Chapter 15.
Lisa Pov.
Pagkatapos ng laro hindi na kami pumasok sa sunod na subject.Wala namang kwenta yun kasi wala dun yung misis ko.Sya nga pala,bago ko makalimutan well,hmmm,sabi ko naman sa inyo eh mananalo kami.Professional kaya to.Naglalakad kami ngayon dito sa may hallway papunta sa may judgement room.May hahatulan lang kaming isang estudyanteng nangbwiset samin kanina.
"Hay naku nakakabagot tong araw na to".sambit ng pinsan kong demonyo tsaka bumuntong hininga.
Nakalagay ang dalawang kamay nya sa may ulonan nya habang naglalakad na para bang ginagawa nya itong unan.
"Okay lang gwapo pa rin naman ako".sabat ko.Syempre walang magrereklamo dahil totoo naman yun.
"Nakakapagod yung game, ang galing pa rin maglaro ni Ms.Kim.Just like what i expected,but i admit i enjoyed it".sambit ni Sehun habang naglalakad.
"Syempre,Misis ko yata yun.Pero mas magaling ako,kaya nga tayo nanalo eh".
"Ikaw lang".sabay sabay nilang saad.
"Sinisi nyo ba ko?".Arrrgh!!Bakit parang kasalanan ko pa ngayon kung bakit sila natalo.Kasalanan ko bang professional volleyball player ako?Mga inggetero hmmmmp.
"Sa bagay,tama naman sya.Wag nating sisihin si Lisa guys.Its not her fault kung natalo tayo".mabuti pa tong si Baekhyun naiintindihan ako.
Kami lang talaga yung matino sa grupong to eh.Yung dalawa halimaw,yung isa demonyo,ito namang si Baekhyun medyo gago,ako lang talaga anghel dito.Grabe,di man lang sila nahiya sakin.
"Kami lang talaga ni Baekhyun may understanding eh,tsk palibhasa panay pagbobulakbol ginagawa nyo.Mahiya nga kayo,mga bad influencer kayo.Diba Baek".
"Oo naman,walang kasalanan si Lisa.Hindi naman nya kasalanan kung lumipat sya sa grupo ni Ms.Kim?Tama Lisa?".tanong nya sa akin na agad kong sinang ayonan.
Masama bang samahan ko yung Misis ko?Hindi naman diba.
"Isa pa,hindi nya rin kasalanan na sa tuwing makakapuntos ang grupo natin.Ipapabura nya dun sa nagtatara at dun nya ilalagay sa score ng group 1 right??".
Ginagawa ko lang yung tama tsaka mali yung hagis nila.Mali yun,mali.
"At higit sa lahat okay lang naman na nandun sya sa kabilang group dahil wala naman syang kwenta maglaro.Pampagulo lang sya sa grupo tama??".
"Tama!!!!".sabay sabay nilang saad.
Well,wala akong kasalanan kung gwapo ko sisihin nyo yung mga magulang ko.Ha?Teka anong pampagulo??
"Anong sabi mo Baek?".inis ko syang tiningnan pati na rin si Rośe.Ayoko dun sa dalawa nakakatakot.
"Ang sabi ko hindi mo kasalanan na anghel ka sa paningin ng lahat.Ang bait mo kaya Lisa".Yan ganyan dapat Baek,may fries to sakin mamaya.
"Pffft,anghel na galing sa impyerno ka mo?".
Arrrgh, Rośe!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!Hindi pa man ako nakakapag salita ng sabay sabay na silang nagsitakbuhan palayo.Kumunot lang naman noo ko kasi nakita ko yung Misis ko ang daming umaaligid na mga estudyante sa kanya.Anong karapatan nilang dumikit sa Misis ko ah!!!
"Hoy!!!".sigaw ko na agad namang nagsilayuan ang mga estudyante ng marinig yun.
Nilapitan ko sya at nakasimangot na tumingin sa kanya.
"Oh Lisa anong ginagawa mo dito?Diba dapat nasa klase ka na?".tanong nya sakin.Kahit cute sya hindi ako marupok galit pa rin ako sa kanya.
"Bakit ka nakikipagharutan sa mga yan ah!!!".nakanguso kong sabi.
"Ha?Ano bang sinasabi mo?".muli nyang tanong.
"Ayan!Ayan!Tsaka ayan!Pati ayan!Bakit kasama mo sila?".sambit ko habang tinuturo sila isa isa.
"Kasi mga estudyante ko sila".Agad nyang sagot.Hmmmp,
"make a line".bulyaw ko.
Pumila sila isa isa sa harapan ko.Isa isa ko silang tiningnan pero lahat sila umiiwas sakin.
"Ano bang ginagawa mo?Pwede ba bumalik ka na nga sa classroom nyo".utos ng mahal ko sakin.
Pero syempre hindi ko sya sinunod.Kahit mahal ko sya no!Hindi ako magpapaunder sa kanya.
"Ikaw,ikaw,ikaw,ikaw,pati ikaw,wag na wag nyong lalandiin yung misis ko.Asawa ko yan,baby ko,babe ko,tandaan nyo yan ah!!!".
"Hayyyst,pwede ba wag mo ngang takutin yung mga estudyante ko".hinila nya ko sa damit para lumayo sa kanila.
"Kayo ah!!Ililibing ko kayong buhay!!".pagbabanta ko sa kanila.
Sa kakahila sakin nitong Misis ko.Teka nga,ang dami ko palang tawag sa kanya.Dapat isa lang at ako lang tatawag sa kanya nun.Hmm,babe?Tsssk yoko,baby?Paano na lang pag may baby na kami eh di dalawa na baby ko.Ayaw,ayaw!!Misis ko??Tssk,ayokong tawagin sya nun pag magkaaway kami.Habang nag iisip ang napakatalino kong utak kung ano ang itatawag ko sa kanya ng may biglang sumigaw na estudyante.
"Classmates punta na daw lahat sa lab".muli akong napaisip ng marinig yun.
Tinitigan ko ang misis ko.Mukha syang bata bakit ganun?Baby?Baby?Babylab??Hahahahaha,babylab,bwuahahahah!!
"Babylab?".ng sambitin ko yun ay napalingon sya sakin.Ibig sabihin nagustuhan nya yun.Paulit ulit ko yung sinabi at pinagsigawan ko pa.
"babylab!!!!Babylab!Babylab!!".
"Pwede ba tigilan mo nga yan!!".kunot noo nyang utos.
Tong babylab ko kunwari pang walang pakialam pero halatang kinikilig naman.
"Class let's go,on the court 30 minutes na lang time na".
Paalis na sana sya ng harangin ko sya."Sasama ko!!".
"No go back on your classroom dahil manggugulo ka lang dun".
"Hindi ako manggugulo promise!!".nakataas kamay kong sambit pero ayaw nya pa ring pumayag.
"babylab sige na babantayan lang naman kita dun eh".
"Hindi ko kailangan ng tagabantay Lisa.I can handle myself". Nagpatuloy na sya sa paglalakad kaya sinundan ko sya.
"Oh sige,di wag.Pero kayo ah!!!Hmm,oras na pinormahan nyo yung babylab ko.Nakikita nyo tong kamao ko?Sisipain ko kayo!!!".masakit kasi kamay ko kaya sipa na lang muna ang bigat kasi ni Jihwan.
"Babylab aalis na ko pero tandaan mo,ako'y magbabalik in 5 minutes.Goodbye!!!".Kinurot ko sya sa ilong tsaka tumakbong paalis.