The Door Knob

1.9K 39 10
                                    

     Araw nang bakasyon. Naisipan naming pamilya ang bumisita sa mga kamag-anak namin sa Cavite. Ilang araw lang ang inilagi nila mama at papa sa bahay nila tita. Umalis din sila at nagpaiwan ako. Sa kagustuhan na rin nang pinsan ko na naging ka-close ko. One month din ata ang tinagal ko doon. Sinulit ang bakasyon.

     Habang nandoon ako, madaming events ang nasaksihan ko at naging part ako. Nandiyan yung nag-swimming kami, nagbakasyon sa bahay nang kamag-anak nang tita ko. Luma na yung bahay at nakakatakot aminado ako. Nagkasakit nga pinsan ko dun kaya umuwi rin kami eh. Na-bati raw nang mga dwende sa likod bahay. Palagi pa naman kami dumadaan doon kapag naglalaro kami nang taguan.

     Pero hindi ko talaga malilimutan yung nagkaroon nang kasalan. Isa sa mga kamag-anak nila, na ilang bahay lang ang layo at pababa pa yung daan. Dahil nga kasalan, busy ang lahat. Sila tita at tito tumulong sa paghahanda. Kaya ako, yung pinsan ko at yung isa kong tita (na kamag-anak yung may-ari nang lumang bahay na ilang araw rin kami namalagi). Tatlo lang kami sa bahay. Kaya sinarado namin ang mga bintana at pintuan. Nasa kusina kami at nagkukwentuhan. Habang nagkukwentuhan, narinig namin na may kumakatok. Kala namin wala lang iyon. Maya't maya kumatok ulit. Pangalawang katok na.

     Hindi ulit namin pinansin. Hinantay namin na may magsalita. Natatakot na rin kami kaya ayaw namin magbukas nang pintuan basta-basta. Kumatok ulit. Pangatlo na. Pero wala paring nagsasalita. Nagdesisyon kami na buksan at tingnan kung may tao ba talaga o wala.

     Nang papalapit na kami biglang gumalaw yung door knob (yung tipong may gustong magbukas ng pinto). Lalo kaming natakot. Naglakas loob na si tita na magtanong kung sino yung tao sa labas. Walang sumasagot. Thirty minutes din kami nakiramdam bago tuluyang buksan ang pintuan. At nakita namin na walang tao.

     Hindi kami natulog nang gabing iyon, hanggat hindi dumarating sila tita at tito. At nang dumating sila madaling araw na. Agad kaming nagtanong kung kumatok ba sila sa pinto sabi nila hindi raw. At kinuwento na namin yung nangyari. Nakakatakot. Kasi hindi namin alam kung ano o sino iyon.

☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon