HTP:1

8.2K 208 12
                                    

Zhie's POV

Maaga akong gumising dahil first day of school na naman. Hindi sa pagmamalaki pero natanggap lang naman ako sa Oxford Scythes University (0SU) , isang sikat at prestigious na University sa buong Pilipinas and I am proud to say na full scholar ako don. Kilala rin ito pagdating sa University ranking dahil sa dekalidad na edukasyong ibinibigay nito sa mga mag-aaral na napasok dito.

Kinuha ko ang criminology kasi gusto kong maging stenographer someday. Sa totoo lang, hindi ko ito gusto dahil being Chef technically ang biggest dream ko simula pagkabata.

"Nak, ano ba! Tama na ang pagtunganga mo jan.. bumaba ka na at tayo'y kakain na." sabi ni nanay pagkabukas ng pinto ng kwarto ko.

"Wow nay hah? Bumaba? Bumaba talaga? Wala po tayong hagdan kaya wag kang assumera jan nay! Hahaha halika na nga" tawa-tawa kong sambit dahil umeksena na naman ang pagiging loko niya.

"Ayy ganon ba? Ayun kasi ang naririnig ko kapag nanonood ako eh..ginagaya ko lang para classy. Hihihi"

Oo nga pala, bago kami kumain..magpapakilala ako ng pormal sa inyo.Ako si Zhendaya Corpusz.. lalaki po ako pero pusong mamon este pusong babae.. nagtataka kayo kung bakit pambabae yung pangalan ko noh? Ganto kasi yan..

( Flashback...)

"Maam sige po iree lang! Iiree mo lang maam!" Sigaw ng doktor kay nanay

"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh!!" Ire naman ni nanay..

At sa wakas, ayunn lumabas nako...

"Doc pwede po bang makita ang anak ko?"

"Sure po" sabi ni Doc sabay bigay sakin kay nanay

"Ang ganda mo naman anak.. Zhendaya, zhendaya ang pangalan mo! Hihihi ang cute mo talaga!"

" ahh, maam hindi ko pa po pala nasabi yung sex ng bata... lalaki po siya maam.."

"Ano? Lalaki..a-akala ko babae..ikaw ba naman kasi doc...binalutan mo na agad yung bata..hindi ko tuloy nakita kung pututoy ba o tahong ang ano ng bata...pero hayaan na..."

(End of flashback...)

Oh diba? Dahil sa ganda ko napagkamalan akong babae ni nanay..well haha

Pero maiba ako..noong sinabi ko kay nanay yung totoong sexuality ko, natakot talaga ako baka kasi hindi ako matanggap pero bueno, tinanggap niya ako ng buo dahil anak naman daw niya ako...diba, ang bait ng nanay ko..

Kung tinatanong niyo naman kung ano yung itsura ko... sabi nila cute daw ako..maliit lang kasi ako kumpara sa mga lalaki...pambabae din daw yung katawan ko kaya napagkakamalan nga.. mahaba naman yung pilik mata ko..pango konti yung ilong ko at may kaunti ring pimples yung mukha ko... hindi ako perpekto noh!

Nakain kaming sabay ni nanay at kaagad na akong nagpaalam..

"Nay, alis nako.. alam mo naman sa papasukan ko, mahirap kapag nalate..bantay sarado sa mga guard.. plus yung wala pa akong kakilala ni isa don..kaya mauna na po ako.."

"Sige na anak..pumasok ka na.... galingan mo hah!"

Pahabol ni nay habang naglalakad na ako... kumaway na lang ako sa kanya bago tuluyang umalis. Sumakay ako sa jeep at nagbayad na para makapunta sa bago kong papasukan.

Hindi ko matago ang aking ngiti dahil excited na ako kung ano ang mangyayari sa akin mamaya. Huminga ako ng malalim at nanalangin na sana maging maayos ang lahat.

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon