Chapter 4

9 6 0
                                    

Chapter four

Hold me tight

Tatlong araw ko ng iniiwasan na masalubong lang man yung grupo ni Ms. Malandingmakati at sa mga kaibigan ni My bebe. Miss ko na tuloy siya.

Palagi ko siyang nakikita sa mga subject na magkaklase kami pero hindi na nga kami magkatabi kaya ayun perfect parin pang iiwas ko.

Pero minsan sinusundan ko naman siya lalo na pag siya lang mag isa, pero madalas talaga sila magsama ni Ms. Malandingmakati na yan at yung babae na mabait na pinulot yung bag ko na demonyo dahil binitawan at sinipa ito, magkaibigan pala sila nung mga kambing na yun edi ayun kambing na rin siya.

Last subject ko na to sa araw na to, at as usual uwi kaagad ako pagkatapos nito.

Yung dati kung ginagawa na nag aabang sa kanya sa tambayan nila o di kaya sa canteen di ko na magawa baka mamaya na kick out nalang ako sa school na to, jusme nakakatakot yun.

Kaya pag break time or lunch break nasa library lang ako at buti nalang kilala ako nung nagbabantay dun at hinahayaan ako na gawin canteen ang library  hahha!

Tawang tawa naman mga kaklase ko sa corny na joke ng lecturer namin. Tumatawa lang yan sila para plus point.

Palihim kung tinignan si fid na katabi yung si Ms. Malandingmakati, at ayun nag tawanan naman sila. Bigwasan ko kayo eh.

"Class dismiss!" Sabay labas na tumatawa pa.

Nagmadali akong magligpit ng mga gamit na naipalabas ko dahil sa activity at nagmamadaling naglakad palabas.

GOING HOME!!!

Nakaka bored na tuloy mga pangyayari sa buhay ko.

Nang palabas ako ng gate nakita ko naman ang bestfriend ko. Hmmm makahingi nga pagkain.

"Huy, Sino hinihintay mo? Jowables mo?" Tanong ko.

"Hindi no, ikaw kaya hinihintay ko, magtanong lang sana ako kung bakit kumakalat sa buong campus na moving on kana dw Kay fid! Ano totoo ba yun? Umiyak ka pa nga dw eh kasi nalaman mo na sila na pala nung ni Tresy. " Sabi niya at sabay na kaming naglakad palabas. Anong umiyak? Ako? Umiyak? Kailan?

"Kumakalat na pala yan ngayon?" Super innocent kung tanong. Abay artestahin na pala ako niyan, sikat na sikat.

"Oo teh, ano moving on ka na ba talaga?" Itong baklang toh napaka chismoso slight chismosa.

"Kilala mo naman siguro ako no? Suyempre di ako moving on, nagpapalamig lang baka mawala na ng tuluyan yung scholar ko eh!"

"Akala ko pa naman moving on kana teh! Sige na at andiyan na sundo ko, gusto mo hatid na kita?" Offer niya.

"Wag na mapagkamalan pa tayo eh, pahingi nalang ako pagkain!" Sabay lahad ko sa kamay ko. " Nagugutom na ako eh!" Sabay himas sa tiyan.

"Oh ito pera, buwiset ka talaga, lalapit ka lang sa akin pag nagugutom kana eh!" Sabi niya pa sabay gulo sa buhok ko at beso bago pumasok sa sundo niyang kotse. Ang yaman, Sana all may kotse.

Niyaaa may pera na ako, maka uwi na nga.

"Oh bat maaga ka?" Bungad sa akin ni matandang gurang.

"Bawal na pala umuwi ng maaga ngayon nong?" Pamimilosopo ko.

"Wala ka talagang galang na bata ka, hala ayusin mo na yung kusina at tayo'y kakain na kanina pa nagugutom ang iyong kapatid." Utos kaagad?!

"Ayaw ko nga! Bala ka jan!!" Sabay mano ko sa kanya, babatukan niya sana ako ng tumakbo na ako papuntang kusina.

Pledge Of Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon