Sabi nila, lahat ng tao may third eye. Hindi lang ito active at pili lang ang mga taong nagka-karoon nito. Isa raw itong gift. Sabi pa nila, kapag kusang bumukas ito darating ang araw na kusa rin itong magsasara. Kapag kusa mo naman itong pinabukas, mahihirapan ka ipasara ito kapag ayaw mo na.
Maniniwala ba kayo kung sasabihin ko na isa ako sa mga nagkaroon nito?
Oo, tama. Isa ako sa milyong-milyun na tao sa mundo ang meron nito. Paano nangyari at saan nagsimula? Ganito iyon...
Bata pa lang ako nang nagkaroon ako nang third eye. Sakitin akong tao. Baby palang ako sakitin na talaga ako. Muntikan na nga rin ako nun mamatay. Biruin ninyo, nagsimba lang raw kami nun, pag-uwi inapoy na agad ako ng lagnat. Kaya dinala agad nila ako sa hospital. Kala nila mama at papa nun mawawala na ako. First baby kasi nila ako kaya masakit kung mawala agad ako. Kwento pa nila, hindi na nakatiis si papa na tingnan ako sa ganoong lagay. Kaya umiiyak siyang umalis at nagtungo sa kapilya nang hospital. Natawa ako nang kinuwento niya kung anu yung dinasal niya, sabi niya: " Mabuhay lang ang anak ko, hindi ko sya sasaktan". Kaya ayun, never akong napalo ni papa nung bata pa ako until now. Ang cute diba.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
HorrorCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.