20

1 0 0
                                    

Chapter 20.

Rośe Pov.

30 minutes left bago kami nakalabas sa kulungan na yun.Paano ba naman,nagkwentuhan pa sila ni Dad.Buti na lang si Tito na mismo nag decide na palabasin kami dahil wala namang naitulong sila Dad at Lisa.

"Oh hahahah!!Guys,nakalabas na pala kayo.Kamusta ah?Namiss ko kayo".Isa isa syang lumapit samin at niyakap kami.

Kahit kelan may sira talaga sa utak tong bwiset na to eh.Dumiretso na kami sa labas para umuwi.Magkausap pa kasi sila Tito at Dad kaya di ko na sya ginulo.Siguro pinapangaralan na naman ni Tito si Daddy.Hayst,minsan talaga naiisip ko nagkapalit ba kami ng Daddy nitong pinsan ko.Kasi yung Dad nya matino naman pero si Lisa ubod ng kademonyohan.While ako naman medyo matino pero si Dad naman yung may problema.

Pagkalabas namin ng presinto bumungad samin ang kotse ni Ms.Kim.Ano pang ginagawa nito dito?Hindi ba dapat binalik na nila to kay Ms.Kim.Bago pa man ako makapagtanong ay agad na akong sinagot ni Chief.

"Iniwan na ni Ms.Kim ang kotseng yan.At sya rin ang nag utos na palabasin na kayo.Kaya dapat magpasalamat kayo sa kanya".paliwanag nya.

"Wow hahaha,oh ayan ha,magpasalamat kayo sa Misis ko ah.Ayaw nya talaga kong nahihirapan".sambit ni Lisa habang nakayakap sa kotse.

Hindi ba dapat kami yung nagsasaya dahil kami yung nakulong dahil sa kotseng yan.

"Heto ang susi ng kotseng yan.Mabuti pa magsiuwi na kayo okay".Tito gave the key to me.

I open the door sa may driver seat at nauna ng pumasok.Maya maya pa at sumunod na rin sila Tzuyu na naupo sa tabi ko.Kasunod sila Baekhyun at Sehun sa likuran namin.At sa backseat si Lisa,tahimik lang ang lahat.Walang sino man ang nais magsalita,syempre sino ba namang di mababadtrip.I start the engine of the car,mapansin kong panay ang singhot ni Lisa sa may likodan.

"Lisa? What's the problem??Nag aadik ka ba??".Sinamaan nya lang ako ng tingin kaya nagfocus na lang ako sa manobela.

I drive carefully mahirap na baka mamaya sa kulungan na naman kami bumagsak.Di pa man kami nakakalayo ng biglang sumigaw si Lisa.Mabuti na lang at mabilis kong naagapan ang preno.

"stop!!!".sigaw nya

"Yah!Lisa,bakit ka ba sumisigaw".reklamo ni Tzuyu dahil muntik na syang mauntog sa may unahan ng sasakyan.

Sa halip na sagutin kami itinaas nya ang inuupuan nya at para bang may hinahanap.Pagkatapos lumabas sya kaya napalabas na rin kami.

"Lisa ano bang problema?".tanong ko.Kakaiba kasi yung mga kinikilos nya.

Ipinatong nya ang kamay nya sa may ibabaw ng kotse at kiniskis ito doon.Nagtaka na lang kami ng pagtanggal nya ng kamay nya doon ay may kulay itim na pinturang dumikit sa kamay nya.Katulad ng nasa damit nya.Matapos yun ay pumunta sya sa may unahan nito at sinipa ang kotse.Dumiretso sya sa may likuran nito kaya sinundan namin sya.

"Anong nangyayari sayo Lisa??".muli kong tanong.

"Anong plate number ng kotseng kinuha nyo?".balik na tanong nya samin.

"Bakit mo tinatanong Lisa?Baek?Diba nagpicture ka dito kanina??".He nod his head bago kinuha ang cellphone nya.

He open it and look to the photo na kinuha nya kanina.Pagkatapos binigay nila ito kay Lisa.Mariing pinagmasdan ni Lisa ang picture ng kotse na nasa cellphone ni Baekhyun at ang plate number ng kotseng sinasakyan nila ngayon.

"Hindi ito yung kotseng kinuha nyo".sambit nya.

Agad namang kinuha ni Tzuyu ang laptop nya at may isinearch doon.

DareWhere stories live. Discover now