Zhie's POV
Matapos ang mga pangyayaring iyon ay hindi ko na siya pinapansin kapag pinapatawag ako para magpraktis..
Kapag malapit siya ay agad akong lalayo para narin iwas sakit. Not literally yung sakit as in 'desease', ang sinasabi ko lang ay yung sakit na sa emotionally mo mararamdaman. Hanggang ngayon ay nagngingutnggit parin ako kapag nakikita siya but i'll try my best para pakalmahin ang sarili ko. Simula kasi nang mangyari iyon ay para bang naaasiwa na ako sa pagmumukha niya. *insert irap emoticon*
Habang tinutulungan ko ang iba sa pag-aayos ay nafi-feel ko ang mapanuyang tingij niya sa akin. Nagtaka tuloy ako kung ano ang ginagawa niya dito though tapos na naman ang auditioning. Hindi na lang ako nag-isip pa dahil ayokong sayangin ang oras ko para sa kaniya.
After non, nagkita kami ni Drew para kumain ng lunch. Nag-usap lang kami and tinatanong parin niya ako kung ano yung nagyari samin ni Gray. I have no choice na sabihin sa kaniya lahat ng nangyari kasi ang kulit-kulit niya.
And one thing i knew. Naliwanagan ako na padalos-dalos nga ang bibig ko kasi mukhang nagsasabi nga si Gray noon that time. Mafi-feel mo yung sakit kapag ginalaw ka kasi nga birheng maria pa ako. Bigla naman akong namula dahil sa kagagahang ginawa ko. Pagkatapos naming mag-usap ay sinabihan pa niya akong magsorry daw kay Gray dahil 'below the belt' daw para sa isang lalaki na akasuhan ng ganoong bagay. Naghiwalay na kami ng landas dahil may practice pa sila ng basketball na kaniya namang aattendan.
Habang naglalakad ay iniisp ko ang sinabi ni Drew sa akin kanina. Nagtatalo ang aking isip at puso dahil i promise to myself na hindi ko na kakausapin ang hunghang nayon. Napagitla ako nang hablutin ako ng kung sino at dinala ako sa likod ng punong acacia.
Napaisip narin ako at nahihiwagaan sa buhay ko. Wala na bang kasawaan toh? Puro hablutan session ang nangyayari sakin everytime na naglalakad ako mag-isa.
Pinaharap niya ako sa kaniyang gawi at kusang nagsibagsakan ang aking balikat nang makita ko siya.
"Gray, please, kahit ngayong araw lang. Pagod ako at kailangan ko pang magpractice. Pwede bang huwag mo muna akong gambalain para hindi ka na dumagdag pa sa problema ko? Ayokong makipagdebatehan sayo dahil wala akong time para don." matamlay kong sabi sa kaniya sabay hawi sa dalawang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.
Paalis na sana ako nang nagsalita siya.
"Sorry..."
Napatigil ako at humarap sa kaniya. Tinaas ko ang kaliwa kong kilay at muling tinanong kung ano ang sinabi niya.
"Anong sabi mo?"
"Hayysssstt! Ang sabi ko sorry!" Sigaw niya..
"Bat ka nagsosorry sakin? atsaka bakit ka ba nasigaw? Hindi ka ba makausap ng matino? "
"Ikaw naman kasi! You're accusing me sa mga bagay na hindi ko naman ginawa! I was joking around that time para inisin ka lang. Yun lang. Hindi ko alam na may pagkakitid pala ang utak mo kaya tinotoo mo ang mga sinabi ko." May pagkafrustate niyang sabi sa akin habang nakakunot ajg kaniyang noo.
"Eh toto-"
"Makinig ka nga muna sa akin Zhie! I'm trying my best para makapagpaliwanag pero sabat ka nang sabat. Pakinggan mo nga muna ako."
Huminga ako ng malalim bago muling binaling ang tingin sa kaniya.
"Sige magpaliwanag ka"
"Ok eto na..ganto kasi yan..hindi dapat ako nagpapaliwanag sa iyo eh pero hayysstt ewan ko ba kung ano ang nagyayari sa akin"
"Pwede bang diretsuhin mo ako Gray..ang gulo mo kasi eh.."
"Ok ito na talaga. Yung mga sinabi ko sa iyo noon..na may nangyari sa atin...mali yung akala mo don. Hindi yun totoo. Wala talagang nangyari sa atin. Sinabi ko lang iyon para mainis ka pero ayun na nga, masyado kang nag over react kaya ang akala mo na talaga na nag ganon tayo..asa naman na papatulan kita noh! Atsaka kung ginawa ko man iyon..edi sana masakit yung tagiliran mo kasi nga diba sabi mo birhen ka pa?" Ngisi niyang sabi..
"Eh bakit ako nakahubad non? Pinagnanasahan mo ba ako!?"
"No way! Hindi kita pinagnanasahan noh! Kaya ka nakahubad kasi natapunan yung damit pati pantalon mo ng caldereta na dala dala ng maid namin...tinamad na akong bihisan ka kaya nakatulog narin ako dahil sa pagod sa pagpapractice..oh ano malinaw na ba ang lahat?"
Kita ko naman na totoo ang mga sinasabi niya..siguro nga nagover react lang ako..hayyss ang tanga mo talaga zhiee...hindi ka nag iisip . Kahit pa may pagka-lame ang paliwang niya na para bang hindi kapani-paniwala ay wala na akong magagawa pa. Ayoko namang mag-assume kasi nga siya na mismo nagsabi non.
"Ahh oh ayun naman pala sige na..thank you at nalinawanagan narin ako...sige alis na ako hah?" Sabi ko dahil pahiyang pahiya ako nang oras na iyon...
"Where do you think you're going? Hindi pa ako tapos sa iyo"
"Ano na naman ba!? Wala na akong atraso sayo! Ano pa bang gusto mo!?"
"Hmm, i just want to make friends with you. Kapalit ng pag-aakusa at sa mga ginawa mo saken.
"Ikaw? Kaibiganin ka? Hahahaha nagpapatawa ka yata Mr. Oxford.. sa iba na lang wag ako" sabay walk out ko sa unahan niya at agad pumunta kina ate Ghie at i know na pagagalitan na naman ako non dahil late ako...
Bago pa ako makaalis ay narinig ko pa siyang may sinisigaw...
"Magiging kaibigan din kita Zhie! Tandaan mo yan!"
Utut mo! Ayoko nga sa iyo... MANIGAS KA GUNGGONG!
Bilangin mo muna ang mga bituin sa langit bago mo makuha ang oo ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)
RomancePaano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan o susuko ka na sa labang hindi naman talaga pinahalagahan? Tunghayan si Zhie sa kaniyang naging kar...