Zhie's POV
Ngayon ang araw ng Splash Event kaya todo aligaga ang mga officers sa pareregister ng mga students sa mga inihandang activities. Ako naman, ayun nakapagparegister na sa singing club at tatawagin na lang daw ako sa room kapag auditioning na. Mukhang maiihi yata ako sa takot mamaya dahil baka mapiyok ako sa sobrang kaba.
Kasalukuyan kaming kumakain ni Drew sa canteen at nararandaman ko ang pagtitig ng ilang estudyante dito. Ikaw ba naman ang may makasama na pogi at maputi, hindi ka ba maglalaway? Pero ako hindi ah! Totally immune na po ako sa pagmumukha niya.
"Ahh, Drew naiilang ako.."
"Bakit naman?"
"Hindi mo ba napapansin? Ang daming nakatingin sa atin.. sa iyo lang pala..tara alis na tayo"
"Dito lang tayo Zhie ano ka ba.. atsaka ayaw mo nun? may kasama kang hearthrub ng school" sabay taas baba ng kaniyang kilay
Ako naman itong napataas ng kilay dahil sa kahanginang taglay niya. Ang sarap ngang magpalipad ng saranggola sa noo niya eh.
"Ikaw hearthrub? Weh? Is it real? ngayon ko lang nalaman yan ah? thank you sa pag inform.." asar ko sa kanya sabay subo ng carbonara.
"Aba mukang hindi mo nga ako kilala Mr. Corpusz. Ang kasama mo lang naman ay ISA sa mga heartthrob ng school na pinapasukan mo" pagmamayabang niya ren.
"Edi kung ISA ka sa heartthrob ng school, edi ibig sabihin hindi lang ikaw ang may hawak ng titulong iyan?"
"Abay malamang! Actually, dalawa kami kaya marami-rami din akong fans.. atsaka wag ka ngang maarte buti nga nagkaroon ka ng gwapong kaibigan eh. Lamang lang siya ng kaunting paligo at kuskos sa katawan. May balak nga akong magpa-spa para mahigitan ko siya."
"Oo nalang. Pero sino ba yung isang tinutukoy mo?" Intriga kong tanong
"Akala ko ba wala kang interesadong makilala kami? Bakit ngayon parang nagdadalawang isip ka dahil tanong ka ng tanong?"
"FYI Drew, curiosity and instinct lang ang pinapagana ko ngayon. I just wanna know kung sino ang katapat ng bestfriend ko noh? Nakamamatay na ba kapag nalaman ko yun?"
Napatango naman siya at muling sinubo ang kaniyang kinakain.
"Ok naniniwala na ako sayo. Well, siya yung anak ng may ari ng pinapasukan naten,si Grey Oxford... medyo chickboy yon pati papalit-palit ng girlfriend.. ang pagkakaalam ko eh araw-araw paiba iba. Siguro kakaibiganin ko rin iyon minsan para maturuan ako kung paano maging makamandag."
"Grabe naman yun. Halang na yata kaluluwa non."
"Ayy wag kang masyado Zhie...kahit ganon yun eh hindi mo parin maitatangging gwapo yun..tingnan mo kapag nakita mo siya..baka mabingwit ka hahaha"
"Sus spell A.S.A.. ngayon pa na nalaman ko yung ugali niya..hindi na noh! No thanks! Kahit kaming dalawa na lang matira dito sa mundo, never ever ko siyang papansinin...baka nga pudpod na yung labi non sa dami na ng babaeng naging karelasyon niya.."
"Tingnan natenn. Huwag magsalita ng hindi tapos."
"Hayysstt ewan ko sayo Drew! Kumain ka na nga lang at tatawagin na ako mamaya para mag audition.."
As if magugustuhan ko kung sino naman yang Gray na yon. I have no time para magsayang ng oras sa kaniya kakatili at maghabol. Iniisip ko pa lang na gagawin ko iyon ay parang mas gugustuhin ko pang magbigti. Saved my words. Hindi ako naputol sa sinumpaan ko.
BINABASA MO ANG
Hindi Tayo Pwede ✔ (UNDER REVISION SOON)
RomancePaano kung malaman mo na pinagpustahan ka lang pala ng mahal mo sa isang bagay? lalaban ka pa ba kahit alam mong sa simula ay wala itong patutunguhan o susuko ka na sa labang hindi naman talaga pinahalagahan? Tunghayan si Zhie sa kaniyang naging kar...