HTP:5

3.2K 142 3
                                    

Zhie's POV:

"Mr. Corpusz, pinapatawag ka na daw ng sinalihan mong club at auditioning niyo na daw.." sabi ni Maam Suarez

"Thank you maam!"

"Sige na at inexcused na kita sa klase ko"

Nagpasalamat na lang ulit ako at dali-daling pumunta sa club ko..

Nandito na ako sa hall at bueno, pangalawa ako sa isasalang mamaya..ang swerte ko noh?

Habang nag iintay ay iniisip ko na kung ano yung kakantahin ko... ano kaya puwede?

Ahhhmmmm....

"Number 2, ikaw na ang kakanta..goodluck hah?" Sabi sa akin ng officer na si ate Ghie.. kakakilala ko lang sa kaniya kanina kaya wag kayong ano!

"Ang bilis naman ata ate Ghie nung number 1?" Taka kong tanong..

"Pinaalis kasi agad nung isang judges. Sintunado raw kasi. Ewan ko ba kung anong nakain nung judge na yun eh ang ganda-ganda nga ng boses ng nakanta eh. Kaya ikaw, galingan mo para hindi karin mabulyawan."

"Ayy ano ba yan..grabe naman.. sino ba yang judge na yan at ang higpit naman yata?"

"Ah yung anak ng may ari nitong school, si Grey, isa kasi siya sa mga judges.. bale sa basketball talaga siya nakadestino pero inutusan siya ng principal na siya daw muna ang magjudge dito kasi hindi makakarating yung trainor na ininvite."

"Si Grey? Hindi ko pa iyon nakikita pero parang naiirita na ako sa kaniya.." bulong ko sa sarili.

"Oh ano Zhie? Gora na baka magalit pa iyon.."

" sige po"

Lumabas na ako sa backstage at pumunta na sa harap ng mga judges..

Halos pagpawisan ako kasi sinusuri nila buong katawan ko.. ano toh? Imbestigador? Kelangan pati katawan tingnan?

"What's your name?" Tanong ng isang judge

"Zhendaya Corpusz po"

"Anong kakantahin mo?"

"Ang kakantahin ko po ay Hindi Tayo Pwede. My own version po."

Tumango sila except sa lalaking nakapokerface na nakatingin sa akin. Anong nakain nito?

"Ok. You may start."

Nagsimula nang magstrum ang gitara kaya huminga ako ng malalim. This is it Zhie, huwag ka sanang pumalya. Ipinikit ko ang aking mata at nagsimula naring kumanta nang magcue sa akin ang gitarista.

HINDI TAYO PUWEDE by The Juans

Pilit nating iniwasan
Ganitong mga tanungan
At kahit 'di sigurado
Tinuloy natin ang ating ugnayan

Idinilat ko sandali ang aking mata para tignan kung ano ang reaksyon ng mga hurado. Napanatag naman ako dahil wala akong nakikitang kakaiba mula sa kanilang mukha.

Ngayo'y naubos na'ng kwentuhan
Nagsimula nang magsisihan
Lahat ay parang lumabo
'Di alam kung sa'n tutungo

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala...

Napatigil ako nang huminto ang pagtipa ng gitara..napamulat ako at nakita kong nakatingin sa akin ng diretso yung judge na sa gitna. So, ikaw pala si Grey hah? *insert taas kilay emoticon*

"Ang panget." sabi niya na may pagkabaritonong boses

Biglang nagpantig ang tenga ko at bumilis ang pagdaloy ng dugo ko dahil sa galit.

"Ano po?" pilit kong pinapakalma ang sarili ko kahit gustong-gusto ko nang isungalngal sa Grey na iyon ang mikroponing hawak-hawak ko.

"Ang sabi ko ang panget ng pagkakakanta mo! Bingi ka ba? Sintunado ka at wala kang potensyal na sumali dito..kaya alis na!"

Aba sumosobra na toh ah!

"Hoi! Wala akong pake kung judge ka! Ikaw kaya ang kumanta dito sa harap at ako jan ang umupo atsaka huwag mong mamaliitin tong boses ko. Baka nga ikaw yung boses ipis jan eh! Kung makapagsabi ka ng sintonado parang feeling mo ikaw na yung 'The greatest man who ever lived'. As far as I know, hindi ka talaga naka-toka dito kaya wala kang alam sa field of singing, utak bola!" Ganti ko sa kaniya..

"Wala akong pake basta umalis ka na dito at ayaw ko nang makita yang pagmumukha m-"

"PWEDE BANG PATAPUSIN MO MUNA AKO BAGO MO 'KO HUSGAHAN!" sigaw ko na nagpatigalgal sa buong manunuod sa loob ng silid.

Hindi na siya umimik at padabog siyang umupo.

Ayann serves you right bitch. Akala mo magpapatalo ako sayo? *insert belat emoticon*

Pinatugtog ko ulit yung gitarista at itinuloy ko yung pagkanta ko. Tumikhim muna ako bago bumwelo sa chorus.

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Ohh oh oh

Kay bigat na ng damdamin
Bakit 'di pa natin aminin
Dahil sa una pa lamang
Alam nating wala tayong laban

Sabi ko na nga ba
Dapat no'ng una pa lamang
'Di na umasa
'Di naniwala

Minulat kong muli yung mata ko at hindi ko maintindihan kung bakit napako yung tingin ko don sa Grey na yun.. tumingin na lang ako sa ibang direksiyon para hindi niya mahalata..

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

Hindi tayo pwede dahil una pa lang
Alam naman nating mayroong hangganan
At kahit ipilit, hanggang dito na lang
Dito na lang

Hindi tayo pwede
Pinagtagpo pero 'di tinadhana
Hindi na posible
Ang mga puso'y huwag nating pahirapan
Suko na sa laban
Hindi tayo pwede

"Hindi tayo pwede...." huli kong sambit at muling minulat ang mata...

Nakita ko ang pagtayo ng mga nanonood pati narin ang apat na judges maliban don kay Grey...

Oh, ano ka ngayon! Anong walang potensyal? Lolo mo lokohin mo..

Nginisihan ko siya na lang nagpakunot sa noo niya.. bigla siyang umalis at lumabas na ng room..

Hahahahahaha buti nga sayo gunggong!

Nagpasalamat na ako at umalis na ng harap..

"Ang galing mo pala talaga ghorl! Boses babae pa! Iba ka talaga Zhie!" Agad na salubong sa akin ni ate Ghie pagkapunta ko ng backstage..

"Thank you po ate! Paano po, alis na po ako at hapon na.." pamamaalam ko saby yakap muli sa kaniya.

"Sige sige..ingat hah? Sure ako na mapipili ka bukas kaya mas galingan mo pa. Bye, see you later."

Kumaway ako sa kaniya at lumabas na ng room..

Habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilang mapangiti. Ang sarap pala talaga sa feeling na naipaglaban mo yung side mo kahit pa may mga taong pilit kang binababa. I can say na I atleast maintain this attitude and lumaban sa mapang-aping lipunan—in a good way. Hindi po ako kasing lakas ni Chun Lee kaya wala akong balak makipagsagupaan sa labanan. Baka umuwi pa akong wala nang buto.

Palabas na sana ako ng gate nang pwersahan akong hinila ng sinomang creature sa likod ko.

" ano ba ang sakit! Sino ka ba?!" Sambit ko dahil nakatalikod siya sa kin.

"Hoi ano ba! Bitawan mo nga ako! Sino ka b- Ge-gray?"


O-M-G! Gosh, im so dead now.

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon