Chapter 19.
Rośe Pov.
Ang tagal naman ni Lisa,nasaan na naman ba nagpunta yun.Kanina pa kami dito hanggang ngayon wala pa rin sya.Ah hanggang kelan ba kami mananatili dito.Ayoko na dito ang init init.Gusto ko ng umuwi!!!
"Sir!!Palabasin nyo na po kami dito".sigaw ko.Pero parang mga bingi tong mga to.Kanina pa ko sigaw ng sigaw dito di naman nila kami pinapansin.
"Puso'y umiiyak sa labis na kalungkutan,ang nais ko lamang naman ika'y masilayan at muling mahagkan".Isa pa tong Baekhyun na to,wala na ngang naiitulong kung ano ano pinagsasabi.
"Hoy palabasin nyo kami dito".muli kong sigaw.
"Hays,pwede ba Rośe manahimik ka na nga lang.Kanina pa ko nabibingi sayo".sambit ni Sehun na nakasandal sa may pader.
Gumagawa na nga ako ng paraan para makalabas dito.
"Kasalanan nyo to eh,kundi nyo inupakan si Kai eh di sana wala tayo ngayon dito sa loob ng kulungan".sisi ko sa kanilang dalawa.
Paano ba naman tinatakot ko lang naman si Kai tapos itong dalawang to biglang inupakan.Ayon pinapulis tuloy kami ng Daddy nun.Ito namang si Lisa kanina pa namin tinatawagan hanggang ngayon wala pa rin.Pa vip talaga yung bwiset na yun eh.Tsaka hindi naman namin alam na kotse pala yun ni Ms.Kim.
"Anong kami?Ikaw tong atat bugbogin si Kai eh".balik na sisi sakin ni Baekhyun.
"Hay naku,tumigil na nga kayo.Kung may isang tao man nandito at kailangang magreklamo walang iba kundi ako yun.Nanahimik lang naman ako tapos pati ako damay".reklamo ni Tzuyu.
Well may kasalanan rin naman sya.Sya ang pumili ng kotseng yun,di naman namin alam na kay Ms.Kim pala yun.
Habang nag iisip kami dito ng paraan para makalabas ay sya namang pagdating ni Chief syempre kasunod yung anak nya at.......
"What??Dad?".
"Tol!Pakawalan mo na yung pamangkin mo.Mabait na bata naman yun eh".pakiusap ni Dad dito.
Naupo si Chief sa may upuan nya.Sa tapat naman nya si Dad while si Lisa ito papalapit samin habang may hithit na sigarilyo sa bibig nya.
"Hay sa wakas dumating rin ang pa vip.Ang tagal mo Lisa?San ka ba galing??".bungad na tanong ni Baekhyun dito.
Sa halip na sagutin ito ay pinagtawanan nya lang kami.Sinasabi ko na nga bang walang maitutulong tong bwiset na to eh.Hays,sana di ko na lang sya pinagtanggol dun sa Kai na yun.
"Bwuahahaha!!Nyare sa inyo?Mukha kayong mga nakakaawang unggoy.Hahaha!!!".pang aasar nya.
"Humanda ka samin pag nakalabas kami dito Lisa".sabay sabay naming sabi dahilan para matigil sya sa pang aasar at biglang sumeryoso ang mukha.
"Ehem,ahmm wag kayong mag alala guys.Makakalabas kayo dito.Lalo ka na pinsan".She tap me on cheeks tsaka binugahan ako ng usok galing sa bibig nya.
Napaubo na lang ako ng malanghap ito.Matapos nyang sabihin yun ay pumunta ito kina Dad.Naupo sya sa table ni Chief,manang mana talaga kay Dad yung ugali nya.
"Chief!Pakawalan mo na yung mga unggoy,ah eh ibig kong sabihin yung mga kaibigan ko".Kinuha ni Chief ang sigarilyo nito at itinapon sa may basurahan.
"Ikaw Lisa!!Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag.........".pangaral sa kanya ni Chief pero sa halip na pakinggan ay nagkwentuhan na lang sila Dad.
"Ahahaha,tito Daddy sinasabi ko naman sa inyo.Akong bahala sa pinsan ko,tuturuan ko syang maghanap ng kasintahan".Ayan nagkakasundo na naman sila ni Dad at ako na naman ang topic nila.
"Mabuti na lang Lisa nandyan ka.Eh ikaw ba,kelan mo ipapakilala sakin ang kasintahan mo?".tanong nito dito.
"Naku tito Daddy malapit na,alam nyo naman yung mga ganto kagwapo.Hindi maaring mawalan ng mga kaagaw ang babylove ko kaya tinatago ko muna sya Tito Dad.Pero soon ipapakilala ko rin sya sa inyo".mayabang na sambit nito.
Tsk,nangarap na naman ang loko.
"Yung babylove ko tito daddy,maganda na sexy pa".nakakagat labi nyang sambit.
"Bagay na bagay sa gwapong katulad ko,hehehe alam nyo ba tito daddy yung babylove ko ayaw na ayaw nyang nalalayo ako sa kanya.Kasi mahirap na baka maagaw pa ako ng iba.You know,Tito Daddy pag gwapo daming naghahabol ehem,sa totoo nga lang tito Daddy ayoko nga sanang sagutin yung babylove ko.Kaso naawa ako sa kanya kasi sayang naman yung effort nya sa panliligaw sakin".
Hay naku,nagyabang na naman tong bwiset na to.Ito namang si Dad paniwalang paniwala.Tumikhim ako para ipaalala sa kanila na nandito pa kami pero hindi nya naman kami pinansin.
"Tapos alam nyo Tito Daddy sobrang strict nya,yung tipong pag may lumalapit saking mga babae nagiging Dragon na sya.Hahahhaa,one time nga tito Daddy nagselos sya grabe mabuti na lang mabait ako at sinuyo ko pa sya".
"Ah talaga Lisa?Eh baka naman under ka nyan?".
Medyo,natawa ko dun sa sinabi ni Dad dahil napasimangot si Lisa.Tumayo sya at determinadong sinagot si Dad.
"Tsssk,ako under?Tsk,no never.Subukan nya lang underin ako mawawalan sya ng gwapong asawa".
![](https://img.wattpad.com/cover/206420273-288-k449206.jpg)