PART NINE

53 5 0
                                    


HINDI natuloy ang pagbisita nina Papa at ng kaibigan niya nang weekend. May mga bisitang darating daw kasi ang kaibigan niya na hindi maiwan-iwan. Hindi na rin ako umuwi. Naalala kong baka magtagpo na ulit ang landas namin ni sumulpot sa bahay si Darius. Ayoko na ng karagdagang sakit sa dibdib at sama ng loob. Dinala ko ang ilang mga papeles na kailangan kong pag-aralan pa sa boarding house para kahit hindi ako umuwi ng Iloilo ay may gagawin ako.

Lumipas ang tatlong linggo. Walang balita mula kay Papa kung matutuloy pa sila ng kaibigan niya na puntahan ako o hindi. Gayunpaman, maaga pa rin akong gumising. Nagkasundo na kami ni Ruth na magkita. Excited siyang ilibre ko matapos malamang branch manager na pala ako. Had she known, nasugod na raw sana niya ako after class dahil mas malapit na pala kami sa isa’t isa. Hindi na kailangang may tumawid ng dagat para magkita. Usapan naming magkikita sa terminal ng jeep at sabay nang pumunta sa school niya.

Naglalagay pa lang ako ng sunblock sa mukha nang katukin na ako ni Ate Mema para ipaalam na may naghahanap sa akin. Nagtaka ako kung sino kaya minadali ko ang kilos ko. Bitbit ang sandals at bag ko sa magkabilang kamay, lumabas na ako ng silid. Nasa second floor ang kuwarto ko kaya kailangan ko pang babain ang mga baitang ng hagdan nang matigilan ako.

Natulos ako sa kinatatayuan ko nang mapagsino ang mga naghihintay sa baba. Nanariwa sa isip ko ang mukha niya. Ngayon, mas mas malinaw ang pagkakaiba nina Marcus at Darius. Maliban sa height, hindi kasing kisig ng nauna ang huli. Sa mukha naman, mas bata at light ang skin tone ni Marcus. Malaki talaga ang pagkakahawig ng dalawa sa babaeng naroroon din. Ang mama nila. Ang labis kong ipinagtataka ay kung paano nila ako natunton sa tinutuluyan ko.

“God! Finally, I met you personally, Yara.” It was Marcus. His eyes were sparkling with excitement. Sinalubong pa niya ako sa paanan ng hagdan.

Lalapit sana siya sa akin pero umatras ako kahit nang space. Muntikan na akong matumba pero maagap akong napahawak sa hawakan ng hagdan.

“Marcus,” tawag ng babaeng kasama niya. Halatang naninita.

Tumingin ako sa dako niya. Nagtama ang mga mata namin. Hindi katulad ng excitement ni Marcus, parang naniningkit ang mga mata niya.
I felt uneasy at first pero na-compose ko din ang sarili ko. Hindi ako puwedeng matakot sa kanila.

“How did you know my place?” tanong ko. Lumigid ako sa bakanteng sofa pero hindi ako umupo.

“Yara, meet my mom, Emilia,” pakilala ni Marcus.

Sinulyapan ko ang ginang. Umaasang lumambot ang aura para maging at ease na rin ako pero wala. Right there and then, nabuo na sa isip ko ang paraan ng pakikitungo ko sa mag-ina at kung ano ang magiging desisyon ko sa pasya nila.

“I’m very sorry, amore. Let me make things up to you,” he begged.

“I am willing to adjust once you and Marcus are back with each other,” ani Emilia.

Parang hindi ako makapaniwala. I can still see and sense her insincerity.

“Nagsinungaling man siya sa’yo at may nangyari man sa iyo at sa kapatid niya, handa pa rin akong tanggapin ka bilang nobya niya. Ang totoo niyan, kaya ka lang naman pinatulan ni Darius ay para i-despise ko. By hurting his brother, alam niyang hindi ko palalagpasin ito.”


Nagulat ako. Sa mga sinabi niya at sa paraan ng pagsasalita niya.

“Fluent ho kayo sa Tagalog?”
“My mom’s a Filipina actually, Yara. I lied to you when I told you it was my nanny who taught me Tagalog. It’s actually Mom.”

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon