Chapter 17.
Nang makarating sa hospital kung saan natagpuan ang kotse ni Jennie.Agad nilang hinanap kung sino ang kumuha nito.Nanatili lang sila sa labas kasama ang ilan sa mga tauhan ng Daddy ni Kai na naghihintay sa kung sino ang sasakay sa kotse ni Jennie.Matapos ang mahabang paghihintay lumabas rin ang mga ito.
"Bro!!Ang cute nung baby no kamukha ko".sambit ni Baekhyun sabay pout.
Pero agad rin namang napasimangot ng hampasin sya ni Rośe ng bag ni Lisa na hawak nito.Apat lang silang lumabas wala si Lisa nagpaiwan pa kasi ito sa loob.
"Baek,magtigil ka nga!Anong kamukha mo eh parehas na parehas kaya kami ng ilong di mo ba nakita ah".sabat naman ni Rośe.
Nagpatuloy lang sa pagtatalo ang dalawa,samantalang sina Sehun at Tzuyu napapailing na lang sa ginagawa ng mga ito.Natigilan na lang sila ng paglapit nila sa sasakyan ay nilapitan sila ng mga tauhan ng Daddy ni Kai at agad pinaligiran na syang pinagtaka ng mga ito.
"Anong kailangan nyo?".kunot noong sambit ni Sehun.
"Naghahanap ba kayong gulo ah".Inilapag ni Rośe ang dala nyang bag sa ibabaw ng kotse at inihanda ang sarili.
"Ano ah!Palag kayo ah?".
"Sakto.Mainit pa naman ulo ko.Di pa ko nakakaganti.Excited na tong kamao ko".sambit ni Baekhyun habang nakatingin sa kamao nya.Napaurong naman ang mga ito sa takot sa Triple H.
"Guys calm down,let them tell us what they want".awat ni Tzuyu sa mga ito.
Pero sa halip na makinig ay tinakot pa nila Rośe ang mga ito.Dahilan para magsitakbuhan sila palayo.
"Hays,mga takot na pala kayo eh".sambit ni Baekhyun.
"Hahaha tama na yan, let's go guys". Rośe open the car door at papasok na sana sila sa loob ng mapansin nila si Kai na papalapit sa kanila kasunod si Jennie.
"Ang lalakas talaga ng loob nyo ah!!".malakas na sambit ni Kai habang papalapit sa kanila.
"Oh Misis ni pinsan,hahaha good afternoon ma'am".bati ni Rośe kay Jennie.
"Maganda na sana hapon ko,kung wala tong Mr.Nerdy boy na to".ani Baekhyun.
"Anong ginagawa mo dito?Siguro may masama ka na namang balak samin no".tanong ni Sehun dito na agad naman nitong sinagot.
"Wow!Ako pa talaga yung may masamang balak sa inyo.Hahaha,alam nyo kung dati akala ko pangbubully at pananakit lang ang ginagawa nyo.Di naman ako na inform na pati pala carnapping pinasok nyo".Mabilis na nag init ang ulo ni Rośe ng marinig ito ganun din si Baekhyun.
Samantalang si Sehun nakakuyom ang mga kamay at nagpipigil ng galit dito.
"Hmm,di naman nakakapagtaka sigurado ako yung leader nyo ang nagturo sa inyo nito ano?".dagdag nya pa.
Sa pagkakataong yun hindi na napigilan ni Rośe ang inis dito.Agad nya itong hinawakan sa may damit at pasandal na itinulak sa isang poste sa labas ng hospital.
"Alam kong may masama kang balak kay Lisa.Pero ito yung tandaan mo hinding hindi na kami papayag na masaktan mo ulit sya naiintindihan mo ha!".galit na sambit ni Rośe.Ngunit nginitian lang sya nito na lalong nagpainis dito.
"Tama na tumigil na kayo".pag awat ni Jennie dito.
Pero sa halip na tulungan sya ng Triple H na awatin ito ay si Rośe pa ang tinulungan ng mga ito.
"Hey bro,ako naman".pagbitaw ni Rośe dito ay agad syang sinuntok nila Sehun at Baekhyun.
Tuloy pa rin sa pag awat si Jennie pero di naman nya ito mapigilan.Samantalang si Tzuyu nakasandal lang sa may kotse at pinapanuod ang mga ito.
"Ano ba tumigil na kayo!".sigaw ni Jennie.
"Awatin mo sila".utos ni Jennie kay Tzuyu.
"Walang makakaawat sa kanila kundi si Lisa.Kung ako sayo pupuntahan ko na sya ngayon pa lang.2nd floor incubator area".sagot nito.
Humingi sya ng tulong sa mga guard na nandun pero sino man sa kanila ay ayaw makialam.Kaya napag desisyunan nyang pumasok na sa loob ng hospital para hanapin si Lisa.Pagkapasok nya sa loob hindi na nya hinintay ang pagbukas ng elevator at naghagdan na lang papunta sa 2nd floor.Pagkarating sa 2nd floor agad nyang hinanap si Lisa.Nang mapagawi sya sa may incubator area nakita nya si Lisa sa loob.Nakasuot ng pangdoctor na suot at mask.Nakatingin lang sya sa baby na nasa may incubator at pilit na pinagmamasdan ito.Hindi man halata na nakangiti ito dahil sa mask pero mapapansin sa mga mata nito na masaya sya.Pinagmasdan lang ni Jennie ang ginagawa nito at halos nakalimutan nya na ang nangyayari sa labas.Pakiramdam nya ibang Lisa ang nakikita nya ngayon iba sa Lisa na nakilala nya.Maya maya pa hinawakan ni Lisa ang kamay ng baby atsaka pumikit na wari'y nagdadasal.Pagmulat ng mga mata nya nakita nya si Jennie na nakatingin sa kanya.Agad na nagbago ang mga kilos nya at nagmamadaling lumabas para puntahan si Jennie.Nataranta naman si Jennie ng makitang palabas ito.
"Misis ko".bungad na sabi nya habang nakangiti.
"Ah hmm Lisa?".muli syang tumingin sa loob na agad namang naintindihan ni Lisa.
"Hmm anak natin".turo nya sa baby mula sa loob.
"Ha?".takang tanong ni Jennie dito.
Sasagot na sana ito ng may lumapit na nurse sa kanila at tinanong sila."Hmm,Ms Jennie Kim?".
"Ahmmm,nurse sya yun.Misis ko pala".Napakunot noo na lang si Jennie ng iabot sa kanya ng nurse ang isang papel at pinapirma sya dito.
Wala namang nagawa si Jennie dahil pinipilit sya ni Lisa."Hmm thank you Ms.Kim congrats po".matapos nitong sabihin yun ay umalis na sya.
Patawa tawa namang tiningnan ni Lisa.
"Wha...what congrats??Ha?Ano bang nangyayari??Ano yung pinirmahan ko?".naguguluhang tanong nya.
"Hmm yun ba? Birth Certificate ni Baby Yexel".hinila nya si Jennie at isinuot ang mask na suot nya kanina dito."Lika papakilala kita sa baby natin".
"Baby?Wait,teka lang Lisa.Ano,ha?Ahhhh!! Ano ba talagang nangyayari??".