PART SEVEN

52 5 4
                                    


I feel superb! I feel satisfied! I feel contented! God! I’d settle for this woman for life and even after. With or without this mind-blowing love making, ready na akong magpatali.
She is exhausted, I know. Pero in a positive way. Nakikita ko sa mga ngiti niya. Pinagmamasdan ko siya ngayon. Mula ulo pababa. Bahagyang natatabunan ng kumot ang kanyang katawan. Revealing half of her chests, making me take a peep of the inside. Hinahaplos ko ang pisngi niya. And I can feel my manhood growing again.


Pero bumangon na ako. Ayaw kong maabuso siya. Ang gusto ko, kapag nagniniig kami, pareho naming gusto. Pareho kaming mag-e-enjoy. Ganoon din sa iba pang bagay.
Habang naliligo ay binubuo ko na sa isip ko ang dapat kong gawin. Itatama ko na ang mga mali.


MASARAP ang tulog ko pero nagising ako dahil sa ingay. Nang tingnan ko ay mula ito sa sahig. Sa loob ng shorts ni Marcus. Hinanap ko siya sa palibot pero wala. May naririnig naman akong lagaslas ng tubig kaya inisip kong nasa banyo siya. Kinuha ko ang smartphone niya para tingnan sana ang oras pero nabitawan ko ito dahil sa bumulaga sa akin.


Marcus is calling Marcus??? Base sa nakikita ko sa screen ay Marcus ang pangalan ng caller. May picture iyon pero parang dalawang teenager.

Kinakabahang dinampot ko ang gadget. Nanigas ako sa natanto ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na natulos kinaroroonan ko. Nabitawan ko na nga ang kumot na nakabalot sa dibdib ko.


“Yara,”Ang malamig na boses na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. “I can explain.”


Nangangapal ang anit ko. Kuyom ang mga kamao. Nangangatal akong tumayo sabay dampot  sa smartphone. “Who the hell are you?” nanggigil kong tanong.


“I—I’m Darius. Marcus’ half-brother. I have a little Italian blood but I was born and race here in the Philippines. So, I’m a Filipino citizen. Nag-aral lang ako ng kaunting Italian language at nahilig sa Italian cousine dahil kay Mama.”


Ibinato ko ang gadget sa kanya sabay daluhong. “Manloloko ka! Walanghiya!” Pinaghahampas ko siya sa mukha, sa braso, sa dibdib. Nang pumasok sa isip ko ang mga nangyari sa amin last night, akmang tutuhurin ko pa siya.


“No, per favore, amore.” Mabilis niyang naiharang sa crotch area ang kamay.


Pero hindi ko pa rin itigilan. Sipa roon, sipa rito. Walang pakialam kung nasaan kami, kung anong maidudulot ng ginagawa ko.

Hanggang sa may nag-doorbell.
Pareho kaming natigilan ni Marcus—or Darius. Or whatever the bastard’s name! Nang muling tumunog ito, ang lalaki na ang nagpunta sa may pintuan. Sa aming dalawa, ito ang mas desenteng tingnan dahil normal lang naman sa lalaki ang maghubad-baro. Hindi katulad ko na ang damit ay mahaba nga pero mula baywang pababa lang. Maloloka ang makakakita.


Napagtanto ko rin ang ayos ko kaya nagmadali akong pumasok sa banyo. Doon ay hindi ko mapigilang umiyak. I feel so betrayed. Ang tanga-tanga ko. Tila nag-rewind naman sa utak ko ang mga nangyari since day one. Napadausdos ako sa sahig. Awang-awa sa sarili ko. Nakakita ako ng mga signs na kakaiba ang lalaking kasama ko pero hindi ko pinagtuunan ng pansin. Nadala ako sa bugso ng damdamin ko. Sa tawag ng laman.


Humahagulhol at nangingig kong pinaandar ang shower. Kulang na lang ay tuklapin ko ang buong balat ko kung iyon lang ang paraan para malinis ako, papayapa ang pakiramdam.
Paano ko ipapaliwanag ang lahat nang ito sa pamilya ko? Sa mga kaibigan? Sa mga taong ang alam ay si Marcus na nakilala ko sa online dating ang kasama ko at hindi ang walanghiyang kapatid niya.


Muling nabuhay ang galit sa dibdib ko. Dali-dali kong tinapos ang paliligo. Hindi ako puwedeng takasan ng walanghiyang Darius na ito. Kakasuhan ko siya ng rape!
Pero nanlambot ako nang pagkatapos kong patayin ang shower ay matanto kong walang towel sa loob ng banyo. Sa loob ng closet ko pala isinampay ang ginamit kong tuwala nang maghilamos kagabi.

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon