Second year na ako. At kung kelan nasa second year na ako, saka ko naisipan mag-service. May naging mga kaibigan kasi ako na taga-roon din sa lugar na tinitirahan namin. Magkakaiba lang kami ng block. Isang umaga, pagpunta ko sa bahay nila kung saan doon ang antayan namin ng service. Pagpunta ko doon, wala ang tricycle na service namin. Kaya tinawag ko siya sa bahay nila. Tawag ako ng tawag pero walang lumalabas at sumasagot. Nilakasan ko ang pagtawag. Alam kong may tao sa loob dahil bukas ang pinto nila at nakikita ko ang kusina nila mula sa labas.
Aalis na sana ako, nang maisipan ko ulit tawagin siya sa huling pagkakataon. Pagtawag ko, may nakita akong dumaang babae sa kusina nila. Akala ko siya na iyon kaya lalo ko pa nilakasan ang pag-tawag sa kanya. Ilang minuto pa ang lumipas, lumabas ang mama niya. Sabi, kanina pa raw umalis. Kaya umalis na ako. Naiwan ako nang service namin. Pero nagtaka ako, kasi yung mama niya galing sa kwarto nila nung lumabas. Yung nakita kong babae sa kusina pumasok. Kung mama niya iyon dapat sa kusina rin siya lalabas. At inantay ko rin lumabas yung babae sa kusina kaya nagtaka ako na sa kwarto lumabas mama niya.
Kinuwento ko iyon sa kanya (sa kaibigan ko), ang sabi niya baka ang nakita ko raw eh yung white lady sa bahay nila. Hindi naman raw nananakit yung white lady sa bahay nila. Minsan na rin raw iyon nagpakita sa mga bisita nila. Pero dahil wala siyang third eye, hindi niya ito nakikita. Minsan kwento din niya, simbang gabi raw nun nang makita ng mama niya ang ate niya na pumasok sa kwarto. Kina-usap pa nga raw ito ng mama niya at sinabing akala ko magsi-simbang gabi ka. Hindi raw ito umimik. Ilang minuto ang lumipas, tinawag ng mama niya yung ate niya. Tawag raw ng tawag yung mama niya sa ate niya pero hindi raw sumasagot at lumalabas ng kwarto.
Nang biglang dumating ang ate niya galing sa simbahan kasama yung bunso niyang kapatid. Nagtanong raw yung ate niya kung bakit siya tinatawag. Sabi ng mama niya umuwi raw siya at pumasok sa kwarto akala nga ng mama niya hindi siya magsi-simba. Pumasok pa nga raw ng kwarto eh. Natakot sila, pero naisip din nila yung white lady sa bahay nila. Baka ginaya yung ate niya.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
TerrorCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.