PART TWO

78 6 1
                                    


HATINGGABI nang makatanggap ako ng tawag all the way from Florence, Italy. It was my half-brother Marcus. Inatake sa puso si Tito Matteo, ang Italian father niya, kakapagitna daw nito sa mag-ina na nauwi na sa pambubugbog ni Mama sa kapatid. He was asking for help tungkol sa Filipina girlfriend niyang imi-meet niya sana. Pero dahil sa emergency ay malabo nang mangyari sa ngayon.
Saka ko pa lang nalaman ang tungkol sa Filipina girlfriend ng Italian half-brother ko.

The girl’s name was Yara.  All the way from Iloilo ay bibiyahe raw ito pa-Manila para i-meet si Marcus na galing pang Florence, Italy. Para lamang maghintay nang ilang oras sa wala.
Marcus wanted me to make sure safe ang girlfriend niya na makakabalik ng Iloilo pagkatapos ng bad news. Wala siyang sinabi kung kailan siya makakapunta ng Pilipinas basta ma-secure lang daw muna ang pag-uwi ng girlfriend.

“I cannot promise anything. I’ll see what I can do.”  Naaalala ko pang sagot ko.  I did not commit myself in helping. As much as possible ay ayaw kong makialam pa. Pero I got curious about the girl. And with this idea in mind, and as much as I do not want to hurt someone too, mukhang hindi talaga maiiwasan. Inalam ko ang supposed to be itinerary ng dalawa in case na hindi ko mapauwi kaagad si Yara. Idinetalye naman ni Marcus lahat ultimo room numbers nila sa mga hotels.

Kaya heto ako ngayon, mula kaninang alas-tres ng hapon ay nasa airport na at parang spy na binabantayan ang bawat kilos ni Yara. At sa maikling panahong nasubaybayan ko siya, parang nakikita ko na rin ang rason kung bakit nagawa ni Marcus na makipag-away kay Mama para sa kanya.
She’s a typical Filipina. Petite. Hindi namumutla sa kaputian, light brown ang skin tone. Mahaba ang nakalugay na medyo brown at straight na buhok ni Yara. Medyo oval ang mukha. Matangos ang ilong. A little bit pouty lips na binagayan ng pinkish lipstick niya. She was wearing a dark blue dress na hanggang tuhod. Medyo mataas ang sapatos niya. Clogs kung hindi ako nagkakamali. She walks gracefully and sits gracefully although I can see that she feels tense. Panay ang silip niya sa monitor na listahan ng arrival flights kahit pa mahigit tatlong oras pa bago lumapag ang eroplano ni Marcus. Although balisa, she managed to keep her grace and confidence.

I am sitting meters away from where she is sitting sa waiting area ng arrival. Hindi lang ako nagpapahuli ng tingin gamit ang bull cup. Actually, nakita ko na rin siya pagdating niya kanina. Kung bakit hindi na lang sinabi ni Marcus nang mas maaga ang hindi niya pagdating para nakauwi na ito. Kaya kung gaano si Yara katagal na naghintay, ganoon din katagal akong nagmamasid sa kanya.

Nang dumating ang eroplano mula Abu Dhabi, na fifteen minutes advance, nate-tempt na akong lapitan siya at sabihin ang totoo. Madali ko sana siyang na-assist para kumuha ng ticket pabalik sa pinanggalingan niya. Hindi na sana niya kailangan pang lumabas ng airport at magpalipas ng oras sa kung saan. Natapos na sana ang papel ko.

Pero hindi ko ginawa. Hanggang sa makasakay siya ng taxi at nagpahatid sa isang hotel na dapat nilang tutuluyan ni Marcus. Batid ko kung gaano niya pinipigil ang emosyon nang pumasok sa hotel.

Nauna akong dumating sa hotel at nakapag-checked in na sa katabing silid na kinuha ng dalawa. Nakatambay na ako sa bar ng lounge area nang dumating siya at sinusundan ang bawat galaw niya. Nakatayo na ako para sundan na sana siya sa silid nang makita kong ibinilin lang niya sa bellboy ang maleta at dumeretso na kaagad sa bar counter.

“Whisky, please,” walang gatol na sabi ko sa bartender.

Naalarma ako nang marinig ko ang pag-order niya ng whiskey.

“W-whisky, Maam? Sure kayo?” hindi makapaniwalang turan ng bartender.

“Kung may mas matapang pa na drinks na alam mo, ‘yon na lang ang i-serve mo sa'kin,” nakayukong sagot niya.

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon