HTP:13

2.9K 132 3
                                    

Zhie's POV

Makalipas ang ilang araw, tinotoo nga ni Gray ang pagligaw niya sa akin.. at dahil don, ayunn, napasagot na niya ako at officially boyfriend ko na siya..

Tuwang tuwa nga siya nung sinagot ko na siya habang nakain kami non sa labas... masaya din ako dahil mali ang pagkakakilala ko sa kaniya..

Masaya ako dahil everytime na magkasama kami ay para bang nakukumpleto ang araw ko. Hindi rin ako nakaligtas sa mga banat niyang ikinangingibit ng aking puwetan.

Pero agad din naman palang matatapos ang mga masasayang araw na iyon. Ang ironic mang sabihin pero totoo nga ang kasabihan—kasunod ng kasiyahan ay ang matinding kalungkutan. Worst, mararamdaman mo na lang na parang gumunaw ang mundo mo dahil ikaw mismo nakasaksi ng panggagago niya.

Papasok na ako ng university at kaagad kong nakita si Drew na natakbo papalapit sa akin. Nginitian ko siya sabay kinawayan.

"Oh Drew, ang aga mo naman ata? Goodmorning" maligalig kong banggit sa kaniya habang nakatingin sa daang tinatahak.

"Zhie, may kailangan kang malaman..."

"Oh ano yun? Don na tayo sa room mag usap..ayy wait puntahan ko lang si Gray hah?"

"Waggg!" Agad niyang pigil sa akin..

"Bakit naman?"

"Ahh ehh kasi may pag uusapan kasi tayo..ahh yun tama! Oo nga may sasabihin ako sa iyo pero sa room na...halika na" agad niyang pigil pero hinawi ko yung kamay niya

"Ano ba Drew! Para kang engeng! Saglit nga't titingnan ko lang si Gray.." sambit ko sabay lakad papuntang building ni Gray..

Narinig ko pang sumisigaw si Drew na huwag eh bakit naman? Akala mo naman na may tinatago siya..

Pumunta ako sa departamento nina Gray at kaagad umakyat sa 2nd floor. Nasa pinakadulo ang kaniyang room kaya naman ay mabilis ko iyon pinuntahan oara narin makabati sa kaniya.

Napangunot ako dahil sarado ang pintuan. Nagtaka ako dahil mag-aalasiyete na at dapat marami nang estudyante rito. Kumatok ako ng tatlong beses pero bigo akong makatanggap ng respunde.  Kaya naman, pinihit ko ang senedura at napag-alamang bukas ito. Binuksan ko ang pinto at ang unang bumungad sa akin ay ang babaeng nakahubad na siyang nakapatong sa lalaki na nakahiga sa lamesa.

Napatigil sila sa kanilang ginagawa nang mapatingin sa aking gawi. Kusang nagsibagsakan ang aking luha kasabay ng aking gamit nang mapag-alamang si Gray pala ang kakuntsaba niya. Kita ko ang pagkabigla at pagkamutla ng kaniyang mukha sabay inalis ang babaeng nakadag-an sa kaniya. Tumakbo siya palaput sa akin at kaagad akong sinalubong ng yakap. Halos manlumo at mandiri ako sa kaganapang ito. Tinulak ko siya at kaagad binigyan ng isang sampal.

Paaaaakkkkk!

"T*ng ina mo Gray! Mangloloko ka na nga lang, linalantad mo pa sa lahat ang kakatihan mo!"

" zh-zhiee, ma-mali yung nakita mo.. pwersahan niya akong hinalikan at yun yung naabutan mo.. zhie, please...maniwala ka.." nakaluhod niyang sabi sa akin habang hawak ang mga kamay ko..

" pwersahan? Pwersahang hinalikan pero ikaw yung gumagalaw.. wow hah! Huli ka na pero nagdadahilan ka pa!" Sabay hawi ko ng mga kamay ko..

"Please Zhie, maniwala ka naman oh!"

"Maniwala? Ngayon pa na kita ng dalawang mata ko ang panggagago mo!? Gray kakasimula palang natin for fuck sake! sabi ko na nga ba sa sarili ko, hindi na dapat ako pumatol sa isang kagaya mong manloloko..hindi ka na talaga magbabago Gray. akala ko kasi kaya ko... Kaya kong baguhin yung ugali mo pero hindi pala..talo ako.. talo ako Grey.. " lumuluhang bigkas ko

"Zhiee wag namang ganyan. It's just a show. I need to do this dahil m-may pustahan kami ng kaibigan ko. But hindi ko na tinuloy Zhie... kasi totoong nagugustuhan na kita. Please, believe me. Wala na akong choice kasi kung hindi ko ito gagawin ay siya yung mananalo samin. I can't afford to lose my car."

Sa mga katagang iyon ay para bang mas pinipiga pa ang aking puso. Hindi ko maimagine na mas mahalaga pa pala sa kaniya ang materyal na bagay kaysa sa pinagsamahan namin. Mukhang ako lang pala talaga ang nag-assume... nag-assume na totoo ang lahat. Na totoo ang lahat ng ipinapakita niya sa akin. Kaya pala sa una pa lang ay duda na ako kung bakit nakipagkaibigan siya sa akin dati. Alam ko at nararamdaman ko na may motibo siya pero ipinagsawalang bahala ko. Ang tanga-tanga ko!

"Edi lumabas din ang katotohanan! Shit ka Grey! All this time, ginamit at pinaglaruan mo lang pala ako? Congratulations. Congratulations dahil ikaw ang nanalo sa p*tang inang pustahan niyo! Ito ang tatandaan mo Grey, hinding hindi na ako magpapaloko sayo.. oo galit ako sa ginawa mo, pero ayokong magtanim ng sama ng loob...Mabait ako pero sobra na... hanggang dito na lang tayo kasi TAPOS NA TAYO! Mabilis tayong nagsimula kaya mabilis din tayong natapos...diba ang tanga ko Gray? Tutal nagpapakasasa ka naman jan...sige ipagpatuloy niyo na..sorry kung naabala ko kayo.."

"Zhiee Huwag! Hindi ko kaya please! Im so sorry...please wag mokong iwan!" Iyak niyang sabi habang nakapulupot ang mga kamay niya sa mga tuhod ko..

"Pwede ba Gray huwag na tayong maggaguhan dito! Ang sabi ko tapos na tayo! Niloko mo ako at hindi na ako makakapayag na muling magawa mo toh sakin! Gray ang sakit sakit dito alam mo ba iyon!?" Sabay turo ko sa kanang dibdib ko..

"Kaya please, pakawalan mo nako kasi hindi ko narin kaya. Hindi ko na kayang magbulag-bulagan at isiping hindi mo ako niloloko sa umpisa pa lang. Hindi ko lang matanggap na ganitong paraan tayo magkakasiraan. Sana hindi na lang kita nakilala para hindi ako umiiyak at nagsisisi sa mga kabobohang ginawa ko sa buhay ko ngayon." Halos wala nang emosyon ang namutawi sa aking mukha dahil sa sakit ng aking nararamdaman.

Agad dumating si Drew at kaagad akong inalalayan.. umalis na kami sa lugar na iyon at umabsent kaming dalawa sa araw na iyon...

Masakit pala talaga na ikaw mismo ang makahuli ng panggagago ng minamahal mo.. parang tinatarakan ng maraming kutsilyo yung likod mo dahil hindi mo namamalayan na ginagago ka na pala niya.. pilit ko lang talagang tinatagan ang loob ko kasi ngayon lang ako pumasok sa isang relasyon..at don din pala ako unang masasaktan...

"Pinapangako ko sa sarili...hindi na ako magmamahal ng lalaki.. mamatay nang walang kasama atlis hindi na ako masasaktan pa..." mga katagang sinabi ko habang nasa biyahe ako..

Wala na tayo Gray..walang wala na...

Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon