“Aren’t we heading home yet?” tanong ni Marcus pagkatapos naming mag-dinner sa Tatoy’s Restaurant sa Villa.Pagkagaling ng SM City ay naglakad-lakad kami sa kahabaan Villa Beach habang papalubog ang araw. Marami kaming napag-usapan about Italy and Philippines. Puro masasayang topic about us lalo na kapag may nakakasalubong kaming couples. Bata man o matanda, walang napapalagpas. Hindi na nabuksan pa ulit ang tungkol sa pamilya lalo na sa pamilya niya.
Nang madilim sinadya namin ang restaurant na may cottages sa beach at doon kami nag-dinner. From shrimps, crabs, oysters, squids, fish, and some seaweeds ay available. Maliliit na serving lang kinuha namin pero sa dami ng menu, bundat kaming pareho ni Marcus nang makatapos. Inabot kami ng lagpas alas-otso.
“Hindi maganda ang matulog nang maaga sa dami ng kinain natin kaya naisip kong maganda siguro na mag-bar hopping tayo,” tugon ko.
“Aren’t you tired? Parang andami mong alam. You’re seems too fond of going out after work,” komento niya.
“Scusami, amore. Madalas magpunta rito ang mga kapatid ko. As for me, I go out with friends but not that often. Saka hindi ko kailangang gawin ang mga bagay-bagay para lang malaman, ano,”medyo naiirita kong sagot. Para naman kasing hindi niya gusto ang binabalak ko.
“I see. But I don’t think I’d enjoy staying out late at night. What if…”tila nag-iisip pa siya ng sasabihin at tinutunghayan muna ako.
Nakipagtinginan naman ako sa kanya. Then, parang may spark akong nakita sa mga mata niya na kaagad namang naihatid sa utak ko para i-analyze.
Marcus then smiled. A smile turned into a grin. And as he grins, the spark in his eyes flies to mine, down to my stomach. Sa isang iglap, I feel like something ignited inside me.
“You’re thinking what I’m thinking, right?”
Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. His effect on me, it’s overwhelming. Nahihiya akong magsalita dahil napansin kong nakatingin sa amin ang driver mura sa rearview mirror.
“Piu tardi,” sagot ko na lang sa Italian halip na sabihing mamaya na para hindi maintindihan ng driver. Pero ewan din lang. Feeling ko ay halata ni manong na may tinatago ako.
“Bene,” sagot naman ni Marcus imbes na simpleng fine or okay.
Kaya bumaba kami sa entrance ng Smallville at mula roon ay naglakad na papasok. Pinupuna namin ang bawat madaanan namin pero ang tumbok talaga namin ay hotel.
“That one seems fine. Huwag na tayong lumayo,” tukoy ni Marcus sa MO2 Westown Hotel.
“Maganda nga diyan. May outdoor pool and gym sila,” sang-ayon ko. “Sayang, wala akong dalang swimwear.”
“We can go swimming if you want,” aniya na nang tingnan ko ay maluwang lalo ang ngiti.
“We’ll see,” makahulugang sagot ko.
“Bili tayo ng wine bago umakyat ng room,” he suggested.
“Sure!” I couldn’t agree more.”
Tumawag ako sa bahay para ipaalam na hindi kami makakauwi ni Marcus. Hindi naman na nag-usisa pa si Papa pero nagbilin pa ring mag-ingat. Sabi pa niya, matanda na raw ako para malaman ang tama at mali.
HABANG kausap ni Yara ang papa niya sa telepono, hindi ko mapigilan na ma-guilty sa ginagawa kong pagpapanggap in behalf of my half-brother. Parang gusto ko dagukan ang sarili ko dahil alam kong mali ako sa ginagawa kong ito. I’ve gone too far. Yara doesn’t deserve all of these.
I know I should let Yara know bago pa may mangyari ulit sa amin. I need to decide. Maraming paraan para ma despise si Mama. And not in the expense of an innocent one.
BINABASA MO ANG
Yara and Darius ✔ (COMPLETED)
RomansaHINDI in-expect ni Yara na mauunsiyami at mauuwi na naman sa wala ang love life niya kaya nagpakalasing siya. Matanda na siya para maloko pa-or mas tamang sabihing ginusto niyang magpaloko? Hindi naging madali ang lahat. Pero para sa isang Darius n...