23

13 0 0
                                    

Chapter 23.

Lisa Pov.

Ang tagal naman mag uwian naiinip na ko dito.Gusto ko ng masolo si Jennie naiinis na ko sa mga kaklase kong to eh panay pagpapansin sa asawa ko.Di na sila nahiya sakin nakikita naman nilang nandito ako.Kanina pa ko taas ng taas ng kamay dito para sumagot sa mga tanong nya.Pero di naman nya ko pinapansin,nagtatampo na talaga ko dito sa asawa ko.Hmm,hindi ko sya papansin mamaya tsk.

"Hoy Lisa,anyare sayo bat nakasimangot ka?".tanong nitong pinsan ko.

Kanina pa rin ako nabibwiset sa mga to.Tawanan sila ng tawanan wala namang nakakatawa.Ang ingay ingay nila nakakabingi na."Arrrgh,tumahimik nga kayo".saway ko sa kanila.

"Oh hahahah anong nangyare sayo?Bat biglang bad trip ka ata".muling tanong nya.

"Paano kasi kanina pa sya di pinapansin ni Ms.Kim".sabat nitong Sehun na to.

"Pwede ba,magsitahimik nga kayo!!".inis kong sambit sa kanila.

"Bwuahahaha!!Ms.Kim asawa mo nababadtrip dito.Di mo kasi pinapansin".Sumbong ni Rośe.Napatingin sya sa may gawi ko,pero sinimangutan ko lang sya.Tuloy lang sya sa pagtuturo about dun sa lesson nya.Ay ewan,ang gusto ko lang naman matutunan nyang mahalin ako.

"Hmm?Lisa?".tawag nya sakin pero di ko pa rin sya pinansin.

"Yiiieee,tawag ka pinsan".Tinulak tulak ako ng mga bwiset na to para asar asarin ako.Hindi ako naasar naiinis ako sa kanila,dahil sa tuwing kinikilig sila nagiging drummer sila hampas kabi kabila.

"Hoy Lisa!Tinatawag ka ni ma'am.Pansinin mo naman".dagdag pang pang aasar ni Tzuyu.

"Lisa?".muli nya kong tinawag pero hindi ko pa rin sya pinansin.Kala mo ah,kanina ayaw mo kong pansinin ah.Bahala ka dyan.Kung gusto mong pansinin kitang ikaw na Ms.Kim na napakasungit ka lambingin mo ko.Bahala ka dyan,hinding hindi kita papansin.

"Yah Lisa!".sigaw nya.Pero di pa rin ako natinag.Tsk,matibay to no.Di porket alam mong may gusto ko sayo eh di mo na ko papansinin.Alam ko namang mamimiss mo ko agad eh,at di ka rin makakatiis na di ako kakausapin.Ikaw rin Jennie Kim,mawalan ka ng napakagwapo,at matalinong asawa baka magsisi ka.

"Ok fine.Sa iba na lang ako magtatanong Mr..........".Sa pagkakataong yun ay agad akong tumayo at inis syang sinagot.May sinabi ba kong di ko sasagutin yung tanong nya.

Hayst,ang bilis naman nyang maghanap ng iba."Ano ba yung tanong mo ah?".

"Hahaha kala ko matitiis ni hiccups,hindi rin pala.Wuaahaha,marupok!".rinig kong sambit ni Baekhyun.

Yung hiccups na yan naiinis talaga ko pag may tumatawag sakin nun.Ito kasing si Eomma eh,matagal na ngang walang nakakaalam ng palayaw kong yun sinabi pa kay Jennie ng minsang mapapunta sya sa bahay.Hahaha,akala nyo ah,sabi sa inyo sya nanliligaw sakin eh.3 beses sa loob ng isang linggo sya dumadalaw sakin.Oh diba,hindi ko pa man sya asawa bantay sarado na agad ako sa kanya.Nakakainis lang kasi kahit na nasa bahay ko na sya di ko naman sya maentertain kasi sobrang strict ni Eomma pagdating sakin.Madalas ang kausap nya si Eomma.Kaya ayon,nalaman nya ang isang sikretong matagal ko ng tinatago at yun ang ginagamit nilang pang aasar sakin ngayon.Sweet naman sa misis ko pero pag sa Triple H arrrggh nakakadagdag problema.Ang totoo nyan sa tuwing nagsisinungaling ako,nung bata madalas akong sinisinok kaya tinawag nila kong hiccups.

Balik tayo sa tanong ng magandang binibini nasa harapan ko.Seryoso lang syang nakatingin sakin,hindi dapat ako nagsalita ng ganun sa misis ko.Kaya tinawag ko sya na may malambing na boses sa pagtawag ng ngalan nya."Hmm,Jennie".

"Yes?".mabilis nyang sagot habang nakatingin sa activity na ginawa namin.Nag volunteer na kami na ang magrereport pero sabi nya sya na magdidiscussed.Hays,ayaw na ayaw nya talaga kong nahihirapan.

"I do".mga salitang lumabas sa bibig ko.

Nagsigawan ang buong klase,syempre lalo na ang Triple H.Itong pinsan kong to panay ang tulak sakin pag ako nabwiset bibigwasan ko to ng isa.Kinikilig na ko dito tapos sya istorbo.

"Hmm,nagtataka lang ako why no,ang sagot ng group mo sa bonus question.Lahat ng group yes and then yung group nyo lang yung naiiba.I want to hear some explanation".Special kasi ako kaya kakaiba.Special sa puso nya yiiiieee.....Hahaha yung bonus question na yun.Suggestion yun ni Baekhyun at sya pa mismo ang nag isip ng tanong.Walang kwenta yung tanong,kaya basta ko na lang sinagutan.At sino ba namang loko loko ang magtatanong sa katulad kong matalino ng walang kwentang katanungan.Bonus question,Do you believe that true love is the reason why we hurt too much?Yes or no?.Anong klaseng tanong yun,napaka walang kwenta naman.Sino ba namang sira ulong maniniwala na ang straw ay mahal,love?Tama diba.Ang galing ko talagang mag english.Woaah iba talaga pag genuine.Oh dun nga sa tanong nya.Naniniwala ka ba na ang straw ay mahal at ang rason ay ang pusong dalawang posporo?Oh diba napakawalang kwenta yung tanong nya kaya no ang sagot namin.

"No ang sagot namin dahil mura lang naman ang straw at wala namang kwenta yung tanong nya".paliwanag ko sa kanila.

"Ha ano daw?".narinig kong sambit ni Rośe.

Hayst tong pinsan ko,galing Australia pero simpleng english di nya naintindihan.Nakatingin lang silang lahat sakin.Grabe,manghang mangha sila sa paliwanag.Iba talaga pag sumagot ang dakilang si Lalisa nakakapagtahimik.Nag bow ako sa kanila atsaka kumaway.Pasasalamat sa paghanga nila sakin.Paupo na sana ako ng tawagin ulit ako ng Misis ko.

"Ahmm,Lisa i repeat the question listen.Naniniwala ka ba na ang tunay na pag ibig ang nagiging rason kung bakit tayo nasasaktan ng lubusan".Bigla akong napaseryoso ng itanong nya sakin yun.

Napasulyap ako sa Triple H nakatingin lang sila sa akin.Bakit nya to tinatanong sakin?Napapakit ako atsaka tumungo,pilit na bumabalik sa aking isipan ang kahapong nais ko ng makalimutan.Nanatiling tahimik ang buong klase lahat naghihintay sa sagot ko.Ilang minuto ang lumipas,huminga kong malalim,tumunghay atsaka ngumiti at determinado syang sinagot.

"Hindi ako naniniwala na totoong pagmamahal ang dahilan kung bakit tayo nasasaktan".sagot ko.

"Bakit?".muli nyang tanong.

"Dahil mas naniniwala ako na kaya tayo nasasaktan pagdating sa pag ibig ay dahil umaasa tayo".seryoso kong sagot.

"Like example,umasa ako na sakin ka.
Umasa ako na ako lang ang mahal mo
Umasa ako sa mga salita mong ang sarap paniwalaan
Umasa ako na di mo ko iiwan pero sa huli ako lang ding mag isa.
Umasa ako na ikaw ang makakasama ko pero alam kong balang araw darating ang isang taong muling magpapasaya sayo at hindi na ako yun.But im matured enough para maintindihan yun".tahimik lang syang nakikinig sakin kaya pinagpatuloy ko ito.

"Know why,hindi sa lahat ng pagkakataon ako ang magiging dahilan ng mga ngiti sa labi mo.Nandyan ang mga taong sumusuporta at nagpapasaya sayo,at darating ang panahon na may isang taong bubuo ng buhay mo at ako?Patuloy na aasa na sana ako at  sya ay iisa".matapos kong sabihin yun ay kinuha ko ang bag ko tsaka lumabas.

End of Lisa Pov.

"Congrats,nasabi na nya ang gusto nyang sabihin".ani Rośe.

"Pero bakit sa harap ni Jennie hindi ba dapat sa taong minahal nya noon".takang tanong ni Baekhyun.

"Dahil para kay Jennie yun".sabat ni Tzuyu na kanina pang nanahimik.

Taka syang tiningnan ng mga ito,dahil di nila maunawaan ang nais nitong sabihin."Yung mga salitang yun hindi para sa taong minahal nya noon kundi para sa taong muli nyang mamahalin ngayon na maaring iwan rin sya pagdating ng panahon".

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 26, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DareWhere stories live. Discover now