Little Entities

2.2K 41 8
                                    

Sa bahay ulit nang lola ko ito nangyari. Nasa grade three (3) na ako nun. Gabi at tulog na ang lahat, nakahiga ako sa lapag malapit sa papag. Dahil nasa lapag nga ako nakahiga, kita ko ang ilalim nang papag namin. Habang natutulog ako, bigla akong naalimpungatan at nagising. Pagmulat ko, nakaharap ako sa ilalim ng papag namin.

Nakita ko, may tatlong maliit na tao ang nandoon. Parang nag-uusap-usap sila. Hindi ko sila marinig at hindi ko rin sila ganung makita. Kasi, medyo madilim din ang ilalim nang papag. Pero naaaninag ko yung figure nila, kaya alam ko na maliliit sila. Tiningnan ko pa silang maigi. Unti-unting nabubuo yung figure nila. Naaaninag ko na may suot silang sumbrero. Maliliit sila, siguro mga kasing laki nang lata nang gatas yung pinaka-maliliit na lalagyan.

Tatlo sila. Isang babae at dalawang lalaki. Pula rin ang mga mata nila. At nag-uusap-usap talaga sila, pero hindi ko marinig. Natakot ako. Kaya iniba ko nang direction ang tingin ko at nagdasal bago matulog. Simula nun, hindi na ako natulog sa lapag. At tumitingin sa ilalim nang papag kapag gabi.

☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon