November nun, araw nang mga patay. Uso pa nun ang Magandang Gabi Bayan at palagi kaming nanunuod nun. Gusto ko yung portion nila tuwing November yung puro kwento nang mga nakakatakot. Habang nanunuod, inutusan ako ni mama na isarado ang bintana sa kwarto. Kaya pumunta ako ng kwarto para isarado ang bintana.
Hindi pa ako nakaka-akyat masyado, nasa pangatlong hagdan palang ako, tumingin ako bintana pagtingin ko may lalaking nakatayo. Nagtaka ako, paano magkakaroon nang tao dun eh ang makikita mo sa labas nang bintana kapag sumilip ka ay pader nang kapitbahay.
Kaya bumaba ako at bumalik sa sala. Kinuwento ko ang nakita ko at nagpasama sa tito ko. Pagpunta namin, wala na dun ang lalaki at saka ko sinarado ang bintana.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
HororCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.