Gray's POV
Halos manlumo ako sa mga sinabi ni Zhie nang naabutan ako niyang nakikipaghalikan sa ibang babae... ayaw ko sanang gawin yon pero yun yung sabi ni Joseph sakin para daw wala nang mamagitan sa aming dalawa..
Oo, ako ang nanalo sa pustahan... nakuha ko na rin ang mga sapatos na gustong gusto ko.. pero kahit ganon, hindi parin ako masaya kasi pinakawalan ko siya... bat kasi ang tanga mo Gray! Pinagpalit mo siya nang dahil lang sa lintek na sapatos na yan! Ang gago gago mo talaga!!
Matapos ang mga kaganapang iyon ay kumalat agad ito sa buong eskwelahan... karamihan sa kanila ay naawa kay Zhie dahil isa siya sa mga mababait at matalino dito sa university... maraming nagalit sa akin at hindi ko iyon itinatanggi...
Nalaman din ni mommy ang nangyari at ayun, sinampal niya ako nang dalawang beses at hanggang ngayon, hindi parin niya ako pinapansin... kasalanan ko kasi toh.. nangako ako na hi di ko siya sasaktan pero sa una pa lang, alam kong masasaktan at masasaktan siya..
Dumaan ang ilang mga araw ay walang nagpaparamdam na Zhie sa university o kahit sa room niya.. lagi akong napunta doon tueing umaga pero ang sabi ng mga classmates niya ay simula nang mangyari iyon ay hindi na siya pumasok..
"Brad, pumasok na ba si Zhie, diba kaklase mo yun?"
"Ahh oo kaklase ko nga si Zhie.. hindi pa rin siya napasok pre... nag aalala na nga kami pati na rin yung ibang teachers kasi siya lang ang kaisa isang active sa classroom.. at sa pagkakaalam ko.. magdadrop out na daw siya kasi lilipat daw sila ng bahay.. yun yung pagkakaalam ko.."
"Mag dadrop-out..ba-bakit naman?"
"Alam mo naman yung sagot diyan pre... ikaw kasi nagpahuli ka pa..ayan tuloy nasaktan si Zhie.. tapos ngayong wala na siya.. hahabul-habulin mo? Oh sige pre, may klase pako.." sabi niya sabay pasok ng room nila..
Umalis na lang din ako at hindi na pumasok sa mga klase..
Zhie's POV
"Ok ka na ba Zhie? Gusto mo bang kumain?" Tanong ni Drew na nandito sa bahay..
"Ok na ako Drew...thank you talaga sa pagtulong sa akin...atasaka pumasok ka na.. may klase pa oh.."
"Hindi kita iiwan saka ngayon pa na nalaman kong aalis ka na pala.."
Oo, totoong aalis na kami, dapat nga dati pa kasi natanggap si nanay don sa Japan bilang Assistant Manager sa isang sikat na kompanya.. mayron na din daw kaming tutuluyan kung sakaling doon na kami manirahan.. sadyang humihindi ako kapag yinayaya ako noon ni nanay kasi nga kami pa ni Gray, pero ngayon...buo na ang desisyon ko.. sasama na ako kay nanay para makalimit at para mahanap ko ang sarili ko...
"Ahh Zhie may sasabihin din pala ako sa iyo.."
"Ano yun Drew?"
"Wag kang iiyak ha promise?"
"Bakit nga!? Hahaha"
"Tingnan mo toh.." sabay pakita niya sa akin ng cellphone niya..
Joseph Blanco is feeling sad.
Hayysstt! Natalo ako sa pustahan namin ni Gray! Ang bilis kasi mahulog yung baklang napagpustahan! Akala ko pa naman hindi easy to get...wala rin naman palang pinagkaiba sa ibang malalanding bakla..
#walanangsapatos
#talo"So... ibig sabihin..."
"Oo zhie, tama yung nakita mo. Pinagpustahan ka lang nina Gray kapalit ng napagkasunduan nila. Alam kong mas masakit yung nararamdaman mo ngayon pero tatagan mo lang hah? Huwag mo na iyang dalhin sa pag-alis... at dapat, kapag bumalik ka dito, dapat mas matapang ka na kesa sakin hah?"
"Oo naman, ako pa? Kaya ko toh.." sabi ko at doon na nagtuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha..
"Drew, wala nang mas sasakit ang ipinaranas sakin ni Gray.. ayoko na yung ako yung nahihirapan.. kailangan ko na siyang ibaon sa limot.." sambit ko habang yakap yakap ni Drew..
"Yan ang gawin mo Drew, ayaw ni Tita na makita kang ganyan... pati ako ren..."
"Hayaan mo Drew..last na toh..last na iyak ko na toh! Pramis"
Ito na talaga ang huli, pangako kong hindi na kita iiyakan gago ka!
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)
RomancePaano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan o susuko ka na sa labang hindi naman talaga pinahalagahan? Tunghayan si Zhie sa kaniyang naging kar...