Zhie's POV
Lumipas ang ilang mga araw ay mas naging malapit kami ni Gray sa isa't isa. Lagi siyang napunta sa building namin para lang makasabay sa amin ni Drew sa paglunch. Hindi ko alam ang dahilan ng pagbabago niya pero masaya ako dahil hindi na siya tulad ng dati...
Hindi ko alam sa sarili ko pero sa bawat araw na magkasama kami ay natututunan ko na kung paano ibigay at ipaubaya ang aking puso. Sa tuwing nandiyan kasi siya na nakaabang palagi sa akin ay para bang may mga paru-paro sa aking tiyan at bigla-biglang bumibilis ang pagtibok ng aking puso. Is this the sign na napapamahal na ako sa kaniya? If that's the case, please Grey, catch me... i'm falling
Marami na ngang nakakahalata sa mga pangyayaring iyon at hayun, ako ang pinagdidiskitahan.... kesho mangkukulam daw ako... na pinainom ko daw yung dalawa ng itim na mahika... As if naman na makikita niyo sa mukha ko noh!
Natapos na kaming maglunch at sabay sabay na kaming lumabas ng canteen..
"Ahh, Zhie may sasabihin sana ako sayo..." sabi ni Gray habang naglalakad kaming tatlo..
"Sige, ano ba iyon?"
"Pwedeng tayong dalawa lang?"
"Nakuu, mukhang importante iyan....sige Zhie at Gray una muna ako sa inyo...sunod na lang kayo hah?" Singit ni Drew at mabilis nang lumisan...
"Ano ba yung sasabihin mo sakin Gray?"
"Ahh ano kasi.. ahhm.. kasii.."
"Para ka na namang ungas Gray! Sabihin mo na nga!"
"Kasi ganto..napag isip isip ko na kahit maikli lang yung pagkakakilala natin sa isa't isa eh meron akong naramdamang kakaiba sa iyo na di ko talaga maipaliwanag..."
"Diretsuhin mo nga ako Gray... ano bang sinasabi mo?"
"Zhie, nababaliw na ako..."
"Eh baliw ka talaga! Ano bang pinagsasasabi m-"
"Zhie gusto kita!"
Doon lang ako napatigil dahil sa mga sinabi niya...
"A-anong sabi mo?"
"Alam kong mabilis Zhie pero ayun yung nararamdaman ko... lagi kitang napapanaginipan tuwing matutulog ako... hanap-hanap naman kita kapag umaga.. masaya ako kapag malapit ako sayo, masaya ako kapag bumibisita ka sa bahay, masaya ako kapag naiinis ka sakin, masaya ako kapag naihahatid kita sa bahay niyo, at mas masaya ako kapag naging tayo na...."
"G-gray.."
"Please Zhie, pwede ba kitang ligawan?"
Halos wala akong maisalita sa mga rebelasyong ito! Jusko teh! Di ko keri toh! Send help pleeeaaassseee!!
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)
RomancePaano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan o susuko ka na sa labang hindi naman talaga pinahalagahan? Tunghayan si Zhie sa kaniyang naging kar...