PART FIVE

70 4 0
                                    


“YOU really want us to go to Boracay?” tanong ni Marcus pagkatapos ng breakfast in bed ko. Nauna siyang magising at kumain habang tulog mantika ako. “What if we’ll just go straight to you family’s place instead of going there? I’m sure there are lots of beautiful places to visit in your own province. Not to mention na puwede pa nating isama ang pamilya mo.”

Napapantastikuhan at hindi makapaniwalang nakatitig lang ako sa kanya. “Are you sure? Hindi ba’t Boracay is one of your dream destinations here in the Philippines?” Sa pagkakaalala ko kasi, ang nauna nga naming planong magkasintahan ay sa Kalibo Airport na lang magkikita para deretso na kaagad ng Boracay. Kaso, walang direct flight ang Etihad Airways sa Visayas kaya sa Manila pa rin kami nagkita.

Tumabi sa akin sa kama si Marcus. “After what we shared last night, the least I wanted is to display you to that kind of place for others to see.” Kinabig pa niya ako sa dibdib niya.

“Oh, gano’n ba… kaya lang sayang ang bookings natin.” Although nakamura naman kami kasi off season sa Boracay this time.
“I want to share more time with you and your family and your place, amore.”

“So sweet of you, love,” sagot ko naman nang nakatingala sa kanya. “But we need to book another ticket for Iloilo.”

“I’ll take care of it after this.” He lowers his face to mine, targeting my lips.

Sinalubong ko naman ang mga labi niya. I can get use to this, anang isang bahagi ng isip ko. Medyo kinabahan ako pero hindi sapat para tuluyang malukob ang sistema ko. Marcus’s kiss is more powerful than my worries. Pinalis ng mapang-angkin at maalab na halik niya ang pag-aalala ko. We shared another hot and passionate love making the whole day.

Para pa rin akong lumulutang nang kinahapunan ay lumipad kami pauwi ng Iloilo lagpas alas-sais ng hapon.

Nagulat ang lahat sa bahay pagdating namin. Hindi magkandaugaga ang mga magulang ko, lalo na si Papa sa pag-iistema kay Marcus. Tuwang-tuwa siya dahil marunong managalog ang binata.

“Pagpasensiyahan mo na itong aming bahay. Kung bakit naman kasi hindi man lang kayo nagpasabi na dito kayo dederetso samantalang ang usapan ay susunduin ko naman kayo sa Caticlan,” pahayag ni Papa pagkatapos naming makapag-settle sa sala.

“I’m sorry, Tito. It’s just that I’ve come to realize na gusto kong mag-spend ng time with Yara and her family instead of us alone in Boracay,” may payuko-yuko pang gesture si Marcus habang nagsasalita.

Napapantastikuhan na naman ako sa kanya. Pangalawang beses na ito. Parang hindi ako makapaniwala na he can be that caring, respectful, concern and interested in me and my family para baliin ang mga naunang plano niya, para isakripisyo ang sariling mga kagustuhan niya.

“Dahil diyan, mas pinatunayan mo lamang kung gaano ka ka-sincere sa anak ko, figlio.”

Tinapik pa ni Papa ang balikat ni Marcus na tuwang-tuwa dahil may alam palang Italian word si Papa. Kahit ako ay walang idea na may itinatago palang Italian words ang ama ko.

Nakangiti, tila nagniningning ang mga matang sumulyap sa akin si Marcus. Parang hinahaplos niya ang puso ko. Nakakarami na siya. Parang ayaw ko na yata siyang pauwiin ng Italy.

Isang masaganang hapunan ang pinagsaluhan naming mag-anak. Nag-under time naman si Arlo, ang kapatid kong lalaki na supervisor sa isang call center. Nagpakitang-gilas naman ang future chief brother kong si Jun. Hindi naging sakit sa ulo si Lily, ang bunso namin na kahit nag-eighteen na last month ay parang bata pa rin at addict sa ML kahit kababaeng tao. Naging busy rin siya sa pagtulong sa kusina at alert kapag tinatawag ni Mama na tumulong sa paghahanda ng kuwarto ni Marcus.  Ngayon ko pinakaini-enjoy ang pagiging Ate Yara sa tatlo kong nakababatang kapatid.

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon