Ang Lalaking nakatayo sa bintana ng section 3

1K 29 3
                                    

     Ilang araw ang lumipas buhat ng nangyaring iyon sa amin. Pero sadyang napakatigas ng mga ulo namin. Dahil sa kabila ng mga usap-usapan na maraming mga ligaw na kaluluwa sa paaralan namin. Mahilig parin kaming magpa-iwan at magpa-lipas oras at umuwi ng late sa paaralan. Dahil isang hapon, muli ay nagpa-iwan ulit kami sa room.

     Wala ng tao sa buong building ng first year at maging sa buong campus. Nang wala ng magawa sa loob ng room, nagpasya akong lumabas. Para pa nga akong ewan nun dahil kumakanta-kanta pa ako habang naglalakad sa hallway. Masaya akong kumakanta at patingin-tingin sa bawat room. Nang matapat ako sa room ng section 3, nakita ko may tao pa sa loob. Nakatayo siya at nakatingin sa bintana. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya. Pero alam ko estudyante siya dahil nakasuot ng uniform na pang-lalaki. Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa dulo, sa room ng section 5.

     Pabalik na ako sa room ng maisipan kong tumingin ulit sa section 3. Pero nagtaka ako dahil nakita ko ang pinto nila na naka-lock na. Agad kong sinilip ang room nila at wala ni isa man akong nakita. Hindi ko rin nakita yung lalaking nakita ko kanina lang na nakasilip sa bintana. Bagkos hinangin lang ang kurtina nila. Bumalik ako sa room ng nagtataka. At inisip ko nalang na baka umuwi na siya at hindi ko lang napansin ng bumaba siya ng hagdan na malapit lang sa section 5.

☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon