2

8 1 0
                                    

Chapter 2.

@ Seoul University.

Rośe Pov.

Andito kami ngayon sa may puno sa likod ng isang bakanteng classroom.Hinihintay namin,yung pinsan kong may sira sa ulo.Hahaha,ibig kong sabihin maluwag ang turnilyo sa utak.Pfffft,pssh lang kayo baka masapak ako nun.Sa totoo lang nagsisimula na talaga yung klase namin pero heto kami nakatambay.Tsk,wala namang bago dun,umaatend lang kami ng klase kapag gusto namin.Kinakatakutan ang grupo namin dito sa loob at labas ng nitong school na to.Walang sumisita samin o di kaya naman nagsusumbong.Huh!Takot na lang nilang makapasok sa judgement room.May isang classroom kasi dito sa loob ng University na ginawa naming judgement room kung saan lahat ng kumakalaban samin hinahatulan.Hindi kami gangster na sagad sa buto ang kasamaan,mababait naman kami eh.Nakikinig kami sa mga lessons,sumusunod kami sa mga professors namin.Yun nga lang pag gusto lang namin.

"Where did she go?Antagal naman nya?".reklamo ni Sehun.

Kanina pa tong reklamo ng reklamo eh pati na rin tong iba pa naming kasama.Paano ba naman usapan 7:30,9:00 na wala pa rin sya.San na naman kaya nagpupunta yun?Habang hinihintay namin yung pinsan ko ipapakilala ko muna sa inyo ang grupo namin.Tinatawag nila kaming Triple H stands for Hot Healer Heart.May motto pa nga kami eh,

"We did not broke hearts,we heal it".

5 kaming myembro.First member is si Oh Sehun,dito talaga sya nakatira sa Korea.Tahimik lang sya misteryoso,parang si Tzuyu.Galing naman sya ng taiwan.Transfer student,seryoso sa buhay.Minsan lang ngumiti at kung di nyo naitatanong she's a professional IT student.Halos alam nya lahat about technology.

"Ahhhhhhhhh!!!Bakit?Bakit nya ko iniwan".Baekhyun said.

"Pwede ba Baek,manahimik ka nga.Wala namang nang iwan sayo,remind ko lang sayo.Wala kang jowa".pang aasar ni Tzuyu dito.

"Bakit masama bang gamitin ang imagination?Hayyysst,panira ka talaga Tzuyu ah".

He's our third member Byun Baekhyun.Sya ang pinakamaingay,pinakamakulit,pinakamadaldal,pinakatsismoso at higit sa lahat feeling may jowa kahit wala naman.Why?Torpe kasi.

And then next is me.Yeah that's me!Transfer student lang din ako dito sa Seoul University.The truth is,taga Australia talaga ko nalipat lang ako dito because of Dad.Punishment nya sakin kasi palagi ko syang sinusuway noon.And last,yung hambog naming leader si Lisa.Transfer student sya from thailand.Magkapatid yung Dad namin that's why magpinsan kami.Kakalipat nya lang last year pero nakontrol nya na agad ang buong University.Kahit mga professors takot sa kanya.Nung una,hindi talaga kami magkasundo nyan.Magkaaway kasi yung Dad namin.Paano ba naman matino yung Dad ko tapos yung Dad nya hambog.Hahahah,joke yung Dad ko talaga yung hambog tas yung Dad nya police officer.

"Woooah!!At last dumating rin ang pa vip".mahinang sambit ni Sehun.

"Hey!Hey!Guys!Whatch up,whatch up".Nakipag kamay sya samin like she's welcoming her visitors on her own company.Haysst,nangarap na naman ang bwiset.

"Yah!San ka ba galing?Kanina ka pa namin hinihintay dito".seryosong sambit ni Tzuyu.

Sa halip na sagutin ito,tiningnan nya si Tzuyu ng nakakunot noo at pinatong sa balikat nya ang jacket na dala nya.Pagpasensyahan nyo na ganyan talaga yan maluwag ang turnilyo sa utak.

"What did you said?Im not understanding you.Talk me in English".Trying hard sa pag english si ulol.

Ano kayang nasinghot nito at panay ang english.Eh ayaw na ayaw nya nga kong nagsasalita ng english .Sabi nya papalayasin nya daw ako sa Korea pag nag english pa ako sa harapan nya.

"Hey you!!".napatingin ako sa gawi nila ng mapansin ako nitong pinsan kong ulaga.

"Why are you ahmmmm........hmmmmm.....ano nga yun? quittly?".tanong nya sa akin.

Sa tingin ko,sasakit na naman ulo ko dito.

"Huh?Anong quittly?". Quittly?Gumawa na naman ng sariling vocabulary words tong lokong to.

"Quittly?Hayysst!!!Ano ka ba naman.Quittly,yung ano.Tinamaan ka naman ng lintik oh,your explaining to me pa.Yung quittly, tahimik, quittly.Ang bobo naman".Sira ulo talaga sinisi pa ko.

"FYI,lang po ah.Quietly po yun hindi quittly".pagtatama ko sa kanya.

"Parehas na rin yun!".kahit kelan talaga hindi papatalo tong bwiset na to eh.

"Sana parehas na lang din yung feeling namin sa isa't isa.Para hindi ako ngayon,nag iisa".sabat ni Baekhyun.

Sya yung barkada naming bigla bigla na lang nabobroken at huhugot na akala mo totoo na.

"Oh my goodness".She went to Baekhyun and tap him on shoulder.

"Your heart is booming".Booming?Pinagsasabi nito.

"Hoy Lisa!San ka ba talaga galing?".tanong ko sa kanya para matigil na sya sa mga kadramahan nilang dalawa ni Baekhyun.

"I don't understand your languaging,spoken in English".Aba talagang sinusubukan ako nito ah.

"Ok fine.Then I'll speak in english.Now,tell me where did you go?7:30 is the time that you gave us right?Then why did you came here late?What did you do in almost 2 hours?".

Nakatingin lang silang lahat sakin.Always same reaction kapag pinapakita ko yung special skills ko.Walang masabi,nakanganga.Oh ano kayo ngayon eh di tahimik kayo.I notice Baekhyun get his bag kasunod nun si Tzuyu at Sehun na sabay ng umalis.Problema ng mga to??

"Hoy guys san kayo pupunta?Hintayin nyo kami".I was about to get my bag ng mapansin ko si Lisa.She's glaring at me and that demonic smile.Gosh!!I need to go!!

DareWhere stories live. Discover now