Part One

106 5 0
                                    

Nakilala ko si Marcus na isang Italian sa isang online dating site. Pa-chat-chat lang noong una hanggang sa nagpalitan ng pictures, nag-bi-videocall, hanggang sa nagpahayag siya ng kanyang damdamin sa akin. Naging kami. Makalipas ang more than two challenging years heto ako at lumuluwas ng Manila para i-meet siya. Nag-file ako ng one month leave sa trabaho para maasikaso siya nang husto sa pagdating niya.

Nauna ako nang halos three hours ng dating sa kanya. Hindi ako naiinip habang hinihintay ko siya. Kaytagal kong pinangarap ang panahong ito. Ilang beses din na na-postpone. Pero the long wait is over.

Fifteen minutes advance ang dating ng kanyang flight nang sulyapan ko sa screen ng monitor ang list of arrival flights. Kaagad akong nag-message sa kanya at tinanong kung nasaan na siya. Mabilis naman ang kanyang pagsagot. Ngunit para lang sabihing hindi raw siya natuloy dahil isinugod ang mama niya sa hospital dahil sa sama ng loob na iiwan siya ng unico figlio niya para puntahan ako sa Pilipinas.

Hindi lingid sa kaalaman ko na ayaw ng Mama Emilia ni Marcus sa akin bilang girlfriend. Ilang beses na ring naudlot ang pagkikita sana namin ni Marcus. Tanggap ko naman iyon lalo pa’t in-assure naman ni Marcus sa akin na hindi niya ako pababayaan. At saka hindi naman ako nawawalan ng pag-asa na isang araw ay matatanggap rin ako ni Mama Emilia. Mahal namin ni Marcus ang isa’t isa sa kabila ng aming long distance relationship. In fact, nagpapadala siya ng regalo o pera sa akin kapag may special occasions. Ako naman, usually ay regalo ang pinapadala sa kanya. Maraming gusot sa relasyon namin pero sa tuwina ay naaayos ito at naniniwala akong mas tumitibay pa kami bilang magkasintahan dahil dito.

Pero ang nangyayari ngayon ang worst. I did not see this coming dahil plantsado na ang lahat bago pa man ako lumuwas. Mula sa plane ticket ko paluwas ng Manila hanggang sa hotel kung saan kami magsi-stay bago pumunta ng Boracay kung saan naka-pag-book na rin kami ng room sa isang sikat na resort hotel doon. Tapos, hindi naman pala kami magkikita.

Next message niya ay humihingi na siya ng sorry at kailangan na niyang makipag-break sa akin. He did not try to call. Puro text messages lang ang natatanggap ko.

Sa gitna ng kinaroroonan kong waiting area sa arrival ng airport ay parang gusto kong ngumawa at tila sasabog ang dibdib ko. Pero pigil na pigil ko ang aking emosyon habang pinapagana ang isip.

Hila-hila ang dala kong maleta at sinusubukang patatagin ang mga tuhod at panatilihin ang katinuan ng isip, tinungo ko ang pilahan ng airport taxi sa bay area at nagpahatid sa hotel kung saan naka-book na kami ni Marcus overnight.

Habang nasa taxi, binatbat ko siya ng sumbat.

You should have told me earlier and not let me wait for hours.”
“You shouldn’t have let me fall for you in the first place.”

Ilan lang sa mga messages ko. Para nang mapupudpod ang dulo ng mga daliri ko kakapindot. Sinubukan ko rin siyang tawagan pero hindi ko ma-contact ang number niya. Nagdadadabog pa ako. Napansin tuloy ako ng taxi driver.

“Okay lang kayo, Maam?” Halata ang pagkabahala sa boses niya habang nagtatanong.

“Medyo hindi, Manong. Kaya pakibilisan na lang po nang kaunti ang pagmamaneho,” sagot ko na sinundan pa ng pagpusnga. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at hindi pa rin humuhupa ang galit.

Inaliw-aliw ko ang sarili ko sa pagtingin sa kumikinang na mga ilaw sa paligid.

Ilang minuto ang nakalipas ay nasa harap na rin ako ng hotel. Hindi ko na nagawang ihatid ang maleta ko sa silid ko. Sa halip, inusap ko na lang ang bellboy na siyang maghatid nito at dumeretso na ako sa lounge area kung saan naroroon ang bar ng hotel.

Yara and Darius ✔ (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon