PART ELEVEN

59 7 1
                                    


NI anino ni Darius ay wala akong nakita hanggang Friday. Pero ang loko ay panay ang padala ng bulaklak at snacks sa bangko kaya kahit hindi ko siya nakikita ay ramdam ko at ng lahat ang presence niya. Inuulan ako ng tukso sa bawat umaga na may dumadating na bouquet ng iba’t ibang kulay ng roses. Magrereklamo na sana ako pero sa tuwing makikita ko si Greta na tarak ang tingin sa mga natatanggap ko ay lumalabas ang excitement ko.  Pero bago mag-uwian ay naisipan kong kausapin siya.

Noong una ay parang in-denial siya nang sabihin ko ang tungkol kay Darius. Pero nang isiwalat ko ang narinig kong bulungan niya at kapwa intern, hindi na siya nakapag-deny.

“Bata ka pa, Greta. Marami ka pang lalaking makikilala na mas attracted kaysa kay Darius. At siguradong walang sabit. Sa ngayon, mag-focus ka muna sa internship mo at siguraduhing makaka-graduate ka. With all the capabilities and resources your parents have, ang pinakamagandang gawin mo ay ang magtapos with flying colors.”


Yukong-yuko si Greta. “I’m really sorry, Ma’am Yara. Sorry talaga.”

Tinapik ko siya sa balikat. “Okay lang 'yan. Dalaga ka naman at hindi manhid. Pero magandang ilagay mo sa lugar ang alam mo na…”

“I’ll keep it mind po.”

Magaan ang loob kong umuwi dahil nagkausap kami ni Greta. Naisipan kong maglakad na lang pauwi. Walang anino ni Darius sa paligid. Hindi sa umaasa ako sa sinabi niya last Monday pero para na ring. Hindi ko maipagkakaila. Sumasagi sa isip ko na lang ang mga katulad ni Greta na nakakasalamuha niya sa araw-araw o kahit nang bago ko pa siya makilala. Parang ang hirap yata na makipag-deal sa kanila. Parang mahihilo ako. Ang gulo talaga kapag lahat na lang ay maisip mo.

Nauhaw ako nang makarating sa bahay. Wala pa namang katao-tao. Akala ko nga ay brownout na naman dahil madilim sa loob ng kabahayan. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig. Inubos ko ang laman niyon at hinugasan ang baso saka ibinalik sa lagayan. Pero laking gulat ko nang muntikan ko nang mabangga si Darius pagpihit ko. Napahawak ako sa dibdib ko.

“Ba’t ba sumusulpot ka na lang bigla?”

“Puwede ba kitang ipakilala kay Papa?” aniya.


“B-bakit?” nagugulumihang tanong ko.” Ayoko ng tinatakbo ng isip ko. Baka naman… or baka… Naging okay kami noong Monday at nagpapadala pa nga siya ng flowers and foods. “Under age ka ba?” biro ko para pagtakpan ang tensiyong nararamdaman.


“If being childish means winning your heart and trust again, I don’t see any problem with that,” matatag niyang sagot. “But honestly, kinukulit kasi siya ni Mama. Dini-discourage na suportahan ako in winning your heart. Wala raw magandang ibubunga ang ginagawa ko. Si Marcus nga ay inayawan mo na ilang taon mo nang nakilala at Italian pa, ako pa raw kaya. Sad to say, wala talaga akong makukuhang suporta mula sa kanya. Ayokong magpaapekto pero apektado talaga ako, Yara.”

Natameme ako.

“Ayokong kaawaan mo a ko but I count on you and your love that gives me strength to go on with life. Gusto kong patunayan kay Mama na karapat-dapat akong pagtuunan ng pansin at hindi iitsapuwera katulad ng ginagawa niya. Na kahit pa pangit ang naging simula natin, magkakaroon pa rin tayo ng magandang ending.”

Shit!  Kinikilig ako sa mga salita ni Darius. Gusto ko siyang yakapin at i-comfort. Nang lumapit siya nang husto sa akin, parang nawalan ako ng lakas na itulak pa siya. Para bang may humahatag sa akin na lalong dumikit sa kanya. Nanunulay ang malakas na kuryente sa buong katawan ko. Natunaw na nang tuluyan ang pader na ginawa ko sa pagitan naming dalawa. Mariin akong pumikit at gumanti ng yakap sa kanya. I want him to feel my acceptance and loved too.

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon