Hindi ko ito totally experience. Kwento ito ng mga classmate ko si Billy at Eunice (not their true name), pero isa ako sa mga kasama nila nang mangyari ito. Mag-hapon kasi ang klase namin nung nag-aaral pa ako ng highschool. At dahil nag-papaiwan kami, gabi na kami minsan nakaka-uwi ng bahay.
Hapon, dahil hilig namin ang mag-paiwan sa room, nag-paiwan kami. Madami-dami din kami nun. Si Andy, nag-papatawa kaya ang ingay-ingay namin. Nasa second floor kami ng building. Dinig sa buong building ng first year ang ingay namin. Buti nalang tapos na ang klase at wala ng mga estudyante sa buong building ng first year maliban sa amin. Ilang saglit lang, biglang umulan. Habang nag-papatawa si Andy biglang kumulog at kumidlat. Namatay din ang mga ilaw, kaya nag-tilian yung mga classmate ko. Nang magbukas muli ang ilaw, tumahimik na kami. Sinaway na rin kasi kami ni kuya Mike na huwag na maingay. Baka magalit na rin samin yung mga hindi namin nakikita. Tahimik nalang kami sa loob ng room at nag-kukwentuhan habang inaantay tumigil ang ulan.
Nang biglang dumating yung adviser namin at nagtanong kung bakit di pa kami umuuwi. Matapos yun, inutusan niya si Billy at Eunice. Nabawasan kami sa room. Tahimik pa rin kami. Maya't maya nagsalita si Dina, "Guys, sa harap nalang tayo umupo lahat". Nagtaka kami, pero sinunod namin siya. Kalat-kalat kasi ang pwesto namin. Nang lahat ay naka-upo na sa harap, saka sinabi ni Dina kung bakit niya kami pinapa-upo sa harap. Sabi niya, sa glass cabinet namin sa likod nung biglang kumulog at kumidlat, nakita niya sa salamin may image nang bungo. Iyon ang dahilan kung bakit niya kami lahat pinalipat sa harap. Natakot kami at tumahimik.
Ang tagal tumila ng ulan. Sabi kasi namin kapag tumigil na yung ulan ay uuwi na kaming lahat. Sa tapat ng first year building nalang namin aantayin sina Billy at Eunice. Habang tahimik kami, biglang lumabas si Anna. Tinanong namin siya kung bakit siya lumabas. Sabi niya, may bumato raw sa kanya mula sa ibaba. Kaya tiningnan niya kung sino, pero wala naman raw tao. Nagkasugat pa nga siya sa binti nun eh. Natatakot na talaga kami. Pero sabi ni kuya Mike, huwag kaming matakot. Kasi baka lalo kaming takutin. Tumigil na ang ulan. Sakto namang dumating sina Billy at Eunice. Takot na takot sila at pinapamadali kaming lahat na umuwi na. Kaya nagpasya na kaming umuwi. Habang naglalakad sa hallway, tinatanong namin sila kung anong nangyari. Pero hindi nila sinasabi, saka nalang raw kapag nakababa na kami ng building. Nang matapat kami sa room ng section three (3). Biglang tumakbo sila Billy at Eunice, kaya pati kami tumakbo na rin. Namamadali kami sa pagbaba ng hagdan at patakbong umalis sa first year building.
Nang nasa may harap na kami nang library, doon nila kinuwento ang nangyari. Nung inutusan raw sila ng adviser namin, pagtapat nila sa room ng section 3. May nakita silang white lady na naka-upo. Natakot sila kaya tumakbo sila. At pagtapat naman nila sa room ng section 5, may biglang lumabas na kamay. Kulay itim at mabalahibo, may hawak din raw iyon na kutsilyo at muntik na mataan ang braso ni Eunice. Natakot kami sa kwento nila. At kinuwento din namin ang nangyari samin habang inaantay namin sila. Sabi ni kuya Mike, "ang ingay kasi natin, kaya baka nabulabog natin sila". Grabe, mula nun hindi na kami masyado nag-papagabi ng uwi. At kung magpapaiwan man kami, hindi na kami ganung nag-iingay.
BINABASA MO ANG
☦☦☦THIRD EYE (True Story of Mine)☦☦☦
HororCompilation nang mga nakakatakot at totoong nangyari sa akin. Mula sa pagkabata at simulang magkaroon nang Third Eye hanggang sa highschool na kusang nawala ito.