PART TEN

57 4 3
                                    


LUNES na Lunes nang biglang mag-brownout. Habang naghihintay na mag-change power, lumabas ako sa cubicle ko para magpunta sa restroom nang mauliningan ko ang bulungan ng dalawang intern.

“Siya 'yong nakita ko many times sa labas last week na parang papasok na hindi. One time ay may dala pa nga siyang bulaklak. Ang guwapo niya 'di ba? He’s been in my wild wet dreams every night. Eeeeh!!!”

Sinulyapan ko sila. Nakita ko pang siniko ng isa ang kasama. Sinundan ko ang tingin nila. Nakasentro sa pintuan. Nagpakurap-kurap ako nang mapagsino ang lalaking nagpalinga-linga. Automatic na napayuko ako nang mapadako sa kinaroroonan ko ang naghahanap na mga mata niya.
Todo ang tahip ng dibdib ko. Para akong temang na ingat na ingat habang halos nagda-duckwalk na sa sahig pabalik sa cubicle. Halos hindi na ako humihinga nang makahawak ako sa arm rest ng swivel chair ko at makaupo roon. Pinaikot ko iyon nang nakatalikod mula sa labasan. Saka pa lang ako huminga nang malalim.

Matagal na pala siyang nag-ta-try na pumunta rito.

Bakit hindi siya natutuloy?  Nagngingitngit ang kalooban ko pagkaalala sa narinig kong bulungan kanina. Ang halay, ang bastos!

Nagpapadyak pa ako. Parang gusto kong puntahan at sitahin ang dalawa lalo na 'yong isang may pa-wild wet dreams pang nalalaman. Hindi man lang inaalam kung ano ang relationship status noong tao. Kaya maraming nagiging third party eh! 

Engrossed ako sa pagta-tantrums na hindi ko na namalayan na tinatawag na isang teller ang pansin ko. Nasa likod ko na siya at kinalabit ako.

“I’m sorry, Tweetie. Ano 'yon?”

“May gusto akong ipakilalang depositor sa inyo, Ma’am. Ang laki kasi ng ide-deposit niyang pera para sa business nila. Pangsuweldo raw sa mga trabahador. And by next week daw, mag-o-open account ang karamihan sa mga worker nila dito.”

“Oh, really? Sige. Sige. Let me know her.”Nag-assume akong babae at hindi man lang dumungaw sa labas.

“Actually, it’s a he, Ma’am,”

“Oops, sorry.”

“Si Mr. Vallego nga pala,”
At mula sa likuran ni Tweetie ay sumungaw si Darius. “Hi,”

“Sir Darius, our branch manager, si Ma’am Yara Rivera. Ma’am, si Sir Darius Vallego. Maiwan ko kayo saglit. Magpapagawa muna ako ng coffee for two since medyo matatagalan pa naman si Sir, Maam.”

Nakaalis na si Tweetie at lahat pero nangangapa pa rin ako ng sasabihin.

“T-thank you for trusting FirmBank, Mr. Vallego. We assure you that your money is in good hands.” Sinikap kong magpaka-formal sa harap ni Darius at inabala ang mga kamay sa pag-ayos ng kung ano na lang na mahawakan ng kamay ko sa ibabaw ng mesa kahit pa nasa puwesto na ang mga ito.


“Napa-formal naman,” aniya sa mababa ngunit halatang puno ng damdamin na tinig. “I miss you.”

Nagregodon ang puso ko. Parang gustong lumabas sa ribcage ko. “Mr.—”

Natigil ako sa sasabihin ko nang abutin niya ang kamay ko. “It’s been a week, na pinag-isipan ko kung pupunta ako o hindi rito. Baka kasi hindi mo ako harapin. Wala naman akong maisip na excuse at ayaw kong maging istorbo. But luck brought me to you. That’s why I’m here.”

Binawi ko ang kamay ko pero ayaw niyang bitawan. Napilitan tuloy akong salubungin ang mga tingin niya. “Nasa trabaho ako.”

Lumabas ang sinusupil niyang ngiti. “I can wait until lunch time or even after working hours. Pero sa ngayon ay may time ako. Hindi pa ako nakapag-fill up ng form para sa pag-open ng account. And as your teller have said earlier—”

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon