Matapos kumain nagsipasok na kami sa tent. Matutulog na sana kami ng biglang nakarinig kami ng tumili at umiiyak. Nagising kami at napaupo, maya-maya may pumasok na babae. Umiiyak siya at parang takot na takot. Ramdam ko iyon, kasi sakin siya yumakap pagkapasok niya sa tent. Pinapatahan namin siya at tinatanong kung bakit siya umiiyak. Hindi siya sumasagot patuloy lang siya sa pag-iyak kaya hinayaan na muna namin siyang umiyak. Nang nahimasmasan na siya muli namin siya tinanong. Sinagot niya kami, at sinabi na may nakita siyang white lady sa bintana ng room ng section 5.
Lumabas kaming lahat at tumingin sa room ng section 5. Pero wala kaming nakita. At yung babaeng umiyak kanina ay pumasok na sa tent nila.
Alas-nuwebe na ng gabi ng mag-announce sila na magsitulog na lahat. Ang mahuhuli ng CAT Officers na hindi pa tulog ay mapaparusahan. Kaya nag-sipasok na kaming lahat sa mga kanya-kanya naming tent. Ewan, pero madaling araw na iyon bigla nalang ang ingay sa labas. Pati mga kasama ko lumabas ng tent. Pag-labas namin, halos lahat ata nasa labas ng mga tent (sa open field). Mga hindi nakatulog kaya ayon nag-kwentuhan nalang sila. Ganun din ang ginawa namin magkakaibigan.
Nasa tapat kami ng pinto ng isang room sa harap ng tent namin. Naka-upo lang kami doon at nagkukwentuhan. Madaling araw pa yun, siguro mga ala-una ng umaga. Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan nang bigla akong inantok. Kaya nagpaalam ako sa kanila na papasok na sa loob ng tent at matutulog ulit. Pag-angat ko ng tent, sa may gilid may nakita ako.
Isang babae na naka-upo at nakatungo sa gilid ng tent namin. Una, akala ko ka-tentmate lang namin. Tiningnan ko siya. Hindi ko makita yung mukha niya kasi nakatalikod siya sa akin at nakayuko. Nang maisipan kong lapitan para tanungin kung anong problema niya. Para din kasi siyang umiyak dahil nakatungo siya. Nang kunti nalang ang agwat ko sa kanya. Bigla akong kinabahan at natakot. Tiningnan ko ulit yung babaeng nakatungo. Naka-white na damit siya. Doon na ako lumabas nang tent at umiiyak na lumapit sa mga kaibigan ko. Ang sabi ko habang umiiyak, "may white lady sa loob ng tent". Natakot talaga ako nun. Kasi, imposibleng ka-campmate ko siya sa CAT. Dahil lahat ng nag-CAT camping ay naka-suot ng CAT t-shirt na kulay black.
Grabe, sa dami ng mga nakikita ko. First time ko umiyak. Pati mga kaibigan ko, nagulat din sa akin. Maski rin ako, nagulat sa naging pag-iyak ko. Kaya ang ginawa nila sa akin, nilagyan nila ako ng pulang panyo sa noo. Para tuloy akong albularyo. Iyon kasi ang sabi ng classmate ko. Kapag nakakita ka at natakot ka, maglagay ka ng pulang panyo sa noo para hindi mo ulit makita yung nakita mo. Hindi na rin kami nakatulog nun, natakot din kasi sila sa akin at sa white lady. Hindi ko lang alam, kung yung white lady na nakita ko sa loob ng tent ay iyon din ba ang white lady na nakita ng babae sa bintana ng room ng section 5 at naging dahilan ng pag-iyak niya.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
TerrorCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.