Chapter 9.
3 days after.....
Lisa Pov.
Andito kami ngayon sa may daanan syempre naglalakad alangan namang lumipad kami diba?Wala naman akong pakpak,wala rin akong kapangyarihan pero meron akong ikaw yiiieeeeee tsk hmmp kay Jennie lang ako.Psssht,baka magselos asawa ko.Yung babaeng yun hindi man lang sya nagpaalam sakin bago umalis.Wala man lang ba syang respeto sa mapapangasawa nya?Hayst,grabe inlab na inlab talaga ko sa babaeng yun.Yung mata nya tas yung labi nya ang sarap....lah......ibig kong sabihin ang sarap titigan.Kayo kung ano ano iniisip,utak nyo ah ang dudumi.Ganun din naman iniisip ko pero bawal pa yun,i respectfull my wife.
"Tita Lisa?Tita Lisa?Why are you smiling?".napatingin ako kay Jihwan ng hilahin nya ang damit ko ng pansinin nya ko.
Naka blue T-shirt ako and pants at rubber shoes."You look so happy and excited Tita Lisa".
Offcourse sino ba namang di ma eexcite makikita ko na naman yung mahal ko.Nabalitaan ko kasi galing kay Chief tsismoso kasi yun eh.Student teacher pala sya sa school kung saan kami pumapasok.Kaya simula ngayon maaga na kong papasok para lagi akong present hindi lang sa classroom.Ngunit pati na rin sa puso nya yiiiiiieee.
"Tita Lisa?".
Muntik ko ng makalimutan may kausap nga pala ko.English yung tanong nya kaya dapat english din yung sagot ko.Alam nyo naman pag genuine ehem kagaya ko,kailangan lagi ng magandang sagot ang isang matinong tanong.Tumigil kami sa paglalakad atsaka ko sinagot si Jihwan.
"Hmmm Jihwan you know,i think im expensive".Napakunot noo itong tumingin sa akin.
Hayysst,sinasabi ko na nga bang dapat easy english lang sinabi ko.
"What expensive tita Lisa?".
Oh diba tama nga ako,hindi nya alam.Ang hirap talagang maging matalino palagi na lang may exclamation.
"You listen,okay?? Expensive?Ibig sabihin nun mahal sa english love.So that's why your Tita Lisa is expensive".paliwanag ko.
Mabuti na lang matalino ko,napakagwapo at englishero.Tanging tango na lang ang isinagot nya.Oh diba,napakaswerte ng magiging anak namin ni Jennie.Matalino Daddy nila,gwapo pa.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad.Habang naglalakad kami napalingon na lang ako ng may bumusinang napakalakas na kotse.Arrrgh,muntik na kong mabingi.Lalapitan ko sana ito ng lumabas ang Triple H syempre kasama yung pinsan ko.Saan naman kaya nacarnap ng mga to yung kotseng yun.
"Lisa!!!".sigaw ng pinsan ko.
Bwiset tong lokong to kung makasigaw akala mo nakalunok ng microphone.Ang sakit naman ng boses nya sa tenga.Hindi sya gumaya sakin,mala anghel ang boses.Ehem!Ehem!
"Sira ulo ka,wag kang sumigaw hindi ako bingi.Anong paisa loko ka ah".Loko lokong to,feeling nya yata papatulan ko sya?Yuck,ewww,my body is for Jennie only.
Pagkalapit nya agad ko syang binatukan,ang sama ng bunganga alam namang may bata.
"Ouch,why!!!!" .angal nya.
Inambahan ko sya ng suntok kaya agad syang napatakbo sa may likodan nila Sehun at Tzuyu.Hehehe,napakamot na lang ako sa may ulunan ko.Ayokong kalabanin tong dalawang to.Mga seryoso baka patulan ako.At isa pa,ayokong sirain ang napakaganda kong umaga.
"Hi Jihwan?".may pawagayway wagayway pa tong Rośe na to tsssk.Pasalamat sya pinsan ko sya kundi naku!!Hayst.
"Lisa?Ihahatid mo na si Jihwan sa school?Sabay na kayo samin".alok ni Sehun.