HTP:2

4.6K 161 4
                                    

Zhie's POV

Bumaba na ako ng jeep at naglakad na ako papunta sa harap ng school..

"Hayss, kaya mo toh Zhie.." sabi ko sa isipan..

Naglakad na ako papasok ng school at nagpalinga-linga sa kabuuan nito..

Ikaw ba naman ang makapasok sa OSU, talagang malulula ka sa sobrang lawak nito...pumunta muna ako sa registrar office para malaman ko kung saan yung magiging room ko..

Pagkakuha ko, hinanap ko na agad ang building na pagpapasukan ko kasi hiwa-hiwalay talaga kapag strand na ang pinag-uusapan..

Nang makita ko na, tiningnan ko ang relos ko at gulat ko nang makita kong late na ako ng 5 minutes...

" kaya naman pala wala na akong makitang estudyante dito..class hour na pala.." sambit ko habang natakbo..

"Room 206..nasaan ka na ba?" Sa isip ko habang tinitingnan isa isa ang mga room..

Ayyyuuunn...

Kumatok muna ako sa pinto sabay bukas ng pinto.. nakita ko agad ang mga kaklase ko at gurong nasa harap.. nangangatog na talaga ako kasi sa akin lang sila nakatingin..

"Mr. Corpusz, buti naman at nandito ka na...pumunta ka dito at magpakikila ka sa mga kaklase mo" nakangiting sambit ni maam

" ahh, Zhendaya E. Corpusz is my name, you can call me Zhie... i am 18 yrs old.. nice to meet you all" nakangiti kong sabi..

"Take a seat Mr. Corpusz beside Mr. Natavidad"

"Thank you maam"

Naglakad na ako papunta sa sinabi ni maam at agad umupo doon..

Habang nagtuturo si maam, naramdaman kong may kumalbit sa akin...hindi ko na lang iyon pinansin baka kasi nangtitrip lang...hanggang sa nakaramdan na naman ako ng kulbit.. doon na ako tumingin kasi naaasar na ako..

Tiningnan ko siya at isang ngiti lang sinukli niya...sino ba toh? Mr. Natavidad ba?

"Hi!" Bati niya sa akin..

"Ahh, hello"

" so you must be zhie right?"

Ayy hindi! Kakaintroduced ko nga lang kanina.. unli ka ghorl?

"Ah, oo ikaw?"

"Drew, my name is Drew" nakangiti niyang sabi..

"Ahh nice to meet you Drew, pero mamaya na tayo magchikahan nag-oorient pa kasi si maam eh.."

Tumango naman siya at humarap na sa unahan..

Lumipas ang ilang minuto ay natapos narin si maam.. at tamang tama na nagring na ang bell..

"Zhie, sabay ka na sakin papuntang canteen" sabi ni Drew habang nag aayos ako ng gamit..

" ahh pano ba toh? Ka-kasi Drew hindi ko yata dala yung wallet ko..wala akong maipapambili..ikaw na lang..ayos lang naman ako dito..eto oh may baon akong pagkain.."

"Hindi ka mabubusog jan, halika ka na..libre ko naman eh atsaka ako yung nagyaya kaya halika na.." pagpapamilit niya..

"Yun naman pala! Bat di mo sinabi agad na libre....edi sana hindi na ako nag emote! Halika ka na at baka maubusan tayo ng upuan!" Yaya ko sa kanya sa hawak ng kanyang kamay palabas ng room..

Hindi na ako nag-inarte pa dahil hindi ko tinatanggihan ang grasiya. Kapag kasi nakarinig ako ng salitang 'libre' ay kaagad nagmamalfunction ang utak ko at tatango na lang para umoo—kahit pa may kapalit basta may libreng pagkain.

Napangiti na lang ako at mukhang may mahuhuthutan na akong bagong kaibigan. HIHIHI

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon