Kabanata III - Ang Kaakibat

43 14 6
                                    

Siganian

INANINAG muna ni Prinsipe Carson ang paligid kung may nakakapansin sa kaniyang pagdating sa palasyo kasi batid niyang pagagalitan siya ng amang hari kapag nagkataong malalaman nitong nagliliwaliw siya sa kagubatan habang oras ng pagsasanay.

Humakbang na sana ang prinsipe patungo sa kaniyang silid nang bigla-bigla ay may pumipigil sa kaniya.

"Prohibere!" makapangyarihang sambit ng Prinsesa Agatha na nangangahulugang huminto ang prinsipe, "Saan ka ba nagpunta kanina, Carson, at bigla-bigla ka na lang nawawala sa pagsasanay?"

Hinarap siya ng prinsipe at tinignan ng nakababagot na tingin, "May importante lang akong ginagawa, Agatha, kaya manahimik ka kung ayaw mong hindi kita sasamahan sa mga mortal. Maliwanag?"

"Marunong talaga ang isang 'to!" siyang bulong niya

"May sinasabi ka, Agatha?"

"Wala!" pasigaw niyang tugon. Lagi na lang kasi siyang naiisahan ng kapatid at parati nitong itinakot ang 'di pagsama sa kaniya sa mga Mortalheño. Natatakot siyang 'di na makitang muli ang napupusuan niyang binata na isang mortal, si Prinsipe Carson pa lang ang nakakaalam sa kaniyang lihim-na siya'y may naibigang mortal.

"Ako na'y magpapahinga sa aking silid at huwag kang makulit, Agatha. Hmmm?" pagsusumamo ng prinsipe upang 'di siya disturbuhin

"Hihiramin ko lang 'yong pusa, o, sige na... Mamasyal lang ako saglit at gusto ko ng kasama," pangangatwiran niya sa prinsipe

Napabuntong-hininga ang prinsipe sa inis dahil nakulitan siya sa prinsesa. "Ilang ulit ko bang sasabihin sa iyo na hindi iyon atin, Agatha? Pagmamay-ari iyon ng isang Murat, kaya huwag mo nang galawin."

"Hindi ko naman aangkinin, e," masungit pa ring tugon niya saka siya tinalikuran ng prinsipe.

"Hoy, ano ba! Carson!" Pero wala na siyang nagawa sa prinsipe kaya mag-isa nalang siyang mamamasyal. Gusto niya sanang may kasama para naman may makausap siya habang nagliliwaliw, ayaw rin niyang abalahin ang kaniyang mga kapatid dahil mag-iingay lang ito sa kaniya at 'di niya pa matamasa ang ganda ng paligid. Mabuti kung 'yong pusa lang ang kasama niya dahil paniguradong siya lang ang makapagsasalita.

Sa kaniyang paglalakad sa isang hardin na may matataas na halaman ay may narinig siyang nagsasalita sa tabi pero natatakpan ito masyado ng bulaklak na santan. Hinawi niya ang bahaging iyon at nakita si Prinsipe Hole na nakikipagsalita sa isang ibon na pumapatong sa kamay ng prinsipe. Mukha pang nasiyahan ang huli sa pakikipagsalita dito dahil ngingisi-ngisi itong kaharap ang ibon.

"Nakatutuwa naman na kusa kang lumapit sa 'kin, ibon. Siguro... nagwagwapuhan ka sa 'kin, ano?"

Hindi naman napigilang matawa ng prinsesa sa inasta ng kapatid na prinsipe. Kahit kailan ay loko ito at walang sinasanto mabagay, tao, o hayop pa iyan. Pagdaka naman ay dinumihan ang prinsipe ng ibon sa palad nito. Nagulat ang prinsipe.

"Aba, aba! Bastusan tayo rito? Ikaw, ah, naging maayos naman ako sa 'yo, ah?" nakangusong sambit ng prinsipe

Pinahid ng prinsipe sa damuhan ang kanang kamay niya na dinudumihan ng ibon saka ulit ipinatong ang ibon pabalik sa kamay niya. Nakatutuwang maamo ang ibon sa kapatid nito, sa isip ni Prinsesa Agatha. Napapansin din niyang parang napalapit sa mga hayop ang mga kapatid niya. Si Prinsipe Carson noong nakaraan ay nabigla na lang no'ng may tumabi na sa kaniyang pusa sa katre habang mahimbing pa itong natutulog no'ng gumising siya at heto naman si Prinsipe Hole ngayon, linapitan ng isang napakagandang ibon. Oo, magandang ibon ito dahil sa angking kulay nitong animong karagatan sa kagandahan; napakaliit pa na ibon. Gusto ngang hawakan ng prinsesa ito pero mas pinili niyang ituloy ang paglalakad bago pa siya makita ng kapatid at sa kaniya pa mangungulit ito, masyado pa namang madaldal ang Prinsipe Hole. Gusto niyang mapag-isa.

Sa dulo ng hardin ay may malaking puno ng mangga na siyang tinalian niya ang magkabilang sangang magkasalungat ng duyan upang mapagpahingahan niya minsan. Tinataniman niya rin ng bulaklak ang paligid nito at pinatiling malinis ang lugar na yaon. Napaisip siya, paano kaya kung dalhin niya rito ang lalaking naibigan niya? Masyadong romantiko ang paligid lalo na tuwing gabi dahil napapaligiran ito ng alitaptap. Sa isiping iyon ay hindi niya mapigilang magtanong sa sarili kung kumusta na ang binata, gusto na niya itong makitang muli pero hindi pa pwede dahil sa panahon pa ng kanilang pagsasanay at hindi sila pinahintulutan ng amang hari na lumabas sa kaharian. Hindi niya maiwasang malungkot.

~~~~~ ★ ~~~~~

NAKATULOG ang Prinsipe Carson pero nagising ito nang kinalmot siya ng pusa sa braso, napabalikwas naman siya sa pagkakahiga at natuon ang paningin sa pusang lumundag na sa kama at patungo sa pinto ng silid niya. Alam niyang may ipinahiwatig na mensahe ang pusa at ito ay buksan ang pintuan. Ginawa niya ito at nakita niyang naglakad ang pusa palabas ng kaharian, sa utos ng kaniyang kuryusidad ay napasunod siya rito.

Sa kasusunod ng prinsipe sa pusa ay hindi niya napansin na napasuot na sila sa matataas na damuhan pero saklaw pa ito ng kaharian. Naging mapangmatyag siya sa paligid kung may kahina-hinala bang nilalang at laking gulat niya nang may nakita siyang paparating ngunit masyado pa itong malayo sa kinaroroonan niya at hindi niya maaninag ang mga mukha. Hindi niya alam ang gagawin kaya napasulyap siya sa pusa na kasalukuyang nakatingin sa taong paparating. Wala naman siyang dahilan para matakot dahil kung masama ang mga iyon ay mag-iingay na ang pusang kasama niya, naniniwala siya sa malakas na pakiramdam ng isang pusa. At saka nakahihiyang anak siya ng matapang na hari at matakutin siya, kaya't anong mangyari ay haharapin niya ang mga bisita. Alam niyang hindi ito tauhan ng ama niya dahil sa mga kasuotan nitong kakaiba. Umupo nalang siya at sinandal ang sarili sa kahoy na naroon. Pilit niyang hinintay ang mga paparating kahit kating-kati na siya sa mga lamok na maya't maya ay kinakagat siya.

"Nasaan na ba tayo, Priva?" pagtatanong ng isang pamilyar na boses sa guni-guni ng prinsipe. Malapit na pala ito sa kinaroroonan niya. Bahagya siyang sumulyap sa paparating at gulat siyang nakita ang nakilala niya kamakailanlamang kasama ang may maikling buhok na babae. Ang pusa naman ay tumakbo papalapit sa kanila. Tumayo siya at tinanaw silang papalapit nang papalapit sa kinaroroonan niya. Alam niyang may gusto silang kunin sa kaniya kaya mabuti na rin na siya itong makasalubong nila. Pero napaisip siyang baka hindi aksidente ang mga nangyari at hinanda na talaga ito ng tadhana. Naisip niya ang pusa at doon niya napagtantong kaakibat ito ng kuwintas na kinuha niya sa dalagang si Tara.

MARGATRÌCÉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon