HTP:7

2.9K 136 4
                                    

Gray's POV

"Gago ka talaga Gray! Binaboy moko! Wala kang awa! Ano!? Masaya ka na? Masaya ka na hah!! Nakuha mo na yung gusto mo at isinusumpa ko...sana sunugin na yang kaluluwa mo sa impiyerno! Diba don ka nababagay? Kakakita ko pa lang sayo at tama nga ako...anak ka nga ni Satanas! Demonyo!"

Mga katagang paulit-ulit na nageecho sa isipan ko..

Hah! Siya pa talaga ang may ganang magalit kahit hindi niya alam ang mga pangyayari.. ayos din tong baklang toh eh noh!

(Flashback...)

Nakarating na kami ng bahay at balak ko siyang paglinisin ng kwarto ko.. ayun kasi yung naiisip kong parusa sa kaniya..

Pero heto siya, tulog na tulog at nakanganga pa!

"Hoi! Gising!" Paggisng ko sa kaniya pero waepek..

"Hoi! Aba gising na nandito na tayo" pero tulog paden..

Napabuntong hininga na lang ako at agad ko siyang binuhat papasok ng bahay.. imbes na ako yung pagsilbihan niya hayyyssstt

"Oh anak, sino yan?" Bungad sa akin ni mommy pagkapasok ko ng bahay..

"Ahh, kaklase ko lang ma, nalasing kaya dinala ko na dito..hindi ko kasi alam yung bahay niya" pagdadahilan ko..

"Ah ganon ba, pero anak, sa kwarto mo muna siya patulugin kasi inaayos pa yung aircon ng guest room naten..ayoko namang lamukin pa siya doon noh.. sige na at iakyat mo na"

Wala na akong nagawa kaya sumunod na lang ako..

Paakyat na sana ako ng madanggi ko yung yaya namin na may dalang caldereta at saktong nabuhos ito sa buong suot niya..

Nagsorry yung maid namin at kaagad nilinis yung dumi..

Umakyat na lang ako at tinanggalan ko siya ng suot..hindi ko na siya nadamitan kasi pagod narin ako dahil sa pagpapractice kanina..naghubad narin ako ng damit at pantalon ko sabay sampa sa kama..

(End of Flashback...)

Eto ako ngayon at hipo-hipo yung pinsngi kong sinampal niya.. grabee ang lakas non ah! Humiga na lang ulit ako at natulog kahit nararamdaman ko pa din ang hapdi ng pisngi ko..

May araw ka rin sa akin bakla!

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon