Balik na tayo sa kwento kung paano ako nagka-third eye. Six (6) o seven (7) years old na ata ako nun, not so sure. Dahil hindi nga ako pinapalo ni papa, si mama naman ang pumapalo sakin. One time, napalo at napa-galitan ako ni mama. Dahil sa emotera at drama queen ako, pumunta ako sa kwarto at dun nag-emote. Habang umiiyak, hawak-hawak ko ang litrato nang lola ko. Naalala ko pa nun, habang umiiyak ako kinakausap ko yung picture sabi ko pa nun: "La, balik ka na dito". Bukod kasi sa papa's girl ako, lola's girl din ako. Kapag kasi andyan sila, may kakampi ako kapag pinapalo at pina-pagalitan ako ni mama. Pasaway din naman kasi ako eh. Habang umiiyak, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Habang natutulog, nanaginip ako. Ang puti nang paligid, pati ako nakasuot din nang puting damit. Naglakad-lakad ako at nakita ko si lola, nakaputi din siyang damit. Natuwa ako. Tapos magkasama kaming naglakad sa puting-puting paligid. Nag-uusap kami nun, pero walang lumalabas na salita samin. Bumubuka lang ang mga bibig namin. Habang nagkukwentuhan kami, biglang umitim ang paligid. Tapos, unti-unting lumalayo sa akin si lola. Iyak ako nang iyak, at sinabi ko isama nalang niya ako. At tuluyan na siyang nawala.
Nagising ako dahil naalimpungatan ako kay mama. Pagdilat ko, nakita ko siyang umiiyak at nag-iimpake nang mga damit. Nag-tanong ako kung bakit siya umiiyak. Kala ko nag-away sila ni papa. Pero hindi pala, sabi niya: "Patay na ang lola mo, kagabi lang".
Nagulat ako at napatulala. Sabi pa ni mama, nasa sala raw sila tita at tito na galing pa nang province. Sila ang nagsabi na wala na si lola at pupunta raw sila sa Antipolo para sabihin sa isa pa naming kamag-anak ang nangyari. Nang wala na si mama, tumayo na ako sa higaan at pagtayo ko nakita ko ang litrato nila lola at lolo na hawak ko kagabi.
Tiningnan ko lang ang litrato at inalala ang panaginip ko kagabi. Imbis na umiyak ako dahil wala na si lola. Napangiti pa ako, hindi dahil sa patay na siya kundi dahil love talaga ako ni lola. Hanggang sa huli, hindi niya ako kinalimutan dahil kahit sa panaginip nakuha niyang mag-paalam sakin.
Kinukwento ko kay mama iyon. Sabi niya nag-paalam raw talaga sakin ang lola ko sa panaginip. At doon nag-start ang lahat. Mula kasi nang mapanaginipan ko ang lola ko. Doon nagsimula ang mga kakaibang nakikita ko, na hindi nakikita nang isang ordinaryong tao. Doon ako simulang nagkaroon nang THIRD EYE.
Until now, hindi ko pa rin alam kung bakit isa ako sa mga taong nagkaroon nito. At bakit ako?.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
رعبCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.