Maniniwala ba kayo? nasa kabila nang modernong panahon natin ngayon eh nag-eexist pa rin sila? Siguro yung iba hindi maniniwala. Pero ako, oo. Hindi ko siya nakita nang dalawa kong mata. Pero naramdaman at narinig namin siya. Oo, namin. Meaning hindi lang ako, madami kami. Ganito kasi yun.
Buntis yung tita ko. Sa bahay nang lola ko may puno nang mangga at niyog. Madaling araw na nun. Siguro mga ala-una nang umaga. Hindi pa kami tulog kasi busy kami sa pinapanuod namin sa t.v. Maya't maya, bilang may nag-ik-ik. Una kala namin paniki lang, kaya binaliwala namin. Ilang segundo, biglang parang may kuma-kaluskos na sa bubong namin.
Nagtaka na kami. Hininaan namin yung volume nang t.v. at pinakiramdaman namin yung paligid. Baka rin kasi magnanakaw pala yun. Biglang naulit ang kaluskos. Tahimik na kami sa loob. Naalala nang isang tita ko yung langis. Nagulat kami kasi kumukulo siya (bumubula). As in yung kulo na parang pina-kuluang tubig. Kitang-kita nang dalawa kong mata ang pagkulo nung langis. Doon kami nag-panic, pano buntis yung tita ko.
Lumabas yung lola at mga tito ko. Si lola may dalang itak, sa may puno siya nang niyog pumuwesto. Yung mga tito ko sa may puno naman nang mangga. Yung isa kong tita pinuntahan yung tita kong buntis. Habang ako, nasa sala lang at pina-panuod pa rin ang pagkulo nang langis. Ang bilis nang mga pangyayari. Narinig ko nagmumura na yung lola ko at hinampas-hampas yung itak sa puno nang niyog. Tapos narinig ko pa, may lumipad na kala mo malaking ibon. Tumahimik na rin ang paligid at tumigil na rin sa pagkulo yung langis.
Grabe, hindi ko ini-expect nang gabing yun ang mga nangyari. Kala ko sa mga province lang may mga aswang (kung talagang nag-e-exist sila). Pati rin pala dito sa Maynila.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
TerrorCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.