Chapter 14.
Hinati hati ni Jennie ang buong klase sa 5 grupo.Since,ayaw sumali ng ibang students sa group ng Triple H.Natatakot kasi sila sa mga ito kaya mas pinili na lang nilang sumama sa ibang grupo.From the start of the game until to the fourth nagpakitang gilas na ang group 1.Sunod sunod ang pagkapanalo nila because of one students na varsity ng school nila.
"5 minutes break,Group 1 and last group Triple H will be played".sambit ni Jennie na syang nagpakaba sa group 1.
Nanatili lang namang tahimik ang Triple H habang nanunuod ng game.Si Lisa nakaupo sa tabi ni Jennie at kinukulit ito.
"Ah ma'am can i quit?".A varsity student asked to Jennie na syang pinagtaka nito.
"But why? You're good at playing volleyball.Last game na to sayang naman".sambit ni Jennie.
"Ah ma'am pasensya na po talaga.Balik na po ako sa classroom".Paalis na sana ito ng pigilan sya ni Jennie.
"Wait,is there any problem?".Sa halip na sagutin si Jennie tiningnan nya ang grupo ng Triple H na agad namang naintindihan ni Jennie ang gustong sabihin nito.
Kakausapin pa sana ni Jennie ang estudyante ng patakbo na itong umalis.Napailing na lang sya at bumalik na sa upuan.
"Okay Triple H?Group 1 your turn pumunta na kayo sa mga pwesto nyo".utos nya.Isa isang tumayo ang Triple H at pumunta na sa court pero si Lisa nanatili lang nakaupo nakatitig kay Jennie.
"Hoy Lisa!!Kayo na!!".Hinampas nya ito sa noo para matauhan,dahil tulala na naman ito.
"Ha?Tayo na??".gulat na tanong nya.
Hindi na sya sinagot ni Jennie at tinuro na lang ang mga kasamahan nya.
"Misis ko?Panuorin mo kung paano namin ilampaso tong mga to".pagmamayabang nya tsaka pumunta sa court.
Pagdating doon,nag stretching sya,push up,at kung ano ano pang pinag gagawa may maipagyabang lang kay Jennie.
"Support mo ko Misis ko para sayo to!".sigaw nya.
"Ayan na naman sya sa para sayo nya tapos palpak naman".bulong ni Rośe kay Tzuyu.
"Marunong ba yang mag volleyball?The last time na pinag served sya ng bola binato nya dun sa kabilang member kaya tayo tinanggal sa game".dagdag pa ni Tzuyu.
"Panoorin nyo ko! Professional players to!!".kumaway kaway sya sa lahat ng naroroon atsaka nag bow.
Samantala habang patuloy ang pagpapansin ni Lisa dito.Kinakabahan naman ang kabilang grupo lalo na at nawala ang varsity player nila.Kaya naman lumapit sila kay Jennie.
"Ma'am magquit na rin po kami sa game".sambit ng isang babaeng matangkad.
"What?Why?Last game na to".nanghihinayang na sambit nya.
"Kasi po kulang kami sa member at hindi rin po namin kakayanin ang Triple H".paliwanag nya.
Sandaling natahimik si Jennie at tiningnan ang Triple H bago muling nagsalita."Okay fine.I'll join on your group but we need to finish this game first?Is it okay??".
Ngumiti ang mga ito atsaka tumango.Jennie get the ball and went to the court kasunod ang group 1."I'll play too!".nakataas kamay nyang sambit.
"Hayst,akala ko madali lang matatapos to".saad ni Sehun.
"Misis ko?Ikaw?Lalabanan mo ako?".sunod sunod na tanong ni Lisa.
"Yes,why?Natatakot ka".hamon nya dito.
"Ah hahahaha,naku Misis ko baka magsisi ka.Professional to tas lalabanan mo?Tsk,tsk,mabuti pa misis ko manuod ka na lang".utos ni Lisa sabay turo sa upuan kung saan nakaupo si Jennie kanina.
Pero inismidan lang sya ni Jennie tsaka pinatalbog ang bolang hawak nya."Let's start the game".
Nagpunta sya sa may dulong bahagi to be the one who served the ball.
"Ah Misis ko,hindi,hindi ako lalaban".tinaas nya ang dalawang kamay nya na parang sumusuko.
Pagkatapos tinalikuran nya sila Jennie at kinausap ang members nya.
"Guys you know me,ayokong manakit,at ayoko ring may nakikitang umiiyak dahil natalo ko.Lalong lalo na yung Misis ko.Kaya guys?Magpatalo na tayo,hayaan na natin sila".tuloy pa rin ito sa pagsasalita.
Nang marinig ni Jennie ang pagpito hudyat para iserved ang bolang hawak nya ay agad nya itong pinalipad papunta sa kinaroroonan ng Triple H.Hindi napansin ni Lisa na nagsisimula na ang game dahil tuloy pa rin sya sa pagsasalita.Kaya di sinasadyang tamaan sya ng bolang inihagis ni Jennie.
Sandaling natahimik ang buong paligid.Nakatalikod pa rin si Lisa pero sobrang taas ng tensyon na nararamdaman ng lahat sa buong court.
"Lagot na!!!".sambit ni Rośe.
Dahan dahang humarap si Lisa atsaka tumunghay.Yung mga tingin nya sobrang tatalim,nagngangalaiti sya sa galit.Para bang ano mang oras kaya nyang manakit ng kung sino man.
"Arrrrgh!Sinong may gawa nun".sigaw nya.Halos magsitaasan ang balahibo ng mga estudyanteng naroroon.Para syang nagngangalit na leon.
"Tsssk,dada ka kasi ng dada!!".napako ang atensyon ni Lisa kay Jennie.
Di naman makagalaw sa kinatatayuan nya si Jennie ng titigan sya nito
."Arrgh??Ikaw!".Papunta na sana si Lisa sa kinaroroonan ni Jennie ng harangin sya ng Triple H.
"Lisa!Lisa!Kalma".pigil ni Rośe sa pinsan.
"Bitawan nyo ko!!!!".muling sigaw nya.
"Lisa kalma lang.Misis mo yun.Misis mo".pagpapakalma ni Rośe dito.
Agad namang natauhan si Lisa ng marinig yun."Misis ko?Si Jennie yung napakaganda kong asawa?Ah bat di nyo agad sinabi.Hehehe,misis ko?Isa pa,hindi naman masakit eh".