta ko dito no!

"Hi fid *pa cute* naka kain kana?"Sabi ko at pinausog yung babae kanina at pinalitan ko ng puwesto. Eh ano ka ngayon? Landi ka ng landi sa boyfriend ko ah! Inirapan ko siya at hinarap ang gwapo kung Boyfriend.

"Anong ginagawa mo dito?" Niinis niyang sabi at tinulak akong konte at pinabalik niya yung babae kanina sa tabi niya.

Ang OA din nito oh! Pakipot pa haystt.

"Ikaw talaga magalit ka kaagad, di lang kita nadalaw kahapon pinagpalit mo na kaagad ako? May importante lang akong ginawa kahapon, okay? Wag ka na magselos My bebe!" Paliwanag ko at tinulak ulit yung babae at pinalitan na naman siya sa puwesto niya.

Tumayo siya at parang nandidiri na tinignan ako mula ulo hanggang paa. Head to foot ah? Ganon din Ang ginawa ng mga kaibigan niya at mahinang nagtawanan. Tiningnan ko Ang suot ko at balik sa kanila tapos sa suot ko, napataas ang kilay ko ng binalik ko ang tingin sa mga kaibigan niya. Binigyan ko sila ng look na Anong-nakakatawa-look, tapos irap sabay ngiti sa Gwapo kung Boyfriend.

"Before ka lalapit sa amin gurl! Pabango ka muna ah? Ang baho mo eh! Di mo amoy?" Sabi nung babae kanina na pangalawang beses kung natulak.

"How dare yo--"sasampalin ko na sana siya ng nahawakan ng Boyfriend ko ang kamay ko at binitawan kaagad iyon at nilagyan ng alcohol ang kamay na hinawak sa akin.

Natahimik ako. Literal na tahimik at napatulala habang tinitignan ang kamay niya na pinapahiran na ngayon ng tissue.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at tiningnan niya lang ako sa paraan na nakakadiri, na para bang may sobrang akong nakakahawang sakit at nakakapandiring katawan.

"Wala ka bang delikadisa? Ganyan na ba ka kapal ang mukha mo? At hindi ka na nahiya lumapit ka pa sa akin, sa amin na walang linis ang katawan at walang ligo?" Sabi niya at tinabunan ang ilong at naglakad palayo.

Binilatan naman ako nung babae na sasampalin ko sana.

Kung hindi lang ako pinigilan ng Boyfriend ko baka ulam na kita ngayon ingrata ka.

Pledge Of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon