16

1 0 0
                                    

Chapter 16.

Jennie Pov.

"Okay Class dismiss".saad ko para sa pagtatapos ng klase.5 sections ang inatendan ko buong maghapon.First is Section H which is Section ng Triple H and also my advisory class.5 lang ang section dito section A,B,C,D,and H.Section H will be the Section E pero dahil sa Triple H na naghahari harian dito sa school na to.Pinalitan nila ang pangalan ng Section nila.At first,i think mahihirapan ako sa Triple H but thanks na rin nameet ko si Lisa and mukhang di na ko mahihirapang ayusin to.Inaayos ko na ang mga gamit ko pabalik na ko sa classroom ko.Last section na naka assigned sakin is section A.Kung may pagkakataon lang ako to choose which section i want to teach.I will choose this section.Why?Cause students here are very intelligent,responsible,at higit sa lahat disiplinado na hinding hindi ko makita sa section H.

After I done fixing my things,palabas na sana ako ng classroom when someone called me.It was Kai na kanina ko pang napapansing pasulyap sulyap sakin habang nagkaklase ako.Medyo naiilang na nga ko sa kanya kasi di ko maintindihan kung ano man ang gusto nyang sabihin.

"Jennie?Are you going home now?Sabay ka na sakin".He get my things at nauna ng lumabas.

Seriously,bakit parang kakaiba yata sya ngayon.Diba dapat galit pa rin sya sakin because of what happened earlier.Atsaka,I thought nasa pagawaan yung kotse nya?

Agad akong lumabas para sundan sya.

"Hey Kai!".tawag ko sa kanya kaya tumigil sya sa paglalakad.

"Diba sira yung kotse mo?So.............".he show me the key dahilan para matahimik ako.

"Nakita na yung kotse mo.Nasa may hospital yun but they didn't know kung sinong suspect.So pupunta tayo dun para kunin ang kotse mo".paliwanag nito sa akin.

Hays,glad nakita na rin yung kotse ko.Nakakapagod na rin magcommute also,ayoko namang palaging umasa dito sa Kai na to.Ewan ko ba kung tinotopak lang sya o nababaliw na sya.Minsan laging galit like what the heck wala naman akong ginagawa sa kanya.And then now,ang bait bait.Hmm,about my car?Mr Jung already texted me what happened.Sya yung magdedeliver sana ng car ko pero hindi sya dumating.He told me na may isang grupo na mukhang mga estudyante ang kumarnap ng sasakyan ko kaya hindi sya nakarating sa mismong usapan namin.

"Hmm,no thanks.Magcocommute na lang ako".

I get my things on him tsaka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa Section H.Masyado ng malaki ang utang na loob ko sa kanya.Im sure,pag nalaman to ni Dad bababa ang expectation nya sakin.I don't need someone's help i can handle myself.Napansin kong nakasunod pa rin sya sakin pero di ko na lang sya pinansin.Pagkarating sa section H,may iilan sa mga estudyanteng natira sa loob.Karamihan sa kanila nagsiuwian na.Pumunta lang naman ako dito,to check the classroom and i think okay naman lahat.Malinis,at nakaayos na ang mga upuan.Pagkapasok ko sa loob agad akong binati ng advisory class  ko.While si Kai naghintay lang dun sa labas.Hays,bahala na nga sya,kanina ko pa sya pinapaalis.Sa bagay obligasyon naman nila ko since silang dahilan kung bakit ako nandito.Oo nga pala, pansin ko lang after ng class ko hindi na bumalik ang Triple H.Last kong nakita yung hambog na Lisa na yun after ng klase ko sa section nila.Sabi pa nya babalik sya in 5 minutes pero hindi na sya bumalik.Saan naman kaya nagpunta yun?

Nang makalabas ang mga student ko ay lumabas na rin ako.I lock the classroom bago umalis.As usual nakasunod pa rin sakin tong si Kai.Anyway,dadaanan ko pa pala sa apartment nya yung pinsan ko para naman may makausap ako at makakuha na rin ng information about Triple H.Also,para matawagan ko na rin yung Twin Sister ko namimiss ko na rin yun eh.

Pagkalabas ng gate,Sandaling akong nag antay ng sasakyan ng may tumigil na sports car sa tapat ko.

"Hey Jennie!Wala kang masasakyan ngayon,aabutan ka ng gabi sa paghihintay dito.Sumabay ka na sakin".anyaya niya pero di ko na lang sya pinansin.

Mamaya ako na naman sisihin pag nadisgrasya na naman yung kotse nya.

"Hays come on Jennie,sumakay ka na.Wag mo na kong pahirapan".muli nyang sambit.

Mukha namang mabait to eh pero minsan kasi tinotopak eh.

"Yah!!Im begging you,magagalit si Dad if iiwan kitang mag isa dito.Also, we're going to the hospital to get your car".I look at him,mukha na syang nakakaawa.

Well,halata namang takot din sya sa Dad nya.Atsaka no choice na rin wala kong masakyan.Binuksan ko ang pinto ng sports car nya atsaka pumasok sa loob.Pagkapasok ko sa loob i wear my seatbelt at naupo ng maayos.Nang mapalingon ako sa kanya nagtaka na lang ako ng bigla nya kong ngitian.What happened to him?Okay lang ba sya.He start the engine and drive carefully.

While on our way hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya.I can't forget the smile that he showed me earlier.What's the meaning of that smile?

Bukod dun,hindi rin mawala sa isip ko yung hambog na yun.Di ko alam kung saan nagpunta yun at maghapon ko ng di nakita sa school.Hays,teka nga bakit ko ba sya hinahanap?Mas mabuti ngang wala sya walang nambibwiset ng araw ko at tahimik pa yung buhay ko.Pero san ba talaga sya nagpunta?

DareWhere stories live. Discover now